Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatangay" poems
Papaano nga ba maging isang mabuting ama? Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama Maginoong lalake at may takot sa Diyos Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan Written: 01/27/2010
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 3:34 AM UTC
Ama