Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
J Dec 2016
Puno nanaman ang aking isipan,
Hindi ko alam paano at saan ito sisimulan,
Mga panahong kailangan ko ng kakapitan,
Ikaw sana ang takbuhan ngunit para bang ang layo mo na para akin pang lapitan.

Mga panahong sinabi natin na walang iwanan,
Subalit unti-unti nang napunta sa kawalan,
Marami tanong; maraming kwento,
Sa mga oras na ilalahad mukhang hindi intiresado,

Alam kong pag may umalis sa buhay mo,
Tuluyan mo ng kakalimutan at ika'y lalayo,
Ngunit pag ako'y kailangan,
Wag kang mag-atubiling ako'y tawagan.

Mali bang mapagod? At magpahinga?
Dahil kung mali iyon patawad ngunit kailan ko lang huminga,
Sa mga tingin palang alam kong maraming nagbago.
Kasalanan ko ba 'to? O sadyang hinayaan nalang maging ganito.

Patawad, ilang beses ko ba kailangan sabihin?
Patawad, patawad, patawad. Ilang beses ko ba kailangan ulitin? **Patawad.
Isang salita lang, patawad.
Nakasisilaw* sa Kapitolyo
Sa sentro ng siyudad
Tatak ng probinsyang pabo.

Sari't sari ang trayanggulong baligtad
Nasa ere silang kumukumpas
At tila ba may spotlight sa norte paroon
"City of the Living God,"
Inukit sa tabla ng di kilalang manlililok.

Minsan ding naging "City in the Forest,"
Sabi pa sa balita'y "Safest place in the Philippines"
Bagkus ang pagmimina'y tuloy pa rin
Lalo na sa Rio Tuba na ramdam ang Climate Change.

Dagdagan pa ng pamimihasa ng PALECO
Hihiramin nang saglit ang kakaunting ilaw at hangin
Nang di maglao'y mapa-"OO" ang lahat
Sa mungkahi nilang planta ng pagbabago.

Bulag sila't barado ang isip
Kikitilin ang hanapbuhay ng mga residente
Walang kamalay-malay ang iilan
Ito'y mitsa na pala ng pagdarahop.

Hahalayin ang tigang na lupa
Bubungkalin raw ang kinabukasan
Bagkus ang pawis ay sa atin
Tayo'y alila ng karatig-bansa
Dayuhan sa sariling bayan.

Titirik sila sa espasyo
Bisig ng tabing-dagat na buhangi'y sutla
Inosente nga sa Salvage Zone
Paano pa kaya pag naimplementa na?

Likido ang bawat anino sa semento
Tumatakbo't tumatagpo sa iba't ibang direksyon
Hindi makapuswit ang mga sasakyan
Maging ang simpleng harurot
Ng munting bisekleta ni Juan.

Doon ko nasilayan ang magigiting na pulis
Taas-noong suot ang uniporme
At iilang traffic enforcer
Na wala sa linyang puti.

Tila bawat uri ng katauha'y nasa parada
Kung hindi man,
Sa iilang personang lumalabas-pasok sa eksena
Kukuha ng larawan, akala mo eksperto
Hindi naman pala
Ayos, selfie pala ang gusto
Dekorasyon ang mga artistang Netibo.

Bawat munisipyo'y may nagsisilbing pambato
Makukulay ang mga sasakya't pudpod ng disenyo
Na sa kahit sa palamuti'y maitaas ang munisipyo
Buhat sa pagkabiktima ng gobyernong manloloko.

Highlight nga ang Street Dancing
Aba't ang layo ng kanilang lakarin
At sa bawat kanto'y sasabay
Sa saliw ng Remix na musikang inihain.

Nalugmok ang puso ko
Bagamat ito'y nararapat na saya ang dulot
Ito'y nagsisilbing maskara na lamang
Nakasanayan, naging tradisyon
Ang kulturang laging may bahid ng eleksyon.

Nakaririmarim ang iilang nasa trono
Pinalibutan ng berdeng hardin ang sentro
Bulong ng Supplier doble pala ang presyo
Aba't sige nga, saan nila ibubulsa?
Kung ang kanila'y umaapaw pa.

Bagamat ang lahat ay nasa bilog
Paikut-ikot tayo sa animong sitwasyon
Tanging takbuhan nati'y ang Maykapal
Na hanggang sa huli'y magwawasto ng bawat kamalian.

Sa probinsyang kinalalagyan
Ito'y nag-aalab na espada ng lipunan
Bawat isa'y responsable't may pananagutan
Tamang dedikasyon sa sandigang bayan.

Walang masama sa pagiging alarma
Maging aktibo ka, kabataan
Ikaw ang pag-asa ng Perlas ng Silanganan
Abutin mo yaong pangarap at manindigan
Hindi pansarili, bagkus pag sa tuktok na'y
Gawin ang tanging tama
Na naaayon sa batas ng higit na Nakatataas.

(6/29/14 @xirlleelang)
Gwyn Biliran Nov 2016
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta.
Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga.
Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan.
Hanggang kailan ito magtatagal?
Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan.

Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman.
Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta.
Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta.
Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit.
Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit.

Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya.
Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama.
Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka.
Halika sa mga bisig ko, mahal.
Panahon natin ay di na magtatagal.
Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit.
Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin.

Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot.
Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap.
Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali.

Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian.
Tayo ay alon at dalampasigan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan.
Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
Kabataa’y minsan lamang kung dumalaw,
Kaligayaha’t halakhaka’y umaalingawngaw
Oras ay tumatakbo
singbilis ng tibok ng puso

Oras ang kumakain sa tanan
Pagbabago’y siyang tahanan
Paglayo’y di man dama
Agwat ay di kayang hilai’t isama

Noon at ngayong panahon
Kayo’y narito, ako’y naroon
Aking nasilaya’y di niyo maikukumpara
Sa inyong mundong bumubungad sa tuwina

Pangaral ay mano po at opo
Pagluhod sa butyl ng monggo
Pag uwi bago ang ala-sais
Mga tamis anghang na pulang dilis!

Pag-akyat ng matarik na bundok
Tuhod na kung lakas sumuntok
Kalarong di makatiis
Sa pagtakbo’y humahagibis

Langit, lupa, mahuli ang taya,
Sing saya tuwing gunita.
Paglalaro ng apir-apiran at teks,
Ice tubig, sili…. Ngeks!

Ganyan ang aming buhay noon
Nakasakay sa ulap nang mga hamon
Kayo ngayo’s nasaan,
Mga batang sa ami’y nakipaghalinhinan?


Kompyuter, telebisyon, at Nintendo Wii,
Cellphone at iPad para sa sarili
Sining ng pagtula’t musika,
Nakaliligtaan na!

Sa mga mata ng panahon,
Makikita ang salamin ng kahapon
Di man naabot ng inyong kamalayan
Sapat nang silipin ang nakaraan

Inyong panaho’y ‘wag sayangin
Darating din ang araw ng mabilis na hangin
Magdadala sa inyo sa malayong himpapawirin
At nakaraa’y inyong lubos na nanaisin.

Sng oras ay oras,
Sa kanya, tayo’y patas
Sa buhay, tayo’y maglalaro
Sa kanyang mga hintuturo.

Lahat ng nawala sa dagat ng panahon,
Kailanma’y din a ibabalik pa ng mga alon
Mga isda nga’y nagpapailalim
Kaya’t marahas na kinabukasa’y wag suungin

Magngyari’t lasapin ang halakhakan,
Takbuhan sa piling ng mga kaibigan
Wag sayangin sa pagkukulong
sa mundo ng pag-ibig, gadgets at pagsulong!
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
Crissel Famorcan Apr 2017
Buwan ng puso nung una kitang makilala
Chinat mo ako at nireplayan naman kita
Hanggang sa araw-araw, tuwing umaga
Kausap na kita bago pumasok sa eskuwela
Simula nun di ko na natiis na hindi mag-facebook
Imbis na inaatupag ko dapat yung aking mga textbook
Hanggang sa one day, naramdaman ko na merong kakaiba
Then narealize ko nalang---shet !  gusto na kita
Dun ko nabigyan ng kasagutan
Lahat ng nasa isip kong mga katanungan
Kung bakit kapag nakikita ka
Gusto kong lumundag sa saya
Sa tuwing kausap kita
May kakaiba akong nadarama
At kung bakit nga ba?
Madalas,
oo madalas
na naiisip kita.
Kaya tinago ko lahat sa yo
At palihim  na sumisilay sa labas ng room nyo
Pero ng malaman mo lahat ng to
Parang gumuho ang mundo ko
Oo gumuho ang mundo ko!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Mananahimik na lang ba o aamin?
Kaya mas pinili ko nalang na sabihin.
Pero shet! yun yung masakit sa damdamin
New year's eve pa nun nung sinabi mo sakin
May gusto kang iba
Ang masaklap dun?
Yung BESTFRIEND ko pa
Yung bagong taon imbis na bagong buhay
Sinalubong ako ng sama ng loob at mga lumbay
Dun ko na realize na ang tanga ko
Para mahulog ako sa isang kagaya mo
Kung gusto mo sya, ano pa bang laban ko?
Sa mga ganyang bagay, kelan ba ko nanalo?
Hanggang ngayon, alam mo ba?
Nag sisisi pa rin ako
Kung bakit hinayaan kong mafall ako sayo
Kaya maalas kapag nagkakasalubong tayo
Umiiwas agad ako.
Umiiwas ako.
Kasi feeling ko
awkward na masyado
Kaya nga siguro madalas **** tinatanong sakin
Kung bakit di kita pinapansin
Sorry pero ayoko nang isipin pa
Ayoko nang umasa pa
Na pagdating ng panahon
may tayong dalawa pa
Pero alam mo ba?
Alam mo bang gusto kobg sabihin na
kamusta ka?
Okay ka lang ba?
Sana maayos ka.
Kumain ka na ba?
Wag kang magpapagutom huh?
Maayos ba tulog mo kagabi?
Hinihiling ko yan araw-araw, gabi-gabi
Pero hanggang dun lang ako.
Hanggang dun lang ako
Kasi nga diba?
Nakuha na ng iba
Yung susi ng puso mo
Kaya hanggang hiling nalang ako.
Hanggang hiling nalang ako
Na sana isang araw,
kumustahin mo rin ako.
Sana isang araw,
alamin mo kung kumain na ba ako
O kung naging maayos ba ang tulog ko.
Sana
kahit minsan
maisip mo rin ako.
Hindi na yung sya nalang lagi yung nasa utak mo!!
Sana isang araw maramdaman mo
Na may isang taong nandito lang lagi para sayo.
Handang maging takbuhan mo,
Hangdang maging karamay sa bawat problema mo.
Sana isang araw,
malaman mo,
Na may isang taong
nagmamahal sa yo,
Kahit na iba yung laman ng puso mo.
Sana malaman mo na nandito lang ako .
Maghihintay sayo.
Handang magsakripisyo kung kailangan mo.
Kahit na kaibigan lang yung turing mo.
Masakit man pero Kailangang tanggapin ko.
Kasi nga diba! ONE SIDED LOVE  lang naman
Ang love story na to.
Reign Feb 2016
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto
Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino
Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin
Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko
At nakalaan to para sayo

Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako

Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo

Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko

Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso,

Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo

At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako,

Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito

Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko,
Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo
Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito
Ito'y gagawin ko

Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako
Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito

Gusto ko nang ipaalam sayo,
Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa
Gusto ko nang ipaalam sayo,
Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko
Gusto ko nang ipaalam sayo,
Na tunay kang mahal nito

At sana'y alam mo ang lihim ko,
Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
first ever tagalog poem
Eugene Aug 2017
Sandaling tumigil ang oras
upang ipikit ko ang mga mata
sa alaalang nais kong balikan
mula sa isang taong kailanman
ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Sinimulan ko sa isang eksenang
bibigay at bibigay na ang aking puso
sa kalungkutan at kapighatiang
aking nadarama noong kailangan
ko ng kausap at siya ang aking nasandalan.

Alam **** hindi madali para sa akin
na bigyang katuturan ang bawat hiling nila
kahit pa alam **** maling mali na
ang mga desisyong aking nagawa
dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila.

Ikaw ang naging gabay ko
no'ng mga panahong ilang ulit akong
nakaramdam na may mali na
pero ipinagpatuloy ko pa rin ito
at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko.

Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin
ang aking mga mata upang balikan
ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita
at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang
magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na.

Ang kathang ito ay isinulat ko at
gustong ialay sa iyo dahil isa ka
at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho,
kung hindi ay isang inang itinuring akong
isang anak na nawawala at kailangan
ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga.

Muli kong binuksan ang aking mga mata
at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala
sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas
sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong
hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag.

Taos-puso akong nagpapasalamat,
at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko
upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa
o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit
dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
rom Nov 2018
patawad sa mahal kong akala ko'y lumisan na
sa paggunaw ng kaisipan sa mga bagay na pinipilit nitong takbuhan
ngunit bumubulong ang puso gamit ang lirikong tayo lang ang nakaiintindi –
mababalikan pa ba ang ritmong ito
o mananatili na lamang sa kasalukuyang pintig?
LOVE Apr 2018
Sa aking pagising naalalang alala ka nalang pala.
Di ko inakalang lahat ng mga iyon ay mapupunta sa wala.
Na parang walang pakialam at binalewala.
Sakit ang nadarama sa iyong pagkawala.
At ngayo'y idadaan ang sakit sa isang malayang tula.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.
Dahil sa takot na nadarama nitong puso kong maduwag.

Natatakot ako sa sarili ko.
Natatakot ako sa iyo mismo.
Natatakot ako sa pag-ibig ko.
Natatakot ako sa paglisan mo.

Natatakot ako kasi hindi ito tama.
Natatakot ako kasi tayo ay di tugma.
Natatakot ako kasi, "Bakit nga ba?"
Natatakot na lang ako bigla-bigla.

Oo sasabihin ko nalang takot akong iwan mo ako.
Kasi sa iyo ko lang nararamdaman ang importansya ko.
At ngayo'y sa paglisan mo'y nararamdaman ko ulit.
Ang pakiramdam kong noo'y piit.

Ako'y nasanay na kasama ka,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Tayong dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, sayo ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati kasakitan.
Tula para sa mga taong takot iwan. Na ang tanging hiling ay makasama lamang ang taong mahal nila.
Sho Victoria Apr 2018
Di ako umiiyak sa away o sigawan.
Umiiyak ako sa labis na katahimikan.
Sa mga panahong kailangan ko ng kasama
Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na.

Mga kumukuliglig na huni at bulong.
Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong.
Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan.
Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan.

Bumibilis na tibok ng puso,
Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo
Mga hiningang hinahabol ang takbo,
Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto.

At unti-unti
Hihimasin ang isip
Mula labas palalim sa loob
Unti-unti
Pipigain ang puso
Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na.

Hahalungkatin ang nakaraan,
Nang dumilim ang kasalukuyan.
Babasagin ang kasalukuyan,
Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan.

"Huwag kang mag-isip."
Ang abiso nila.
Ngunit diba nila naisip
Na tila ka na ring sinabihan na:

"Huwag kang huminga kung ayaw mo na."

"Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka."

"Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka."

Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya."

Oo, ayaw ko na.
Lahat kinatatamaran pati paghinga.
Bawat gabing inilaan sa iyak.
Tila ang isip, pinipilit na mabiyak.

Oo, nahihirapan na.
Di maiwasang tumingin sa mga mata
Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento.
Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na  mga anino.

Oo, nasasaktan na.
Mula sakit, gusto ko nang kumawala
Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal
Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal.

Oo, di ko na kaya.
Sana nga tumigil na.
Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na
At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na.

Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak.
Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak.
Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama.
Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na.

Ito.

Ganito.

Ganito kahirap, ganito kasakit.

Ganito kasimple ang isang atake.
Elly Apr 2020
'Yung mga blangkong pahina na unti-unting nauubos dahil sa derederetsong pagsusulat na para bang inuubos lahat ng mga nararamdaman na umaapaw at tanging pagsusulat lang ang tanging takbuhan, ang nag-iisang tahanan sa tuwing ang hirap na kayanin nang lahat. Sa tuwing nauubos ka na ng mundo at kung minsan ay pinupuno ka naman. Sana patuloy ka lang magsulat, patuloy lang ang apoy na mainit na nagtutulak sa'yo na magsulat lang nang magsulat. Na isulat lang lahat ng maaari **** maisip at maramdaman. Isa itong biyaya, isa kang biyaya. Boses ka ng puso **** hindi makapag salita. Boses ka ng mga tao na hindi maipaliwanag ang bawat nadarama sa bawat sitwasyon na hinarahap. Naniniwala ako sa'yo at sa kakahayan mo. Magpatuloy ka lang.
Ysabelle Vilo Jun 2017
Cannabis

Ang hirap mag mahal ng lalaking may girlfriend pang isa oo si Mary Jane.
Si Mary Jane na lagi niyang tinitira.
Si Mary Jane na kahati mo lagi sa oras niya.
Akala mo ikaw ang dahilan ng kanyang saya pero si Mary Jane pala.
Si Mary Jane na takbuhan niya tuwing may problema siya.
Si Mary Jane na sandalan niya sa lahat ng bagay na hindi niya kaya.
Si Mary Jane na nag bibigay ng lakas ng loob sa damdamin niyang napaka hina.
Si Mary Jane din ang unti-unting sumisira sa buhay niya. Hindi niya alam pero sirang sira na siya.
Oo nga pala si Mary Jane ang una niyang nakilala hindi ako na pumapangalawa lang sa puso niya.

PUTANGINA NAMAN MARY JANE MAG PARAYA KA NAMANG AHAS KA LAHAT NA LANG SYOTA KA BUKOD SA DAHON KA MAKATI KA PA!!
Ang mundo ay parang palasyo
Opisina ng mga pinuno
Bulwagan ng mga mamamayan
Takbuhan ng mga nangangailangan.

-01/08/2015
(Dumarao)
*Ang Mundong Pook Collection
My Poem No. 308
Mae Feb 2020
sa gabing puno ng kalungkutan,
ikaw ang laging takbuhan
saksi ang mga bituin
kung paano mo napatahan
ang pusong naghihinagpis
Minsan sa kasaysayan
Ang Silangan, ang Kanluran
Ay nagkasagupaan.

Sa tanghalang kamao
Sila’y nagkatagpo
Walang takbuhan dito.

Pambato ng Silangan
Praktisadong si Pacman
Walang inuurungan.

Kayraming Mehikano
Napatumba na nito
Hinamon pa ng Britano.

Ang Perlas ng Silangan
Hindi tinalikuran
Paghamok ng Kanluran.

Tila isang milagro
Two Rounds tapos ang laro
Pilipino nanalo.

-05/03/2009
*for Pacquiao fight against a British
My Poem No. 33

— The End —