Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatlumpung" poems
UWIAN: Unang hakbang pagpasok sa tarangkahan. Pangalawa, at tumingin sa daan. Pangatlo, at tumingala sa kalawakan. Saka naglakad pa ng isang daan at tatlumpung hakbang, Sa apat, hanggang lima narinig ko ang andar ng jeep ni Ama Sa anim hanggang pito narinig ko ang pagkukwenta ni Ana. Sa walo hanggang siyam nakita ko ang tongitsan ni Manang. Sa sampu hanggang labing-isa umiwas sa konstrukyon ni Saavedra. Sa labing-dalawa at hanggang labing- tatlo ay narinig ang sigawan nina Agnes at Cito. Sa bawat bahay, at taong nadadaanan Tanging pagkaway at ngiti lang ang nadadatnan. At ilan lang ito sa mga bagay na inuuwian. Nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot sa abandonadong bahay, Madilim man, at magulo sa loob. Ngunit amoy na amoy pa rin Ang buhay na puno ng sampaguita. Pumitas ako, inamoy pa ito, at nagbaon ng ilan nito. Ipinikit ang mata ko, at saka linanghap ang mabangong amoy nito. Saka naglakad pa at pumapasok sa aking tahanan.
0
May 22, 2015
May 22, 2015 at 4:14 AM UTC
UWIAN
Paanong napapasaya niya ako? Kahit ang ginagawa niya lang naman ay mag exist sa mundo Sa usapang hindi tumatagal ng tatlumpung segundo Madalas ay "hi" o "hello" lang ang nasasabi ko Ang tatlumpung segundo ay naging ilang minuto Ang "hi" o "hello" ay naging maikling kuwento Samahan mo pa ng ngiti niyang nakakatunaw At mga mata niyang bubuo ng iyong araw Dati ay nangungupahan lang siya sa isip ko Ngayon ay malapit na ata siyang manatili ng permanente dito Kapag nagtagal pa siya bahay na ito Posibleng i-offer ko sa kanya ang mas magandang bahay sa aking puso Sa loob ng bahay sa aking puso Ay may hagdan na gawa sa aking binti patungo sa alapaap Mga silya na may sandalang gawa sa aking balikat At kama na gawa sa aking mahigpit na yakap
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 6:16 AM UTC
Untitled
Antagal ko nag-antay sa iyo pagdating. Mainit. Maingay. Masikip. Sa bawat hakbang palapit Ako’y napapaismid. Kasya ba at kaya? O kasaya at di na kaya? Unti unti. Eto na, eto na. Papasok na ako. Toooot-toot! Bigla nag-sara ang pinto. Ako’y umatras at napahinto. Tiningnan kitang umalis. Isa, dalawa, tatlo. Umabot ng tatlumpung minuto. Wala ka pa din. Naiinip. Naiinis. Nagagalit. Bakit ang tagal mo bumalik? Nakita kita, ako’y napakapit sa bag na dala. Inihanda ang sarili Bumukas. Lumabas. Tinulak. Pasok! Sa wakas ako’y nakapasok Sa loob ng bagon. Ngunit kinaya man, Ako’y yari na sa akin amo. Pagkat ako’y nahuli na Naman sa amin pagtitipon. Napakamot. Napayuko. Napamura.
0
Nov 17, 2017
Nov 17, 2017 at 11:29 AM UTC
M-R-T