"tatama" poems
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maaamoy ang pabangong paborito ko
Sa tuwing hahalo ang amoy ng sigarilyo sa kamay
Sa tuwing sisimoy ang hangin papunta sa kanya,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing maririnig ang dating awitin
Sa tuwing tatama ang mga lirikong dating para sa akin
Sa tuwing ang kanyang mundo ay napapaloob sa isang kanta,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing dadapo ang inspirasyon
Sa tuwing hahanapin ng kamay niya ang isang lapis
Sa tuwing lilikha ng isang larawang iguguhit sa malinis na papel,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing pipikit ang mga mata
Sa tuwing kadiliman na lamang ang nakikita
Sa tuwing lilipad ang isipan
Bago makatulog ng tuluyan,
Naaalala kaya niya ako?
Naaalala kaya niya ako
Sa tuwing mumulat ang kanyang mata sa bukang liwayway
Sa tuwing ang isipan ay pumupungas pa pagkatapos ng panaginip
Sa tuwing babangon siya sa panibagong araw
Sa panibago na namang umaga na ang kami ay wala na,
Naaalala kaya niya ako?
Kasi ako, oo.
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 10:51 PM UTC
Ako ay tumaya sa pag ikot ng ruleta
Tumaya dahil umaasang sakin ito'y tatama
Sa sobrang dami ng aking tinaya tila'y nawalan ng pagasa
Pano ba naman ni isang beses ako'y hindi pinagpala
Mar 7, 2020
Mar 7, 2020 at 7:42 AM UTC
Sa t'wing pinagmamasdan ko
ang mapayapang pag-alon ng tubig sa asul na dagat,
naalala kita.
Sa t'wing dadampi sa'kin
ang malamig na simoy ng hangin,
naalala kita
Sa t'wing tatama sa aking mga balat
ang malinaw na tubig ng karagatan,
naaalala kita
Ang kapayapaang dala sa'kin ng mga iyon
ay nagpapaalala kung gaano kagaan
ang pakiramdam na iyong dala
Ngunit napagtanto kong,
hindi araw-araw ay kailangan kita
hindi palagi'y kailangan ko ang 'yong presensya
Hindi araw-araw kailangan kong ilublob
ang aking mga paa at hintaying lumapit ka
upang alisin ako sa pagkakalunod
sa kalungkutang nadarama
Hindi dapat ako umasang sasagipin mo ako
sa mga oras na nanghihina at 'di makatayo
dahil kailangan kong humakbang mag-isa—
at maging matatag kahit hindi ka na kasama
Masakit panigurado,
pero iyon ang hinihingi ng mundo
Ang isuko natin ang laban na ito
dahil hindi lahat ay dapat ipanalo
Palayain na muna natin
ang ating mga sarili sa ngayon
Dahil alam kong magtatagpo ulit
tayo — pagdating ng panahon.
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 11:49 AM UTC
Marami man tumututol,
Ngunit ‘di ‘to mapuputol.
Marangyang buhay iiwan,
Sa hirap ay sasamahan.
Sarili’y wag hahamakin,
Ikaw ang Nag-buo sakin.
Handa kitang ipaglaban,
Hanggang saking kamatayan.
Mahal, bakit mo sinalo?,
Balang tatama sa’king puso.
‘Diba ikaw ay nangako,
Pagtanda mo’y kasama ko?.
Hanggang sa kabilang buhay,
Pag-ibig di mamamatay.
Ikaw ay aking susundan,
Muli ka lamang mahagkan.
Jun 26, 2020
Jun 26, 2020 at 6:48 PM UTC