Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kung pano tayo nahantong dito ay hindi ko alam.
Sa kung paano natuwid ang paa at sa kung pano unti unting nalagot ang yong hininga.
Hindi ko alam kung pano ko nakayang halikan ang iyong kamay habang ikaw ay nakaratay at walang malay.
Hindi ko alam kung pano ko kinayang patigilin ang luhang umaagos sa mga mata habang pinapanood kang hirap na hirap huminga.

Hindi ko alam kung ano ako ngayon habang pinagmamasdan ang pikit **** mga mata.
Hindi ko alam pano ko tatanggaping ang aking nagsilbing ama ay wala na.

Unti unting tumigil ang paggalaw ng paligid ko, sa loob ng apat na sulok ng silid mo,
Unti unti akong nabingi sa mga hagulgol ng pamilyang nagmamahal sayo,
Habang pinagmamasdan ko ang huling pagkumpas ng mga kamay mo, ang paputol putol **** paghinga, at ang unti unting paglabo ng yong mga mata.

Hinahanap hanap nang tainga ko, ang patawag mo sa pangalan ko. Ang mga pagtatampo mo kapag hindi ako dumadaan sa bahay mo. Ang pagtawag mo ng madaling araw kapag kaarawan ko. Ang mga tugtog mo. Ang pagtawa mo sa mga jokes ko. Mamimiss ko ang mga yakap mo.


Ikaw ang umakay sa musmos kong puso at nagpaliwanag kung ano ba ang buhay.
Ikaw ang kakampi sa lahat ng bagay.
Ikaw ang nagturo kung pano magbilang, at sumagot sa assignment kong 1 plus 1.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin,
Na sa mga susunod na araw ika'y hindi ko na kapiling.
Kaya kung saan ka man naroroon, ito sana ay baunin,
Itay, mahal kita mula noon at sa habang panahon.
Salanat sa mga alaala, bagamat may poot mas lamang naman ang galak,
Bagamat ang iba ay lumuluha, mas madami pa rin ang tumatawa.
Salamat itay, itay paalam na.
Maria Leslie Mar 29
I’ve been thinking of someone can touch me but
Inside out it’s still empty
No one can turn too

I've been traveling for decades but my heart is still alone
How many times have I been with you and met you
But it's still not you

Many battles have passed but it’s fair
I thought it was you but until now I still haven't won
I always left alone winning myself but not together with you
I'm left victorious in myself but you're not with me

No matter what I do I still can't see the real
No matter how I open the door
The opportunity is still elusive

Even if I don't look for it, it's always whispered
The real face still doesn't face me
The real for me is still hidden

Is there nothing left for me?
Is it already written?
How long will I wait?

Is it always destined for someone else?
Another opportunity will be waiting again
But how far will the journey go without you

Is this just the new beginning
Is it just the beginning?
There is always a new door to open

You only open a door once and a while and you have a chance
At the wrong time, not in the right direction
The world stopped in the elusive happiness

My tired heart cannot be satisfied
The winding,
tiring battle is not quiet
The direction does not straighten to be with you and see you

It is difficult when I have chosen you but you do not choose me
I thought you were the one,
but I will also go back to the old days and accept that you are no longer here
There is no partner.

************

"π•Žπ•’π•π•’ ℙ𝕒𝕝𝕒 π•‹π•’π•π•’π•˜π•’π•Ÿπ•˜ π•‚π•’π•“π•šπ•ͺπ•’π•œ"

Ako ay nag hihintay na mayroong makaka hipo sakin
pero hanggang ngayon wala paring laman
Wala paring lumilingon

Ilang dekada na akong nag lalakbay pero ang puso ko’y mag isa parin
Ilang beses na kitang nakasama at nakilala
Pero hindi parin ikaw

Marami nang nagdaang labanan akala ko ikaw na yon
pero hanggang ngayon hindi parin naipapanalo
Naiwan akong nanalo sa sarili pero hindi ka kasama

Kahit ano gawin ko hindi parin makita ang tunay
Buksan ko man ang pinto
Mailap parin ang pagkakataon

Hindi ko man hanapin palagi itong binubulong
Hindi parin humaharap ang tunay na mukha
Nakatago parin ang tunay na para sakin

Wala na bang para sakin?
Naka tala na ba ito?
Hanggang kailan ako mag hihintay?

Parati nalang ba sa iba nakalaan?
Panibagong pagkakataon ulit ang hihintayin
Pero hanggang saan aabot ang paglalakbay ng wala ka

Ito palang ba ang bagong simula
Nagsisimula palang ba?
Palaging may bagong pinto ang bubuksan

Minsan ka lang mag bukas ng pinto at pagkakataon
Sa maling pagkakataon na hindi natapat sa tamang direksyon
Nahinto ang mundo sa mailap na lumigaya

Hindi mapagbigyan sa napapagod kong puso
Hindi matahimik ang paliko likong nakakapagod na labanan
Hindi tumutuwid ang direksyon para makasama at makita ka

Ang hirap kapag pinili na kita pero ikaw hindi mo ako pinipili
Akala ko ikaw na yun uuwi rin din pala ako sa dati at tatanggaping wala ka na
Wala palang kapareha.
Written: 1.3.2025

— The End —