Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Paul Diesta Jul 2015
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman
Kahit aking puso'y lubos ng sugatan
Punyal na tumarak dito sa 'king puso
Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo.

Kaysakit isipin kung bakit ganito
Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo
Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa
Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta.

Sabihin man nila ako'y isang tanga
Puso'y di nagsisi ng piliin kita
Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka
Kahit buhay ko pa ang bawiin nila.

Ulan man o bagyo, aking tatahakin
Aking iniirog wag mainip sa'kin
Maghintay ka lamang tanging panalangin
Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
Marlo Cabrera Mar 2014
Salamat,

Salamat, sa napakamasayang pagsasamahan natin,

salamat,

sa pagmamahal na ipinadama niyo sa akin.

Salamat,

Ako ay nag-papasalamat sa pag gabay niyo sa akin.

Salamat, ako'y inyong sinamahan sa lahat ng beses na ako'y humaharap sa hamon ng buhay.

Salamat,

sa pag-tangap sa akin bilang kaibigan.

Salamat,

kase kayo ay para saakin di' kaibigan ang turing
kayo'y Pamilya para saakin.

Salamat,

Sa kabila ng lungkot at kaligayahan; ako'y hindi niyo kailanman iniwan.

Salamat.

Simula sa araw na ito, tayo man ay magkaibang landas ang tatahakin,
sama-sama nating haharapin ang kinabukasan na nasa harapan natin.

hawak ang kamay ng isat' isa, sabay-sabay na nag-lalakad papunta sa paraiso
na para sa atin ay naka-laan.

Salamat sa lahat.

Salamat.

Salamat, aking mga Kaibigan.
Grade 11, Sa puso koy' mananatili habang buhay.
cleann98 Mar 2019
Hindi biro ang apat na taong ibinuhos sa iisang paaralan. Lalo na kung sa halos bawat pumapanaw na araw sa apatnapung buwan ay iisa lang ang itinatahanan ko't parang nakakulong pa sa iisang bahay sa tuktok ng iisang bundok.

Hindi birong sa haba pa lang ng apat na taon naging lipunan ko na ang Regional Science High School III. Tahanan. Mundo.

Hindi rin biro na sa pagbukhang liwayway sa akin ng ikalimang taon ay saka pa nagbago ang ikot ng mundo ko.

Sabi ng isang dating sikat na makatang si William Shakespeare noon na ang buong daigdig natin ay tila isang tanghalan at lahat ng lalaki't babae dito ay mistulang mga manananghal lamang. Sila'y umaalis at lumalahok ng walang pasinaya, madalas wala ring paalam...

Totoo nga, pabara-bara lang.

Bago ko pa man namalayan naging dayuhan agad ako sa sarili kong tahanan. Sa unang pagkakataon matapos ng apat na taon na umalis ang mga ilaw at tala na nakasanayan kong tingalain, pagmasdan, nakabibigla.

O baka matagal lang kasi talaga akong malapit sa gitna bago ko naranasang maitulak sa bandang dulo.

Sa tuwing itinatanong sa akin ng mga kaibigan ko sa Junior High School kung ano ang masasabi ko sa nakaraang dalawang taon ko sa RS bilang mag-aaral sa Senior High School; madalas sinasabi ko lang ay nakabibigla. Para akong namalinguyngóy sa wika na halos buong buhay ko nang sinasalita.

Lalong lalo na dahil palagi pang ipinaaalala sa akin ng mga taong nasa paligid ko na matagal na dapat akong umalis sa paaralan na ito. Ang pagpili ko sa STEM education o Science, Technology, Engineering, at Mathematics strand sa Akademikong trak ay isang pagkakamali at aminado ako dito. Kung tutuusin hindi talaga biro na ako ang tunay na 'alien' sa SHS ng RSHS.

Kaya mahirap ang Calculus at Physics at Chemistry para sa akin. Hindi ko ipagkakaila. Mahirap ring makitungo sa mga tipon-tipon ng mga nagsisikap maging bihasa sa larangan ng medisina kung ang gusto ko lang naman ay maging bihasa sa pisara. Higit din sa minsan ay nakahihiya na rin ipaliwanag pa kung bakit hindi ako nagtataas ng kamay tuwing tinatanong kung sino ang nangangarap maging doktor sa kinabukasan. Uulitin ko, nakahihiya.

Nakababalinguyngóy patagal ng patagal, habang lalong nagiging dayuhan ako sa paaralan na ito... Umabot ako ng hanggang ikalabindalawang baitang bago mapansin na masyado nang malaki ang distansya ko sa mga bagong bituin na dapat nasa paligid ko pa rin.

Maging tapat lang din, nakahahanga talaga ang pagniningning nila. Ang mga kaklase ko, bihira ko lang pinupuri pero tunay ang hiwaga nila, kahit sa mata ko lang.

Oo, dati inisip ko rin na habulin ko ang mga sinag ng aking mga kamagaral, pero kung nasaan ako ngayon, siguro nga mas pipiliin ko na ang kinalalagyan ko.

Itinanong na rin sa akin dati ng isa kong kaibigan ito, may advantage ba talaga ang pagpili ko na magaral sa STEM ng RSHS?

Ngayon, sobrang dali ko lang masasabi na kahit wala ako sa gitna ng mga tala napagmasdan ko naman ang mas malaking kalawakan. Kaya sobra rin, may isang napakalaking nagawa sa akin ng SHS ng lipunan ko.

Sabi nga ng mga Astrologo, pinakamalinaw na mapagmamasdan ang kalangitan mula sa pinakamadilim na kapaligiran; at yun ang kinalalagyan ko ngayon. Gaya ng nasa larawan ng isang concert kung saan nasa dulo ako ng coliseum ay nakita ko ang pinakamagandang view na hinding hindi ko makikita kung nasa gitna lamang ako at malapit sa pinakamasinag na hiwaga na meron. Tanging sa gilid lang, kung saan halos wala na akong makita sa inaapakan ko, doon ko lang nakita kung gaano karikit ang dami ng mga ilaw na hindi ko pa naisip lingunin noon.

Saka ko lang napagalaman na mayroon pa palang ningning na malilingon ko sa larangan ng pagsulat ng lathalain. Paniguradong kung hindi ko sinubukan muli na lumaban sa presscon nitong taon hindi ko na ulit mararanasan ang journalism, muntik na akong hindi makalaban sa DSPC at lumaban sa RSPC. Muntik ko nang hindi makilala si Rizzaine at ang ibang mga naging kaibigan ko sa laban na ito. Siguro nga hindi ko rin makakahalubilo ang mga naging kasamahan ko sa the Eagle at ang Sanghaya kung hindi dito.

Hindi ko rin inasahan na mapapalapit ako sa kislap na tanging sa SDRRM at Red Cross Youth ko lamang mararanasan. Nakakapagpabagabag. Matagal na akong lider pero hindi kahit kailan pa man ay nasagi na sa isip ko na mangunguna ako sa isang napakalaking lipunan  na kasing gulo at kasing dehado ng katipunan na iyon. At higit pa rito ay sino ba naman ang magaakala na sasabihin kong naging isang malaki at masayang bahagi ng SHS ko ang ubod ng labong pangkat na ito.

Ang mga kaibigan ko pa. Mga parol sa madalim na sansinukob na hindi ko magawang talikuran at hindi ko rin kayang masyadong malayuan.

Mahirap silang isa-isahin pero silang mga bituin na natulak rin palayo sa gitna ng mundo namin, para silang Polaris, na naging pahayag ng daanan tatahakin ko sa karimlang katakot-takot lakaran. Alam ko na lalayo at lalayo pa sila habang patuloy na lumalaki at lumalaki ang kalawakan ko pero ang hiwaga ng ilaw nila, yun ang hiwaga na hindi mawawala sa mundo ko.

Mahirap maligaw sa tahanang kay tagal-tagal mo nang ginawang mundo. Mahirap madapa sa daanang ilang taon mo nang nilalakad. Nakababahala. Nakababaliw. Nakababalinguyngóy. Pero ang sukdulan lang ng karanasan ko ay gaya lang ng isang simpleng kasabihan 'we do not go there for the hike, we go there for the view.' at tunay nga, sobrang ganda ng tanawin sa gilid ng pagiging estudyante ng SHS.
w Oct 2017
80
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan
Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo
Hindi mo man malugod na matanggap
Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag
Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit
May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita
Iba na kasi ang hugis
Hindi ka na tulad ng dati
Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan
Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi
At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo
Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya?
May iyak na pisikal
May iyak na hindi kayang ihayag ng luha
Isang tapang na paimbabaw
Pero sa totoo lang, isang kaduwagan
Kailangan **** ilabas yan
Isigaw mo kung kinakailangan
Maglupasay kang parang bata
Suntukin mo ang unan
Magtapon ka
Magbasag ka ng pinggan
Ilabas mo
Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak
Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak
Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian
Ipikit ang pagal na isip
Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig
Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka
Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag
Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa
Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili
Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang
Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal
Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang
Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang
Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo
Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon
Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan
Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan
Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
Wolff Aug 2018
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais
ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis
sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis

At dahil sa takot at pangamba
ako at ang papel ay naging isa
sa takot na masaktan ng tadhana
at dahil sa mga salita'y naging dala

nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin
hindi alam na basa at gusot ang tatahakin
alikabok at buhangin
sabay sa buga ng hangin

Ako sana'y patawarin
bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga
sa aking damdamin
kahit ano mang mangyari sa akin
mabasa man o pagpunit-punitin
ako
ay
papel
pa
rin.






© 2018 Kenneth Bituin
All Rights Reserved.
sa isang iglap lang pala nawawala ang lahat.
Sa bawat hakbang ng paa, saan ka nga ba pupunta?
Kadiliman, takot at aba, yan ang siyang nadarama.
Anong mali? Anong masama sa lahat ginawa ko?
Bakit sa huli, iniwan pa din ako.

Tiwala sa sarili ay nawala.
Landas na tatahakin, tila naglahong bula
Sino pa kaya ang pagkakatiwalaan sa mundong ito?
Bakit kailangan na pagdaanan ang mga ito?

Mula sa malayo, ako'y iyong tanaw.
Luha, wala man, batid **** bibitaw.
Nadama mo ang aking damdaming tila manhid na
Manhid na nga ngunit sakit ay siya noong nadadama.

Luha ko'y pinawi, pinalitan mo ng ngiti.
Puso kong nasaktan, iningatan **** muli.
kamay kong kupkop, iyong hinawakan.
Niyakap akong sinasabi na hindi mo ko iiwan.

Araw, oras, panahon man ang lumipas na
Takot ay nawala maging sakit pati na luha
tiwala sa sarili muli kong naibalik
At ang makita ka ay siyang tangi kong pananabik.

Sandaling panahon, marahil, tama sila
Ngunit ang sandali'y sapat na para ang sugat ay maghilom na
Bakas ng nakaraan, kaya ko ng tawanan
Sapagka't pasalamat ako dahil ikaw ay nariyan.

Muli akong tumayo at lumakad at naglakbay
Batid kong di mag-isa, ikaw ay aking kaagapay
yakap mo't mga dasal sa akin ay nagpatatag
ikaw ang handog ng Diyos bilang kalasag

Salamat Mahal, ngayon ako'y maayos na.
Kaya pala dumilim para lang makita ka.
Kaya pala kailangan na ako'y masaktan
Upang malaman na ang tulad mo'y nandiyan
AgerMCab Dec 2018
Umaapaw ang puso ko
Sa pagibig na alay mo
Kalakip ng aking halik
Sinulid ang ibinalik

Aanhin ko ang sinulid?
S'an ko ito isisilid?
Bakit dulo lang ang hawak?
Saan ang kabilang hatak?

Ano ang nais **** itakda?
Ikaw ba ay may iniakda?
Aanhin ang sinulid?
Tastas ba aking damit?

Ako ba ay magtatahi?
Seda ba ang ihahabi?
Magluto nga'y di ko magawa
Magtahi't humabi pa kaya?

Sa aking pangungulit
Sagot ang iyong hirit
Sa iyong winika
Ako'y napayapa

"Sa tatahakin ng ating pagiibigan
Tyak masalimuot ating pagdaraanan
Agam agam ay pawiin
Pagaalala ay hawiin
....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
(1:30 AM/ Brownout)

Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.

Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.

Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.

Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.

Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.

Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.

May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.

At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.

Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.

Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.

Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.

(5/13/14 @xirlleelang)
011521

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan,
Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan,
Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan,
Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan.

Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan,
Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan,
Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa,
Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na.

Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit,
Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit,
May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon,
Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo.

Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon,
Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan,
Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin,
Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."
Eugene Nov 2016
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na.
Lilisanin ko na ang mapapait na alaala.
Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa.
Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na.

Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan.
Kakalimutan ang mapait na karanasan,
Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan,
Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman.


Sana ay ako'y inyong ipanalangin,
Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin,
Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin,
At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin.


Magiging malayo man tayo sa isa't isa,
Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala.
Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita,
Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
Crissel Famorcan Mar 2017
Sa sarili noon ay aking nasambit,
Sa pangarap ko, wala nang hihigit
Sa buhay na ito, wala na ring nais makamit
Kundi ang pangarap ko na sana'y masapit

Ngunit nang narinig ko ang tinig **** kayganda,
Ako sa iyo ay agad nahalina
Sa puso ko'y nabuhay muli ang pag - asa ,
At mula nun' ninais kong ikaw ay makita

Ang iyong kanta kung pakinggan ay anong sarap !
Mas maganda siguro kung aawit sa aking harap
Sa malamig na tinig mo,lahat ay naaakit
Sa mga larawan mo, mata ko'y tila nadikit

Oh mahabaging langit! kailan kaya makikita
Itong talentadong tao na iyong nilikha?
Autograph nya kailan ko kaya makukuha?
O masilayan man lang maganda nyang mukha?

Pakiwari ko'y mahaba pa ang aking tatahakin,
Sa pera ko'y marami pa ang dapat ipunin,
Kaya't sa ngayon, ang akin nalang gagawin,
Sundan sya sa facebook twitter at ig narin!

At bago ko ito wakasan,
Isang salita ang nais kong iwanan
Di pa man kita nasisilayan,
Mamahalin ka sa tahimik na paraan.

Alam kong malabong ako ay mapansin,
Dahil marami ang mga katulad ko rin,
Ayos lang! Basta't lagi **** tatandaan
May isang CRISSEL na handa kang suportahan.

At kung loloobin man ng kapalaran,
Itong tula'y iyong mapakinggan,
Sana ikaw ay masiyahan,
Magdulot sa iyo ng konting kaligayahan.

Hindi ko alam kung may pagkakataon
Na magkatotoo ang aking mga ilusyon,
Pero tandaan mo sadyang mahal kita
Sa puso't isip ko tunay na nag - iisa !
This is dedicated to my favorite artist Kaye Cal ❤❤
kahel Jul 2016
Bigla ka na lamang sumulpot na parang kabute.
Kasama ang mga simpleng ngiti mo na nakakahalina.
Isang imahinasyon na unti-unting nalikha ng di namamalayan.
Mula sa mga teorya at ideya na pwedeng mabuo tungkol sayo.
Doon palang alam ko ng gusto makipaglaro sa akin ng tadhana.

Nagtataka bakit sa bawat pag gising ko sa umaga,
Kahit sa palagay kong nakaka-isang hakbang na ako palayo sayo,
Sa tuwing makakasalubong kita at madidinig ko ang tinig mo,
Tatlong hakbang pabalik nanaman ang tatahakin ko.
Di ata napapagod ang tadhana, pwes ako hinihingal na.

Langya, napakalabo nga naman diba?
Maging tayo, ikaw at ako, diin ng iba.
Hindi ko alam kung tama pa ba o tama na.
Ayokong malaman, ayokong makawala.
Makikipaglaro na lang ako hanggang manalo na ko sa tadhana.
inggo Sep 2015
Hindi ito para sayo
Para to sa akin
Para patahanin
Ang puso kong iyakin

Hindi ito para sayo
Para to sa paghilom ko
Para to sa muling pagbuo
At sa bagong landas na tatahakin
Andrianne Oct 2017
Magandang gabi kamahalan
Dito sa aking kinatatayuan
sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan,
Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan,
Saan man ang iyong pinagmulan,
ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan,
hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan.

Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran
Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan,
Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian.
Handa akong panagutan ang ating pag iibigan,
hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam
gagawin kong mundo ang dapat tao lang,
baliin natin ang daan
lumiko man tayo pakanan
marating lang ang kabundukan
patungo sa ating tutuluyan,
Ikaw ang magsisilbing kanlungan,
sa nakaraang minsang pinagdalamhatian.
Ikaw ang magsisilbing lagusan,
sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan.
Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan.
gagawin kong bintana ang iyong mga mata,
tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit,
itatakas kita..
itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida,
sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na,
hahanapin kita,
sisirin ko man ang kumunoy,
languyin man ang lalim ng panaghoy..
hahanapin kita,...
hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira,
sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
Collaboration with Mr. Kienno Rulloda
Alice Aug 2018
Ano…
“Ano ang pakay mo dito sa mundo?”
Iyan ang unang tanong niya sa akin.
Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay,
Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay.
Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit
Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit.

Sino…
“Sa iyong palagay, sino ka?
Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?”
Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan.
Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan.
Ngunit ako ay may karapatan
Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan.

Bakit…
“Bakit ka umiiyak?
Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.”
Tama ka, siguro ako nga ay mahina.
Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila.
Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak.
Minsan, ang langit din naman ay umiiyak.

Saan…
“Saan ka tutungo?
Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.”
Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan.
Nais ko lamang na makahanap ng tahanan,
Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan.
Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?

Kailan…
“Kailan ka ba magigising?
Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.”
Gising ako at mulat ang aking mga mata,
Pagod na pagod na akong maging bulag pa.
Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta,
Mga kantang may lason upang hindi na magising pa.

Paano…
“Paano mo gagawin ang lahat ng iyon,
Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?”
Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral,
Gagawin ko dahil kaya ko;  basta kasama ko ang Maykapal.
At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin:
Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
Christien Ramos May 2020
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma.
Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa
ay seryoso.
Walang pagkukubli ang puso
Ang hindi mapirming mga yapak
ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap.
Gabi, muli akong tumingala
Walang palya ang ihambing ka sa mga tala.
Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig
kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig.
Hindi ko kabisado;
‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito.
Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo
ngunit, paano?
Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot
Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot.
Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog
at malunod
sa luha at panaghoy.
Paano mapapanatili ang ningas ng apoy?
Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy?
Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon.
Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa
Humina panandalian ang ihip ng hangin
Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin.
Matapang kong nilisan ang pampang
Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan
Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan.
Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa
Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba.

Ang pagkulog ay nagsimula na.
Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta
Dinig ko ang bulungan ng mga isda.
Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali
Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala.
Galit na sumasayaw ang alon
Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol
Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon.
Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan
Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan
Kailan ko ba matatagpuan?
Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo…
… ang pag-ibig **** nasaan?
Subalit, naghintay ako;
Walang humpay ang paghampas ng mga alon
Hindi natatapos ang pagtaas.
Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan
At bigla ang pagtaob;
Tama ang bilin ng mga kuliglig
Ito nga ang natatangi **** pag-ibig
Mapanghamon;
ngunit presko sa pakiramdam.
Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam
Pipiliin ko ritong manatili hanggang
ako ri’y iyong matagpuan
papagingdapatin **** ako rito’y manahan
‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan.
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma.
Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa.
Walang pagkukubli ang aking puso
‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
Matias Feb 2018
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay
ngunit sa mundong ginagalawan
tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay
kahit ang ibang tulad mo ay matapakan
wala ka ng pakialam
makamit lang ang inaasam-asam,
pagtakbo ng matulin
pagsisid ng malalim
paglipad ng mataas
mas mataas pa sa lipad ng mga ungas
nag-uunahan sa isang pwesto
isang pwesto na walang trono,
na kung saan ang mga tao ay wala ng modo,
lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon
tuyong dahon na handang ibaon sa lupa,
handang sigaan hanggang maging abo na lang,
kamusta ka? isang malaking tanong
masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon?
nakalimutan mo na atang maging tao?
maging tao o kahit man lang magpakatao?
o tumuring ng isang tao.
sa iyong pagtakbo ika'y madadapa
sa iyong pagsisid ika'y malulunod,
at sa iyong paglipad ika'y babagsak
kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa,
kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa
at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak
lahat ng bagay ay may kabaligtaran
baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin
dahil mas mahirap ang iyong sasapitin
kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
bato-bato sa langit ang matamaan ay pangit
Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang BSEd Uniting para sa pagiging ****
Dito ay naging kaklase ko ang mga estudyante ko

Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang Masteral sa FCU para level-up sa trabaho
Kahit hindi ko natapos ay puntos parin ito

Sa CapSU-Dumarao ay nakamit ko…
Ang 5 taong karanasan sa pagtuturo
Na sana ay magamit ko sa mga susunod na tatahakin ko.

-10/24/2017
(Dumarao)
*a tribute to my accomplishments in CapSU-Dumarao
My Poem No. 560
Lecius Dec 2020
(Tulang alay kay A k i n g  m a n l a l a y a g  🛶)

Kung may pag-kakataon lamang, na iatras ang kamay ng orasan, at iangkop ito sa aking kagustuhan, nais ko bumalik sa panahon na 'di kalayuan-- dalawang taon bago kasalukuyan.

Babalik lang ako sa araw na kung saan ako pa ang kasabay, sa bawat hakbang ng paa sa pag-lalakbay.
Pipigilin ko ang oras sa bawat segundo nitong pag-patak. Ititigil ko ito upang sariwain ang ala-alang ito, hanggang sa ito'y hindi ko na makalimutan.

Hindi ko na palalampasin ni sasayangin, lulubos-lubusin ko na dahil sa pagkakataong tumakbo muli ang oras, tatahakin na nito ang daan na kung saan, iba ang iyong kasabay sa pamhabangbuhay

Nais lamang sa muling pag-kakataon, makasama siya sa pag-lalakad patungong sakayan habang pinag-kwekwentuhan namin, ang mga kaganapan sa lumipas na mag-hapon.

Hindi ko ito gagawin upang baguhin ang mga bagay gaya ng karamihan. Gagawin ko ito dahil nais kitang muling makasama at masabi sa'yo na sa akin ay naging mahalaga ka. Na kahit kailan ay patuloy ka parin sa'king mahalaga kahit na hindi tayo ang itinadhana
kingjay Sep 2019
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig
Magawi sana sa pintuan muli
Sa dampang giba-giba
Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas

Kung pagod na't nagbubuntong hininga
Magpahinga sa puno ng mangga
Ang lilim nito'y aking kalinga
Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa

Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato
Baka matisod ka sinta ko
Lumakad ka nang mabini
Di ako mainipin para ika'y magmadali

Dahan-dahan na dumaplas
sa kawayan na matinik baka sumalubsob
Sa balat **** manipis na parang sanggol
Sapagkat sinadya na ginawang bakod

Kapag natatanaw na ang aking tirahan
Tawagin mo sana ang unang pangalan
Para agad kong malaman
Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan
Malalaman na ikaw na yan giliw
di na bibitawan
zee Jun 2020
ang mga paa'y dinala ako sa tapat ng aking bintana
doon nasulyapan ang kabilugan ng buwan at pagkinang ng mga tala
ngunit ang isipa'y nananatiling balisa; tila naghahanap ng himala
'di malaman-laman kung saan at papaano mag simula

aking hiniling sa nag-iisang bituing nagniningning
na sana'y dinggin ang aking panalangin
nawa'y pakinggan ng uniberso at tuparin ang aking mga plano
ituro lang tamang landas kung saan ako tutungo

ngunit balewala lahat ng hinaing kung mananaig ang daing
'wag pilitin ang sarili; hintaying sumiklab ang apoy na nanalaytay sa'yong puso't damdamin
'wag ikumpara sa iba ang sarili 'pagkat ikaw ay may sariling istorya rin

madilim man ang landas ang iyong tatahakin; kumpiyansa sa sarili'y matatangay pati na ng hangin
ang mga buwan at ang mga tala'y makikidalamhati sa'yong pighati
ngunit ang kanilang pagningning sa kabila ng bumabalot na dilim ang magsisilbing ilaw—
liwanag at daan na magsisilbing palatandaan na darating din ang iyong araw
Meynard Ilagan Feb 2020
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa
Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan.
Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita.
Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa.
Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan.
Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay.
Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan.
Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok.
Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang.
Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam.
Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin.
Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin.
Hanggang sa muli.
Paalam.
Llanerarjay Oct 2018
Alam ko tong daan na to,
Daang patungo sa'yo.
Daang paulit ulit na lalakarin,
Makita ka lang, ang laging hangarin.

Paa'y di mapapagod sa paglakad,
Hindi mapipigilan na kahit na sino man.
Ako sana'y iyong mapatawad
Sa mga pagkukulang ko noon paman.

Hinahanap-hanap ang mga ngiti mo
Ngiti **** nagbibigay ng saya sa katulad ko.
Gustong-gustong marinig yung boses mo.
Boses **** tila magandang awit sa mga tenga ko.

Kaya't kahit gaano man kalayo, gaano man katagal
Hindi mapapagod ang pusong magmahal.
Kahit ano pang pagsubok ang harapin sa daan,
Makita ka lamang, mahawakan at mahagkan.

Gustuhin man nila akong lumakad palayo sa'yo.
Lagi ko paring tatahakin ang daang patungo sa'yo
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
kibit balikat nalang ako
At hindi papansinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang.
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagulo lang nman ako nung may ikaw.
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw.
Baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
Ayaw ko na non.
Kaya aaraw arawin ko na to.
wala ng atrasan to.
kakayanin ko
kase malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko.
ultimo
Sa pagising sa umaga
pag papasok excited pa
kasi ikaw ang bungad sa mata ko.
tapos makukunteto sa sandali.
kuntento sa sandali?
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko
Ang gusto ko tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko.
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita ko
Para akong nasa madilim na kwarto
na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado.
Sa mga sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.

susubok na kong magsalita
pero lumalayo kana
tinawag ka ng kaibigan mo,
dahil ang oras ay nalalapit na.
   Patapos na ang sandali
at biglang may nagkamali
pagkakataon ko na muli
hakbang
tatahakin na ang daan palapit sayo
pero
tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang humihiling ako
madagdagan lang kahit limang segundo.
Pero sa oras  na yun
ikaw ang unang lumabas ng silid
Wala ng sandali
hindi dininig ang hiling ko
Tapos na.
Ang huling isang oras ko sayo.

— The End —