"takam" poems
ang balaraw na may KATAM !
- - - - sa bala raw ay TAKAM !
kung sa aking pasakalye ay may kulang ba?
,,,heto na't muli daraan pa sa kalye ang titik A !
minsan sa isang unan AT KAMA
lapis at papel tanging KA MATA
napapa-taglish.... " i...AM TAKA "
as in surprised nga---TAMA KA
sa sistemang nababagay AT AKMA
sabi ng iba sa akin,may "AMAT KA"
ayon naman sa ilan- ako'y "MAKATA"
it's just a fiction-a make-believe! sa tagalog "MA-KATA"
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 10:35 AM UTC
bawat segundoy ako'y pinagmamasdan
para bang ayaw muna kong lubayan
bawat minuto ika'y takam na takam
sa lamang kong napakalinamnam
bakit ba ang tigas ng yong ulo
ang nakalagay ay tatlong minuto
ilang beses ka ba inere ng nanay mo
para matikmaan ang nasa loob ko
pagkaraan ng tatlong minuto
ako'y iyong binuksan
nilagay sa platitong pinatong sa pinggan
at dahan dahang hinihigup ang laman
sa bawat lunok na ginagawa
ika'y biglang napaluha
nakangiti at napatulala
binuhay ko ang katawang **** lupa
sa ating sandaling pagsasama
ika'y aking pinaligaya
at ngayo'y ika'y tapos na
hiling ko'y itapon mo ako ng tama
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 12:18 PM UTC
mananatiling takam
sa'yong yakap at halik
paano kung pagtingin ko
sa'yo ay hindi mo ibalik?
puno man ng kaba ang dibdib
pipilitin ko parin na pumanik
sa hagdanan ng puso mo
na puno ng bubog at tinik
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 6:38 PM UTC