Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“Whatever satisfies the soul is truth”
- Walt Whitman

Sadyang mapaghimagsik ang iyong panulat ‘pagkat nilabag nito ang lahat ng tugma at sukat. Isa kang tunay na rebolusyunaryo sa larangan ng panitikan ng tulaan. Sinalungat mo ang tradisyunal na konsepto ng panulaan. Binigyang laya mo ang galaw ng damdamin upang ganap na kumawala ang tinig ng kaluluwa at sinabi mo na ito nga ang wagas na kahulugan ng tunay na tula. Na ang tunay na tula ay hindi dapat limitahan ng sukat, tugma at ritmo sapagkat ito ang sigaw ng kaluluwa’t damdamin.

Bagama’t hinamak ka nila at inusig noong ikaw ay nabubuhay pa subalit napatunayan mo naman sa lahat na tama ang doktrina mo’t pananaw. Ngayon ikaw ang tinitingala at binabathala ng lahat ng mga makata, ikaw ang itinanghal na ama ng Malayang Taludturan.

Salamat sa Leaves of Grass at Song of Myself kung saan ipinagdiwang mo ang pag-ibig mo sa buhay, kalikasan, kaibigan, pamilya at sa lahat ng mga bagay. Sabi nila bastos daw ang mga tema at paksang iyong tinalakay palibhasa’y nagpakatotoo ka sa iyong sarili at pagsasalarawan ng buhay.

Salamat mahal na **** sa iyong ginintuang pamana sa amin, salamat sa Malayang Taludturan, salamat sa pag-ibig mo sa panuluan. Ikaw na nga talaga ang humalili kina Dante, Homer at Ovido. Mananatili kang buhay sa aming ala-ala mahal na pantas.
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
Gat-Usig Oct 2013
Aniversari ng Mag-jowa
Mansari ng Mag-jowa,
Valentayns Dey
Sa loob ng bartolina.


May wan en onli,

Kahapon kaututan ko si Bebot,
Nakaposas ang mga kamay at 'di makakilos
Nakatali ang mga paa sa kadenang
May bolang bakal,
Si Bebot ay matitigok na.
Nagkaututan kami sa gawing madilim,
Tangan ang Gud Morning,
Pamunas ng luha.
Humahagulhol dahil kay Dok Puti,
Hinahanda na nito
Ang kanyang kahahantungan,
Said na said ang mga hikbi;
Pinid na pinid ang mga kagalakan,
Gustong pahintuin ang bawat saglit.
Di mapigil ang hatol,
Nasa dulo ng karayom
Nakasalalay ang lahat;
Unti-unting naniningkit si Bebot,
Ginagapos na siya ni Dok Puti sa katre;
Walang sinuman ang makakaampat
Sa naturang likido.
Kahapon, kaututan ni Dok Puti si Bebot.
"Lav, sapitin mo nawa ang iyong katahimikan."


Sa Valentayns Dey,
kahit sinong mag-jowa.
-  Juan Dela Cruz, M.D.


P.S.
Alay sa bawat magkasintahang pinagtagpo't
pinaglayo ng pagkakataon.
solEmn oaSis Jun 2017
Tatlong Bituin at Isang Araw
Isang Bandila, Apat na Kulay
Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay
muling nagugunita sa aking balintataw!
Nasaan ka na nga ba?
tanong namin minsan ni kuya
habang sa amin si Bunso
iniaabot ang papel na piraso.
Nakatupi iyon at aking binuklat
nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat.
Damdamin ko'y halos gustong sumambulat
sumandaling napapikit, sa aking pagmulat
agad ko siyang hinagka't niyakap
tumulo ang luha, sarili'y hinagilap
hanggang matanto sa aking hinagap
Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP
Ang kanyang mga mata'y nangungusap
huwag malungkot! ibig kong ipakiusap
unti-unti ring matutupad mga pangarap
waring singsing...hinugis ng alapaap

Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari
Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi
balang-araw mommy ninyo siguradong babawi
makakapiling din na parang buhawi
kasi di tayo gaya dati
dapat Apat tulad nitong  Talumpati
Kaso ang nailapat ay Labis
pagkat panulat ko di Lapis
Limang salita sa Bawat Taludturan
sa mga saknong sana'y matutunan

Kulang man kayo sa Pagmamahal
tayo'y Family Three na Literal
ako man ay naging Hangal
Mga Anak Kayo'y Aking Dangal
MAHAL KO KAYO! inyong tandaan
pagkat ako'y Haligi ng Tahanan
magmula pa sa inyong kamusmosan
hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!!

Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017
Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan.
Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno
Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan!
Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
" i Love You Daddy " that was what is written on a piece of paper my daughter Mimi gave to me!!!
and i am so touch!

Some people believe that the families generally like a beautiful box full of things they want: love, joy, companionship and other beautiful things;
But other times the word " family "
-can compare more likely into an empty box!!!
we must first put something inside it before we could get anything unto it.
Being a single Parent i realized that if we want love and joy...
we must raise affection, service and encouragement within to fulfill whatever emptiness ! and the release of more than we put in the box can make it  vacant!
JOJO C PINCA Nov 2017
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa

May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.

Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?

Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?

Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.    

Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
JOJO C PINCA Nov 2017
Paunawa sa babasa:

Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito.



“Nauuhaw ako”

Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika:

“Nauuhaw ako”

Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito.

“Nauuhaw ako”

Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya.

“Nauuhaw ako”

Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit.

“Nauuhaw ako”

Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo?

“Nauuhaw ako”

Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
Eunoia Aug 2017
Ako'y natatawa sa'king nakikita
Lahat ay naging makata pagkatapos ng
100 tula para kay Stella,
Paggawa ng isang akda'y hindi ko minamasama,
Sadyang nagulat lamang ako nang mabasa ang katha ng isang kakilalang itinatakwil ang larangan nang pagsusulat,
Sinasabi nilang sila'y katulad ni Fidel, mahilig magsulat pinglalaruan ang bawat salita
Ngunit bakit taliwas ito sa'king nakikita?
Gayong piyesa nga nina Balagtas, Rizal at Bonifacio ay iyong sinukuan?
Lumikha nga ng isang simpleng sanaysay iyong minumura,
Sinasabing "Ano ang kahalagahan ng tugma't taludturan?"
Kaya sabihin mo nga saakin mahal na kaibigan, nararapat ba talaga kitang tawaging isang manunulat?
Hinaing at katanungan ng isang taong matagal na sa larangan nang pagsusulat
Kay gandang tanawin ng iyong ganda.
Kay sarap pagmasdan,
ngiti ng yong mga mata.
At sa bawat sulyap mo,
mundo ko'y humihinto.
Sabay ng pag bilis,
pintig nitong aking puso.

Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka.
Hindi naman nito napapawi,
tuwang aking naipipinta.
Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta,
Tiyak namang pag-ibig,
itong aking nadarama.

Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta.
Ngunit syang tunay,
ito ang batid ko sa twina.
Malabis man na kabilisan,
itong aking pagsinta.
Pangako ika'y iingatan,
saksi man ang mga tala.

Sa bawat taludturan ng tula kung ito.
Ipinababatid ko,
ang pag giliw ko sayo.
Ngunit kailan ma'y,
hindi aasang susuklian mo,
Mabasa mo lang ito'y,
lubusang ikasisiya ko.
Ito yung tula na inialay ko sa kauna-unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Pero hindi rin naman nagtagal ang pag-ibig, nawala at naglaho.
JOJO C PINCA Nov 2017
Tulad sa Malayang Taludturan
walang patakaran ang tunay
na pagsinta, walang sukat at
madalas wala rin itong tugma.

Walang protocol sa pag-ibig,
walang arrival at departure ceremony,
hindi rin kailangan na maglatag ng Red
Carpet o kaya ay patunogin ang mga trumpeta.

Kumbaga sa Mortal Combat
no-holds-bar ang tunay na pag-ibig;
walang-awatan, walang time out,
lahat pweding gamitin. Titigil lang
ang labanan kapag sumuko na ang isa.

Walang rules sa tunay na pag-ibig
kasi hindi tulad ng basketball na may foul
at substitution. Ang totoong nagmamahal
tinatanggap ang mabuti't masama sa kanyang
minamahal.

— The End —