Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatanggalin" poems
I. Blangko na naman ang utak ko, Inuukupa mo na naman ito. Hindi ako makapagsulat ng husto. Kahit ano pa ang pilit ko. II. Aaminin ko, niyayakap ko pa rin ang unan mo, At pakiramdam ko’y ika’y nasa tabi ko. At kahit masakit ang dinulot mo. Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko. III. Hindi ko akalain na may kapangyarihan ang tulad mo, Kaya **** pabilisin ang tibok ng puso ko, Kaya mo ring ukupahin ang utak ko, At kaya mo ring patigilin ang mundo ko. IV. Pero hindi ako papayag na manipulahin mo ako, Kailangan kong makalaya sa kapangyarihan mo. Kaya simula sa araw na ito’y, Tatanggalin na kita sa sistema ko.
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 9:44 AM UTC
Manipula
hindi ko na ilalagay ang sarili ko sa panganib tatanggalin ko na ang pana ni kupido sa’king dibdib 'wag mo sanang masamain kung ako’y nanlalamig napagod lang ako sa gerang isang panig lamang ang umiibig
0
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 12:42 PM UTC
tama na