Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"takilya" poems
Naaalala ko pa ang araw na una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha. Para bang biglang nagliwanag lahat ng tala sa langit. Para bang isang eksena sa isang pelikulang patok sa takilya. Para bang kaya ko atang sumulat ng ilang pahina ng paglalarawan at paghahalintulad nito sa mga bagay na aking hinahangaan. Para bang bumilis ang pintig ng puso kong matagal nang nakaupo’t nananahimik. Para bang maraming sumasabog na magagarang kulay sa paligid, sa aking katawan. Para bang kilala ko ata ‘yung ganitong tagpong naglalaro sa aking isipan. Para bang alam ko rin ata ang kahihinatnan ng lahat. Para bang hindi ata sa akin ang matamis na pag kurba ng iyong labi. Para bang lahat ng ito ay isang pagnanais sa isang pangarap na lipas na. “Para saan?” Tanong ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa iyong labi. Para bang nakita kong sinindihan ang aking mundo at panuorin ‘tong gumuho sa harapan ko. “Para sakanya.” Hindi sa’yo, sa kanya.
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 11:46 AM UTC
Hindi sa'kin
Sa simula't sapol, sa kuwento lamang ng matatanda, sa pelikula at mga takilya doon lamang ako nag-papaniwala. Talastas ng isipan, hindi ito makatotohanan. Ngunit sa likod ng aking isipan, naroon ang munting katanungan. Totoo nga ba o sadyang kathang isip lamang? Hindi nag-papaniwala, hanggang sa hindi ito nakikita. Pagkaka-tanda ko'y minsan akong humiling at matulin naman itong dumating. Hindi makapaniwala, halos nanlaki aking mga mata, isang diwata tugon na mula puso, di mawari, napalukso ito sa tuwa. Tila inagaw **** lahat ng liwanag at sa likuran mo'y napakalibot. Dumarating ka mula sa mga ulap at pagdaka'y isang binibini, tumambad at sa akin ay pumukaw. Tunay at totoo pala ang Diwata, at yun nga ay ikaw! Diwata ka sa aking paningin, ano pa ba ang aking hiling? Minsan ako nangarap at nanalangin, sana may enkantadang handang magpa-angkin. Nakakatunaw ka sa mata, pagkat walang kasing tulad ng iyong Ganda. Di masambitla, mga salita ko'y ayaw ngang lumabas sa kanilang mga lungga, kaya narito na muna ang aking tula. Ano pa't pupurihin na lamang muna kitang pansamantala, ililihim na muna ang mga kataga at sa aking mga mata ko na lamang muna mababasa. Diwata ka sa aking paningin. Pananambitam, dalangin at hiling na sa munti kong paraiso, sana'y doon mo piliing manahan, gawin **** iyong engkantadia at handang pasakop sa lahat ng iyong kagustuhan at nasa. ...Handang paalipin at magsilbi, basta't ikaw ang siyang laging aking kapiling...."
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 2:06 AM UTC
Diwata