"tatawirin" poems
Kay tamis ng iyong ngiti
Sadyang kay ganda ng iyong labi
Ika'y lubos na nakakahumalig
Sayo ako'y tunay na umiibig
Mata mo'y kumikinang na parang bituin
Ikaw ang anghel ng aking panalangin
Regalo ka ng Diyos aking sinta
Sayo ang puso ko'y napapakanta
Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw
Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw
Ika'y rosas sa hardin ng Diyos
Tatawirin ka sa kahit anong unos
Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan
Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan
Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay
Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Ganito ba talaga?
Umaasa na sana tayong dalwa.
Sa bawat araw ikaw gusto makausap.
Tanghali, umaga at gabi ikaw ang hanap.
Oo, sayo ako nabighani.
Nabighani mo tong puso kong mapili.
At sa tuwing boses mo ang naririnig.
Kaligayan at musica ito sa aking padinig.
Ikaw ang gusto ko makasama.
Tanghali, umaga hanggang gabi pa.
Aabotin ang tala para sa iyong mga ngiti.
Tatawirin ko ang lahat ng bahaghari.
Ikaw at ikaw ang aking hinahangaan.
Nalaman ko na ikaw lang ang aking kailangan.
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 12:35 PM UTC
Matalinhaga ang kahapon,
ang nagdaang panahon:
kapeng mainit na pinalalamig, hinihipan
pero di malag-ok, nakakapaso sa lalamunan
Tila alon sa dalampasigan
itinataboy ng pampang
ngunit bumabalik ang mga ala-alang
pilit itinatapon, kinakalimutan.
Mga tagpong akala’y isang dipa lamang
tila ang pagitan
ng lupa at kalangitan
ngunit nang tatawirin na’y
bangin pala ang kailaliman
walang tulay na magdugsong
sa sanlibong katanungan
sa mga gumuhong moog
at nadurog na diyos-diyosan.
Sa sulok ng balintataw
isang paslit ang natanaw
tumatakbo’t humahabol, sumisigaw
tinatawag niyang “Tatay!”
iyong nakalagak, isang bangkay
sa kabaong na ipapasok, ihihimlay
sa nitsong pintado ng puting lantay
- labi ng aking amang hinagilap na suhay
Sa lamay ng patay,
ang kapeng barako ay buhay
bumubukal, walang humpay
maalab ang pakikiramay,
sawsawan ng tinapay
Sa lamay ng patay
nagsisikip man ang dibdib
magkunwari’y kailangan
nagdurugo man ang puso
lakas-loob ang kaanyuan
Habang umaagos ang litanya
sa labì ng punong magdarasal
pumapatak ang ulan ng luha
walang puknat ang “Bakit?”, nag-uusisa
Hindi napapahid ng panyong pinipiga
ang hapdi ng sugat sa naulilang diwa
lalo’t ang bayaning inakala
ay pasang-krus pala ng inang dinakila
Matalinhaga sadya ang kahapong nagdaan,
pelikulang kulay sepya, kumupas na sa kalumaan:
Lumamig na ang inuming sa burol ay itinungga
Tahimik na silang nagtungayaw ng sumbat at sumpa
Sa malayo’y kumakaway ang palaspas ng payapa
Nagpahinga na rin ang ilaw na sa aki’y nagkalinga
Sumisilip sa alapaap ang impit na sinag
Naglalaho na ang mga bituin sa liwanag
ng unti-unting pagsabog ng araw na papasikat
At sa pagbangon, bagong umaga’y may pahayag
Gigisingin akong lubos, tila tunog ng gong
ng bagong-luto **** pagsalubong
Isang lag-ok muli, aasa, susulong
kung saan man hahantong . . .
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:43 AM UTC
Gumuhit ng tula at sa bote'y inilagay,
Inilapit sa dagat at sa alon ay isinibay.
Sa langit umasa na iyong matangay,
Itong apat na taludtod na sa'yo ay inalay.
Ako ay humihiling, na sana'y 'yong malaman,
At kahit na bitin, aking panghahawakan,
At aking dadamdamin ka at ipaglalaban,
Alon man ay dumating, ako ang makakapitan.
Bundok ay tatawirin, kahit na masugatan,
Dagat ay lalanguyin, pipilitin kong lumutang
Ikaw lamang ay marating, at aking masilayan
Sa mukha mo'y may ngiting, abot sa kalawakan.
Ikaw ay sasagipin, hindi ka pababayaan.
At kahit na palihim, ako'y maaasahan.
Sa'kin ay tumingin, ikaw ay maniwalang,
Na tuwing dumidilim ang karagatan, ikaw ang s'yang liwanag.
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 2:15 PM UTC