Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lyka Adlawan May 2018
Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan
Munti kong tula,
Inyong pakinggan

Ito'y patungkol
Sa kabataan
Na inaakalang
Pag-asa ng bayan

Wala sa likod,
Wala sa harap
Ano ang kabataan
Sa hinaharap?

Handa na ba kayong
Malaman ang totoo?
Pagbilang ng sampu,
Malalaman na ninyo

Isa, dalawa, tatlo
"Tara, pre! Dota tayo!"
Isa, dalawa, tatlo
"Kyah, pa-like ng DP ko"

Isa, dalawa, tatlo
"Naka-hithit na ako"
Isa, dalawa, tatlo
"Tara, shot na tayo"

Mga kabataang nakikiuso
Mga kabataang lulong sa bisyo
Kabataang imbis na ang dala'y libro
Ang palaging hawak ay sigarilyo

Apat, lima, anim
Wala nang ibang alam gawin
Apat, lima, anim
Kung hindi gadgets ay pindutin

Apat, lima, anim
"Babe, walang tao sa'min"
Apat, lima, anim
"Babe, pwede na nating gawin"

Mga kabataang napapariwara
Mga kabataang sa tukso'y nadadala
Kabataang tinuturing na Maria Clara
Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa

Pito, walo, siyam
Nasirang kinabukasan
Pito, walo, siyam
"Aking pinagsisisihan"

Pito, walo, siyam
"Ako'y nanghihinayang"
Pito, walo, siyam
"Ibalik niyo 'ko sa nakaraan"

Totoo nga ang kasabihan
Ang pag-sisisi'y nasa hulihan
Ang ating nakaraan
Ang siyang madidikta ng kinabukasan

Ngunit hindi ko naman nilalahat
Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat
Ang buhay natin ay parang aklat
Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat

Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu
Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo
Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko
Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento

Kwento na kung saan kayo ang bida
Kwento na kung saan kayo ang pag-asa
Salamat sa pakikinig mula umpisa
Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
M e l l o Jul 2019
noong bata ako
mahilig ako maglaro
nang taguan
sa ilalim ng buwan
sa harap ng bahay
nagkakasama kami'ng
magkakaibigan
pagpipilian
kung sino ang matataya
magbibilang ng sampu
hanggang sa lahat
ay nagsipagtago
at sa bawat laro  
may madayang
biglang maglalaho
pero sa taguan
kung sino yung
maunang makita
ay siya ang matataya
kaya naman
kung sino yung nangdaya
tiyak sa susunod
na kabilugan ng
buwan
ay hindi na kabilang
Poem of the day.
lovestargirl May 2015
TAGUAN:
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw,
Tumatakbo tayong magkahawak ang kamay,
Nagbibilang hanggang isang daan,
papalayo sa tayang kalaro.

Sabi niya’y tagu-taguan,
at tayo nama’y nagbilang.
Ng isa, ng dalawa, hanggang tatlo.
At hangggang doo’y nanatili sa likod ng puno.

Ngumiti ka, at ako din. Tumawa ka, at ako din.
Saka napuno ng tawanan ang buong mundo ko.
Napuno ng ikaw at ako ang buong maghapon.
Hanggang sa bumaba na ang araw.

Rinig ko na ang tawag ni inay,
At naramdaman ang pagbitaw sa kapit ko.
Hindi mo man pansin ito,
pero para itong isang malagim na pagtatagpo.

Ngayo’y paalam muna,
Hanggang sa muling pagtatago, at pagtatagpo
Ng ating sabik na mga puso sa larong tayo’y tinago.
Sa mundong ating binuo, na tayong bumubuo.
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
zee Sep 2019
isa, dalawa, tatlo
ako'y tatakbo papalayo
'di ko alam kung saan ako tutungo
ang nais ko lang ay makalayo sa'yo

apat, lima, anim
itong damdaming aking kinikimkim
dapat ko ba itong sabihin
o hayaan na lang maglaho sa hangin?

pito,walo, siyam
'di mo pa rin alam;
wala ka bang pakiramdam?
o sadyang wala kang pakialam

matatapos na lang ang bilang
pero ang tagu-taguan ng aking nararamdaman
ay tila wala na atang katapusan

ngunit pagbilang ko ng sampu
nasilayan sa aking pag dilat
ang katotohanang ikaw pala'y
may ninanais nang iba
https://open.spotify.com/track/0FOYt3VRWweAWgN1relGqN
Mister J Jan 2019
Umpisa pa lamang
Alam ko nang gusto kita
Nakita ka pa lamang
Atensyon ko'y nadukot mo na

(From the beginning
I knew I like you
The moment I saw you
You already captured my attention)

Paghawak ng iyong kamay
Pintig ng damdamin ay bumilis
Mga emosyong itinago nuon
Pilit nagpaparamdam muli ngayon

(When I held your hands
Heartbeats in overdrive
Buried emotions in the past
Making themselves felt in the present)

Sa pagpungay ng mga mata
Ako unti-unting nabibighani
At nung akapin sa'yong mga bisig
Tuluyan na kong nahulog

(The way your eyes look at me
Makes me intrigued by the second
And when you wrapped me in your arms
I completely fell, then and there)

Ngunit pag-sinta'y parang walang halaga
Sigla ng unang pagkikita'y unti-unting nawala
Di malaman at mawari ang mga dahilan
Na nang dahil sa nadarama ay pinipilit maintindihan

(But it seemed these feelings hold no value
The passion from our first meeting dwindling
I can't comprehend and identify the reasons why
But because of this love I feel, I still try)

Pilit tinitiis ang mga pighati
Kahit unti-unting nadudurog ang puso
Aanhin ang dignidad na patapon
Kung puso'y hindi marunong umibig

(Enduring the searing pain
Even if my heart is crushed
Setting aside my meaningless pride
If I don't know how to love right)

Siguro'y nagiging makasarili
Ngunit lahat ay binago at binigay
Lahat ay tinitiis damhin
Kahit na lungkot ay di mapawi

(Maybe I'm being selfish
But I changed and gave my everything
I endured all the ill feelings
Even if the loneliness doesn't go away)

Bakit hindi pa yun sapat?
Para ika'y sumugal sa akin?
Nangako ng pag-ibig na di magbabago
Kahit ang mundo natin ay tuluyang maglaho

(Why is it not enough?
For you to take a chance with me?
I promised you a constant, stable love
Even if our world crumbles to dust)

Naghihintay sa iyong pagbalik
Mula sa malayong dako kung san naroon
Ang puso **** labis nang nasasaktan
At takot nang umibig muli

(Waiting for your fateful return
From that far, hidden place where
Your broken and beaten heart is
That lost all hope in love)

Ialay ang pusong nagdurugo
Kapalit ng puso kong gusto kang mahalin
At nang lahat ng sakit ay aking akuin
At nang maibalik natin ang ngiting mailap

(Exchange with me your bleeding heart
With mine that anticipates to love yours
To share with me the burden of your pain
And bring back the elusive smile on your face)

Mahal kita umpisa pa lamang
Mamahalin kita kahit masakit
Lulunukin ang dangal at dignidad
Sa pagsusumamong ikaw ay maging akin

(I loved you from the very beginning
And I will love you still amidst the pain
I will swallow my pride and dignity
In this arduous quest to make you mine)

Sana matapos na ang ating paglalaro
Ang tagu-taguang walang patutunguhan
Panalangin kay Bathala sana'y marinig
Ang pusong nagsusumamo'y sana yakapin muli

(I pray for the little games to end soon
This hide-and-seek that seems meaningless
Dear God, hear my prayers and pleas
Of the heart that yearns be embraced again)
Originally a Tagalog poem
But I made an English translation for the foreigners

I hope everybody likes it!
Happy Reading! Thanks!

-J
John AD Oct 2018
Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili
Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat
Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam,
Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya

Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan,
Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam
Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto
Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.
Sy Lilang Jan 2017
011717
(Para sa lahat ng mga tumatakbo, mga napilayan at napaltusan. Para sa mga gusto nang huminto pero may humihila sayo pabalik na hindi mabuo-buo ang loob **** lumisan kasi pagod ka na rin sa katatakbo. Oo, ayos lang maging totoo't amining pagod ka na. Natakot kang humarap sa mundo pagkat napuno ka ng sari't saring mga isyu sa buhay mo, kaya akala mo walang saysay ang bawat salaysay. Akala mo, wala nang nais makinig sa bawat kwento **** tila paulit-ulit na lang. Akala mo, tuldok na at wala nang kasunod pa. Wala kang matakbuhan at lagi ka na lang tumatakas. Oo, nasanay ka na at akala mo ayos lang at tama yun. Nagtatago ka sa dilim at ayaw **** lumantad, natakot kang makita yung totoong ikaw kasi ayaw **** mahusgahan o makaani ng masasakit na salita. Natakot kang magtiwala ulit pero pag lumantad ka, doon ka lang pala makalalaya. Saksi ang lahat ng nilikha sayong pag-amin na hindi mo kayang mag-isa, na ayaw mo nang mamuhay nang may paglihim. Na gusto mo nang magbago at patuloy na lumaban -- lumaban nang patas at ayaw mo nang talikuran ang nakaraan. Na gusto mo nang harapin ang mga hindi matapus-tapos na mga isyu sa buhay mo -- mga isyung tila mga sundalong kalansay buhat sa nakaraang kailangan mo nang sugpuin. Oo, kaya mo. Oo, kaya Niya sa buhay mo. Buhay ka pa, humihinga ka pa. Kaya mo yan!)

Ayokong palipasin ang sandali nang pagpikit -- habang nakasandal ka sa kalangitan. Habang iniisip **** hindi mo Ako kayang abutin. Iniisip mo sigurong kinaligtaan Kita, na hindi na Kita tinitingnan pagkat mas pinili **** magtago sa dilim. Akala mo siguro'y hindi ko alam kung nasaan ka -- kung saan at paano mo isinantabi ang sarili mo kaya't hindi Ko maibuhos ang pagpapala Ko sayo. Oo, kasi umiiwas ka, umiilag ka at nilalayuan mo Ako.

Hindi Ako nakikipaglaro ng Tagu-taguan sayo kung saan ay ihahatak mo ang iyong sarili palayo sa Akin at itatatak sa puso't isipang hindi ka na pupuwedeng lumantad hangga't wala pa ang liwanag. Naghihintay lang Ako, naghihintay Ako kung saan mo Ako pinasandal at sa bawat melodiya't pag-indak ng mga ulap na wari mo'y nagtatago rin Ako, noon pa ma'y inilantad Ko na ang Aking sarili sayo. Hinihintay Kitang magpasakop sa Ilaw Ko, nang magkusa kang magpataya sa Akin gamit ang Aking mga yakap. Pagkat hindi mo na kailangan pang magtago -- hindi mo na kailangang maghintay nang napakatagal para lamang masabi **** nahilom ka na. Ang paglantad mo ay siyang pagsuko mo at bagamat ito'y pagsuko, makinig ka: naging matapang ka na. Hindi mo na kailangang yumukong tangan-tangan ang hiya pagkat sa iyong pagpapakumbaba'y itataas Kita gamit ang aking Ngalan at titingala ka na. Matititigan Mo na rin Ako, makikilala mo na rin Ako. Iba't iba man ang anyo Ko'y Ako pa rin ito. May ipinapaabot lamang Ako sayo nang mas maging malapit tayo sa isa't isa. Igagawad Ko sayo ang aking lakas kasabay nang pagbitaw Ko ng mga Salita. At kahit gabi na'y mag-iilaw at mag-aapoy ka pa rin pagkat ikaw na ang magiging taya. Ikaw na ang maghahanap sa mga nawawala't magbubukas ng pintuan para sa mga nagtatago't nagpabaon na sa dilim.
Wag **** tulugan ang dilim pagkat parating na ang Umaga kung kailan at kung saa'y mas magiging lantad na ang lahat. Babangon Ako hindi bilang Buwan na may pakislap na liwanag ngunit bilang Haring Araw at susugpuin ang dilim. Wala nang makapagtatago pa pagkat magiging hayag na ang lahat.

Kaya Anak, wag kang matakot at ngayon pa lang ay ihayag mo ang iyong sarili sa Aking liwanag -- sa Aking liwanag na papandong sayo at uutos sa dilim nang tuluyan mo nang masilayan ang iyong sarili -- ang iyong sariling may pagpupunyagi. Maghanda ka, malapit na ang pagdating Ko. Maghanda ka, magkakasama na rin Tayo.
Donward Bughaw Apr 2019
Sino ka para limitahan ako
sa making kalayaan sa murang edad
na kung tutuusin ay
batbat pa ng pakikipagsapalaran?
Maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.

Sino ka?
Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay;
Akong sinasabing
'pag-asa ng' inyong 'bayan'
ngayon ba'y magiging
kalaban ng estado't pamahalaan,
nang batas ng taong
tutugis at pipiit sa akin
sa loob ng kulungang nakahandang pumatay
ng kinabukasan?
Ako dapat ay malaya,
malayang maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Ang tulang ito ay base sa isyung pagbaba ng edad ng liyabilidad mula 15 hanggang 9 na taong gulang.
Nagsimula na ang bilang mo,
Isa, dalawa, tatlo,
Nagsimula na ang aking pagtakbo,
Apat, lima, anim,
Nagtago na ako mula sayo,
Pito,walo,siyam,
Napakadami na ng aking hinakbang papunta sa dilim,
Takot man ako sa mga nilalang ng kadiliman,
Handa akong tumakbo papunta rito,
Basta’t makalayo lamang sayo.

Hindi ko na narinig ang pagtatapos ng iyong pagbibilang,
Hindi ko alam kung sino na sa atin ang nagtatago’t naghahanap,
Patapos na ba ang ating laro?
Kaya’t uuwi ka na lamang, at magpapahinga sa bahay niyo?
Lumalalim na ang gabi,
Natatanglawan na tayo ng mga bituin,
At mga alitaptap na tila kumikislap ang mga pakpak,
Ikaw ba’y naglalakad palayo sa akin?
O ako ba ay tumatakbo lamang paalis?

Gabing gabi na,
Tayo pa rin ay nagtataguan sa ilalim ng buwan,
Maglalakad na ako mula dito sa aking taguan,
Papunta sa iyong tahanan,
Wala na akong pakialam,
Kung ako man ay mataya o di kaya’y madapa,
Basta’t matapos na ang ating taguan,
At pagkakita ko sayo,
Sa dati **** pwesto,
Natapos ang iyong pagbibilang,
Sampu, narito na ako, nahanap na kita,
Hindi pala ikaw ang taya,
Aking mga mata lamang pala ay dinadaya,
Natapos din ang ating taguan,
Nahanap na kita, nahanap mo na ba ako?
Sy Lilang Jul 2015
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Sy Lilang Sep 2016
090316

Naabutan mo ba ang Chinese Garter o 10-20?
Luksong-lubid, Tagu-taguan, Piko o Patintero?
Alam mo ba yung Yes or No?

Gumuhit ka ng kahong pahaba't
Hatiin ang mga ito, marahil mahabang proseso
Mahalukay lamang ang tamang istilo.
Titingala't magtatanong, "Yes or No?"
At may magbabatuhan ng boses ng pagsilong.

Paano kaya kung ganoon kadali
Kung kaya **** magpatawad
Nang bukal sa puso't walang gitgit.
Hanggang kaya mo nang ipaubaya ang galit sa Langit,
Hanggang kaya mo nang lumaban na may sariling paninindigan.

Pagpapatawad
Sa mga nanakit sayo,
Sa mga nasaktan mo,
Maging sa sarili mo.
Kaya mo ba? Yes or No?

Bumisita ka sa Palengke,
Tiyak bistado mo ang 'yong sarili.
Hindi ba't pag mahal, humihingi ka rin ng tawad?
Pag di ba pinagbigya'y galit ang ibabayad sa Tindera?
Oo, mahal kasi; sobrang mahal
Kaya sana'y lambingin ng "oo" ang "patawad" niya.

May oras para sa lahat;
Maging sa paghilom ng Bayan,
Sa pagdidildil ng Asin sa sanlibutan,
Na Siya ring naghasik
Ng mga butong nagkalaman sa Lipunan.

Bahagi ka ng Tulang ito, isang tulang pasalaysay -
Payak at walang bahid na pagkukunwari.
Ibabalot ko ang tanong na "Yes or No?"
Batang 90's, iba na nga pala ang timpla't
Magkakaubusan na naman ng mga letra't himig.

Sige, magtatapos ako Sayo,
Pagkat Ikaw naman ang taya sa buhay Mo.
At ito na marahil ang Pagtatapos
Na Ikaw rin ang Panimula.

(P.S. Tapusin Mo, sa muli nating pagkikita)
Shem Nov 2018
Lumaki ako na sanay sa mga larong pambata,
Yung mga tipo ng laro na kapag nalalaro ko ay sobra akong sumasaya,
Yung mga tagu-taguan,  habol-habulan,  agawan base at marami pang iba.
pero habang tumatagal,  hindi na ako nagiging masaya pa.

Ang dating saya ay napalitan ng sakit.
Ang dating mga ngiting kay tamis ay napalitan ng mga ngiting kay pait.
Ang dating mga tawa sa mukha ay napalitan ng simangot,
Ang dating mala anghel na boses ay nabahiran ng galit at poot.

Nagsimula lahat yan nung minahal kita,
Simula nung minahal kita,  sineryoso ko lahat.
Pero ikaw ginawa mo lang laro lahat ng yon.
Teka lang ah, pero ang pagmamahal kasi hindi isang laro.

Hindi isang laro na parang habol-habulan,
Na kung san sa simula nag eenjoy ka pa,
Pero pag pagod ka na sasabihin mo "taympers muna"
Pero yung taympers na yon, mauuwi sa "pagod na ko,  ayoko na"

At hindi rin ito parang isang agawan base,
na kung saan onting layo mo lang sakin,  may iba nang susungkit sayo,
O kaya,  yung kahit anong higpit ng hawak ko sayo,
Ikaw yung kusang nagpapahatak mapunta lang sa kabilang grupo.

Hindi rin ito parang isang tagu-taguan,
Na pagkabilang kong tatlo,  nakatago ka na. Nakatago ka na, at may kasamang iba.
Isa,  dalawa,  tatlo, anjan ka lang pala sa likod ko, hawak ang kamay niya
Para lang sabihin na, "salamat sa lahat,  pero pasensya na may mahal akong iba"

Mas lalong hindi toh isang pantintero,
Na sa kabila ng lahat ng paghihirap ko para mapasakin ka,
May nag iintay na pala sayo sa kabilang banda.
Edi bale wala din yung pinaghirapan ko.

Siguro, para sayo,  isa itong langit lupa.
Saksak puso tuluan dugo,
wala kang pakialam kung gano mo nasaktan yung puso ko,
Basta sabi mo, "pwede umalis ka na sa pwesto mo sa puso ko, kasi may pumalit na sayo"

Yung pagmamahal ginawa **** laro,
Ako yung naging lata sa tumbang preso,   na tinamaan dahil sayo,  pero hindi mo man lang tinayo.
Ako yung tipong nilaktawan mo sa luksong baka, para lang makapunta sa iba.
Wala eh,  yung pagmamahal ko sayo,  ginawa mo lang lahat na isang biro at laro.
Pero kahit papano hinihiling ko na sana isang mobile game nalang ako,
Para naman kahit papano,  mahalin at seryosohin mo rin ako.
Sy Lilang May 2014
Aking inaninag
Itong bughaw na kalangitan
Hindi nga ba
Parang kailan lamang
Nang ako’y kanyang tinalikuran?

Napako ang pangako
Na ako’y pangangalagaan
Luha niya’y umabot
Di lamang sa’king talampakan
Nalasap ko ito
Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo
Ngayong timplang kape
Mula sa mga mata nitong
Tila ba kaytayog.

Tinangay kami ng malakas na alon
Kami’y nagpatangay na lamang
Wala akong alam
Kundi and makipaglaro
Ng tagu-taguan
Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan

Sakay kami ng pridyeder,
Ako at aking ulirang mga kapatid
Puno ng pighati’t pangamba
Sa uulitin,
Ito na lamang ang magagawa ko.

Sabi nila, tutulungan nila kami
Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa
Kanino nga ba kami magtitiwala?
Kung mismong kalam nga ng sikmura’y
Di na mainda?

Wala na akong mailuluha pa
Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan
Wala na ngang pag-asa
Wala man lang naiwan sa amin
Sana kasama nalang kami
Sa mga buhay na nalantang
Parang bula
Tulad nila Itay at Inay
Di sana’y masaya kami
Sa kalangitan.

Pumikit ako,
Habang mahimbing ang paghikbi
Ng aking mga kapatid
Sana nga may buhay pa.

Sinagip nyo kami,
Noong una, nagalit pa ako
Ayoko sana
Kaso wala na rin kaming magawa
Sasama na kami
Kasama kami sa pagbangon
Oo, ngayon ako na’y magtitiwala
At ipapasa-Diyos na ang lahat
Siya na ang bahala.

(11/17/13 @xirlleelang)
Tapos na
ang bilang.

Si Eunice
Nahuli na

Nasa likod
ng pintuan

Paalis na
kasama sila

Gab at Sam.
Uwian na

Na'san ka?
Ginagabi ka na.

Hanggang Kailan
ka magtatago

kung wala namang
maghahanap?

(Paolo Jerome D. Cristobal / October 26, 2011)
Taguan  literally translates to 'hiding place', Tago means to hide, or hidden. But in the context of the poem, Taguan is simply a game of hide and seek.

1st stanza - The countings are done
2nd stanza - Eunice has already been caught
3rd stanza - at the back of the door
4th stanza - leaving along with
5th stanza - Gab and Sam. It's time to go home
6th stanza - Where are you? It's already late.
7th stanza - Until when will you hide
Last stanza - if no one would look (for you)?

I already translated the whole idea of the stanza, so don't take it all as the exact meaning of the word.
Crissel Famorcan Dec 2017
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan
Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman!
Isa—
ito na Ang huling patak ng aking mga luha
At pangako di na ako muli pang magpapakita
Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya
Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana,
Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana
At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita
Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?—
Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa
At makulay Ang mundo!
Mundong binuo nating dalawa.
Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin,
Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin
Marami mang problema Ang ating pinagdaanan,
At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban—
Parang senaryo sa pelikula,
maraming naki-eksena
Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida
Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak
Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak
Hanggang sa...
Dalawa—
Dumating siya sa buhay mo
At sa isang iglap,naitsapuwera ako!
Nalunod man ang puso sa selos
Ngunit pilit ko iyong iginapos
Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos
At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos.
Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo,
Nagmimistula lang akong isang mumunting aso
Naghihintay kung kailan mapapansin
Naghihitay kung Kailan mamahalin
Kaya napilitan akong isuko ka,
Napilitan akong bitiwan ka
Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya
Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya
Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa—
Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan
At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman
Kaya Tatlo—
Paalam.
Salitang di ko sana gustong bitiwan
Pero sadyang kinakailangan
Hindi ko man gusto na ika'y iwanan
Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan.
Pagod na ako mahal sana'y maintindihan
Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan
Mahal kita tandaan mo yan.
Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta
Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara
Masakit man Ang ating naging pagtatapos
Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos
Tapos na akong magbilang ng numero
At gaya ng ipinangako ko—
Pagsapit ko ng Tatlo,
Ibibigay na kita sa kanya ng buo
Paalam.
Gat-Usig Oct 2013
Narito, isang pirasong papel,
Nakalamukos sa loob ng isang basurahan,
Basurahan na siyang pinagtapuan,
Basurahang taguan ng mga dumi ,
Dumi na mula sa tao,
Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo.

At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi.
Ang pahina ay napuno ng tinta.
Maraming-maraming tinta.
Nangingitim, kumakalat, naninikit.
Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta.
Mababasa ang titik na nalikha ng tinta.
Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap.

Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod.
Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina.
Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang.
Hinangin ang pahina ng papel.
Nagpulasan ang mga uod sa tapunan.
Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid.
Naninipsip sa napupunit na piraso.

May naghagis ng isang kalat.
Inihagis sa ibabaw ng papel.
Gumalaw ang papel.
Nagitla ang naghagis.
Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis.
Ipinukol sa papel.
May ilan pang nakakita.

Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit
May mga naguguluhan sa mga nakasaksi.
Ang papel ay walang magawa.
Lumalambot ang bawat hibla.
Ang papel, sa kanyang pagkatunaw
Ay akin ding pagkatunaw.

Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat
Kalakip ang mga tulad kong papel...
Sa... aklat.
Sa... tula.
Gat-Usig Oct 2013
Narito, isang pirasong papel,
Nakalamukos sa loob ng isang basurahan,
Basurahan na siyang pinagtapuan,
Basurahang taguan ng mga dumi ,
Dumi na mula sa tao,
Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo.

At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi.
Ang pahina ay napuno ng tinta.
Maraming-maraming tinta.
Nangingitim, kumakalat, naninikit.
Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta.
Mababasa ang titik na nalikha ng tinta.
Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap.

Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod.
Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina.
Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang.
Hinangin ang pahina ng papel.
Nagpulasan ang mga uod sa tapunan.
Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid.
Naninipsip sa napupunit na piraso.

May naghagis ng isang kalat.
Inihagis sa ibabaw ng papel.
Gumalaw ang papel.
Nagitla ang naghagis.
Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis.
Ipinukol sa papel.
May ilan pang nakakita.

Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit
May mga naguguluhan sa mga nakasaksi.
Ang papel ay walang magawa.
Lumalambot ang bawat hibla.
Ang papel, sa kanyang pagkatunaw
Ay akin ding pagkatunaw.

Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat
Kalakip ang mga tulad kong papel...
Sa... aklat.
Sa... tula.
Sy Lilang Dec 2015
120915

Hindi ko magawang itikom ang bibig
Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.
Inibig **** ako'y paglaruan,
Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan.

Hindi na tayo bata,
Na kapag ayaw mo na,
Itatapon mo na lang ang lahat.
Na kapag pagod ka na,
Mamamahinga ka na't
Tila ba wala nang pakialamanan.

Sabi mo, di ka katulad ng iba
Na pupuwede akong magtiwala sayo.
Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas,
at lason siyang pag-ibig mo.

Tanong ko: minahal mo nga ba?
Tanong ko: sineryoso mo rin ba?

Sa dinami-raming tulang kinatha,
Damdamin ko'y nauubusan na ng salita,
Tila hinigop mo na lahat ng kataga,
Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na.

Bakit nga ba?
Kung sino pang tunay na nagmamahal,
Siya pang naiiwan sa ere,
Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya
Yung parang walang destinasyon,
Yung ibabagsak na lang.

Ayoko nang sumakay,
**Pagkat nakamamatay.
Para sa mga nasaktan, wag kayong mananakit.
Para sa mga nanakit, wag nyo nang hintayin ang ganti.
Tama na, move on lang nga! Ang sakit umibig!
kingjay Dec 2018
Magtahi ng mga titik mula sa alibata
Ibalanse ang kataga
Ipakita ang sanhi
Sa hinaharap sana'y alinsunod
sa kagustuhang resulta
Sapat ang pagkinang ng bunga

Pinapagaan ng pakikidalamhati
ang tinamong latay
Hiram na hininga
Sa pag-usad ng rebolusyon ay na-iiwan dahil sa grabidad

Binansagan santwaryo ang periheo
nasa puntong humihiwalay ang umaapoy sa nagyeyelo
Taguan ng mga sugatan
pati na ang nagniningas na kalooban

Ang dangal ay naiga
Gustuhin man magbunyi
Hinihila pababa, parang natutunaw na sera
Nilalamon ng kadiliman ang siga

Matutunan din sumipol sa masalimuot na tinatahak
Matwa sa bawat liwaliw
kahit man ay undas
Patuloy ang pamumunga sa ginintuang oras
Reign Jun 2018
Maglaro tayo,
Ako ulit yung taya
Tapos ikaw yung hahanapin ko,
Ako ulit yung maghahabol

Tapos yung saling pusa poprotektahan mo
Kasi kahit saling pusa lang siya
Alam ko, at alam mo
Na importante siya sayo

Kung laro kaya talaga ang pag-ibig,
Hahabulin mo rin ba ako?
Pag ayaw kong magpahuli sayo?
O bahala nalang ako biglang lalapit sayo kasi hindi mo naman pinili maging taya sa buhay ko?

O kaya maglangit lupa tayo
Tutal ako naman 'tong hinihintay kang bumaba sa lupa
Para makuha ka na at sabay tayong aakyat sa langit
At ang tadhana ang taya

Yung tadhana na pilit tayong paghihiwalayin
Kahit ayaw naman natin
Sana kung laro nga ang pag-ibig
Pwede bang kung ako ang taya 'wag mo naman iparamdam na ako lang din yung saling pusa?

O kaya naman magtagu-taguan tayo?
Ikaw naman yung taya
Tapos hanapin mo ako,
Pag hindi mo ako mahanap ako na yung kusang lalabas

Tapos hahatakin ko yung kamay mo sabay tayong tatakbo
Papunta sa pader kung saan maliligtas tayo.
Para parehas tayong panalo
Sa paborito nating laro.

Sa laro kung saan hanggang laro nalang
Hanggang pagtatago nalang ng nararamdaman
Hanggang sa saling pusa nalang tayong dalawa
Sa mga sarili nating storya.

Sa bawat kabanata ng storya nating dalawa
Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo maglalaro
O magsesryoso na ba tayo?
O hanggang laro nalang talaga lahat ng ito?
VJ BRIONES Jul 2017
sa pagbukas ng aking mga mata
ikaw agad ang gusto kong makita
sa umaga na gustong lunurin ng saya
lunurin ng ikaw
hinahanap ang nawalang "ikaw"
nasaan ang "ikaw"
nasaan kaba?
kagabi lang katabi ka
pero ngayon wala kana
anung kalokohan to'?
umupo ako
at iniisip na ikaw ay
umalis ng hindi nagpapaalam
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


gumawa ako ng mainit na tsokolate
na paborito natin inumin parati
walang emosyon ang aking nararamdaman
ang maliit na butas sa aking puso, na tinutusok ng kalungkutan
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?


sa pagbukas ng pinto ng ating aparador
naisip ko na baka nagtago kalang para ako'y iyong gulatin
handa sa kaba ng iyong hindi pag-alis
sa aking pagbukas
hinahanp kita
hindi moko ginulat
bakit hindi mo ako ginulat?
hindi ka nagtago
nasaan kaba?
sinara ko ulit ang pintuan ng aparador
niloloko ang sarili na ako'y gugulatin ulit
sa pagbukas ko wala kapadin don
hindi kapa din nagpapakita
nakita kong nakasabit ang damit mo
ang iyong amoy
ang mahalimuyak na amoy ng paborito **** pabango
na sana malanghap ko pa
na sana malanghap ko pa ang amoy ng iyong pagdating


nakita na kita
sa letrato nating dalawa
tinitignan ang ating mga imahe
tinitignan ang ating mga ala-ala
binabalikan kung anung meron pa
takot bumitaw sa tadhanang biglang umayaw
mga letratong tayo ay masaya
tayo ay magkasama
tayo na punong puno ng tawa
nakita ko ang letrato na paborito nating dlawa
pero ikaw hindi parin kita makita
makikita pa kaya kita?


hinanap kita
nilibot ko ang bawat sulok
pinuntahan ang dating tagpuan
sinilip ang dilim ng kalungkutan
binukas ang posibleng pinagtaguan
hinahanap ka saan-saan
tinanong ang mga tao sa lansangan
hindi parin kita makita
saan kaba
tama na ang taguan
magpakita kana
lumabas kana
sige na
labas na
ayoko nang magisa
tinanggap ang katotohanang ikaw ay wala na
na iniwan mokong walang ideya kung nasan ka
saan kaba nagpunta?


kung alam kolang na akoy iiwan mo
edi sana ikinulong kita
kung alam kolang na ikaw ay aalis
edi sana ikinandado nalang kita
sana sumulat ka manlang
o kaya nagiwan ng ideya kung nasaan ka man
habang ako nandito parin
hinihintay ang iyong pagbabalik
nakahiga sa kama
nagpapahinga
katabi ang mga unan
mga basang unan
na nilunod ng luha
at iniisip
ANU BANG MERON KAPAG NAGPAPA-ALAM?
Naaalala ko pa noong musmos pa tayo palagi tayong nagtatampisaw sa ulan,
naglalaro ng tagu-taguan at ng paborito kong bahay-bahayan kung saan palaging sambit ng iyong maliit na bibig na ikaw yung nanay at ako naman yung tatay.
Nakakatuwa kase sa tuwing hindi ako sumasangayon, umiiyak ka at sinasabing, "ayaw mo ba akong maging asawa?".
At eto naman akong tatawanan ka at sasabihin, "tahan na, mukha kang tanga, pumapangit ka."
Tandang tanda ko pa kung paanong binuo natin ang mga alaala,
kung paano ka ngumiti ng abot hanggang tenga kapag tayo ay magkasama,
naaalala ko pa, tandang tanda ko pa kung ano ang itsura ng inosente **** mukha...
to be continued
FELILA Sep 2017
Dalawang bata
Isang matanda
Babae't lalaki
Kasama ang ama
Naglalaro sila
Doon sa may kalsada
Napadaan lang ako
Ngunit tila paa'y napako
Habang sila'y tinititigan

---Isip ko'y bumalik sa nakaraan

Naalala ko nang kami ni ama'y
Naglalaro ng tagu-taguan
Sa tuwing ako'y nahuhuli
Ako'y kanyang kinikiliti
Oo, ako'y naging masaya
Sa limang taong pinagsamahan

---Bumalik ako sa kasalukuyan

Ang mag-ama'y tuwang-tuwa sa aking kanan
Hinihiling ko lamang sa Panginoon
Sila sana'y bigyan pa ng mahabang panahon
Sana'y maranasan mo ang hindi ko naranasan.
Michael Joseph Nov 2019
sa isang minsan
naglaro ang tadhana,
pinagtagpo ang mga mata
ng dalawang uhaw sa kahulugan

sa isang minsan
nagsimula ang tagu-taguan,
mga salitang walang kahulugang
sinasambit ng mga labing mapagpanggap,

sa isang minsan
nagdikit ang mga labi,
pilit itinago ang init na nadama
ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi

sa isang minsan
maipapakita natin sa lahat
na nandito tayo para sa isa’t-isa
at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga

sa isang minsan,
kailangan nating maniwala
sa pagdating ng oras at tadhana,
magkasamang lalaya,
sa isang minsan

masasambit rin natin ang ating pagsinta,
sa isang sulyap na walang takot,
walang alinlangan,
sa isang minsan

ang minsan ay magiging walang hanggan,
panghabang-buhay, kahit saan,
kahit kailan, kahit anong oras
sa isang minsan

darating rin na magtutugma ang tadhana
kaya’t makontento muna tayo
sa mga nakaw na sandali,
sa isang minsan

magtatagpo ang ating mga mata at ngiti
kahit na walang kahulugan,
kahit na tayo’y  nasasaktan,
sa isang minsan

tayo ay nagkatagpo at nagmahalan,
kahit alam nating tayo ay sawi,
sa pag-ibig nating
tulad ng ulan
sa isang minsan
Ito nakagawa na rin ng legit na ngayong taon ko nagawa, ang hirap maghanap ng poetic inspiration, pero heto buhay na uli. Tag-ulan eh.
Celestial Tales Mar 2021
Bukas na lang kita hahanapin
Gabi na.
Baka sakaling ika'y maging akin.
Sa umaga.
Ako nalang parati ang taya.
aynad030200 Sep 2020
Hindi ko mahagilap/ ang tamang mga salita/ upang masabi sa iyo ang gusto kong sabihin,/ ngunit oras na pala/ para isumbat ko na/ ang mga paghihirap/ na dinaranas ko/ sa piling mo/ noong mga sandaling pag-aari pa kita,/ noong mga araw na ako pa ang kasama mo/ at noong mga panahong may tayo pa./ Hindi ko inaasahan na magbabago ka,/ na magsasawa ka,/ na mang-iiwan ka at ipagpapalit mo ako sa kanya.// Pero ang hindi ko nauunawaan ay/ bakit mo nasabing ayaw mo na/ at pagod ka/ na noong araw na tayo ay unti-unti nang nagkakalabuan.//
Bakit mo nasabing pagod ka na?/ Pagod ka lang ba talaga?/  O Napagod ka na sa sitwasyon/ nating dalawa?/ O sa mga pagtatagu-taguan natin?/ O sa mga araw na muntikan na tayong mabuking?/ o sa mga araw na may nakakita sa atin?/ O napagod ka na sa atin?/ Sino nga ba ang nagbago?/ ikaw ba o ako?/ O baka/ tayo?/ Pero bakit ang tipid mo nang magsalita?/ At parang  wala ka ng gana/ na kausapin ako?/ Na mahalin ako?/ Na bigyan ako ng halaga?/ O na unawain ako?/ Bakit bigla ka na lang sumuko/ sa mga oras na ipinaglalaban ko ang ating pagmamahalan?/ Hindi ko napansin na ako na lang pala/ ang lumalaban ng mag-isa/ habang ikaw ay binitiwan na ako.//
Bakit mo nagawang balewalain/ ang relasyong binuo natin/ ng magkasama?/ Bakit mo nagawang tapusin/ ang ugnayan natin?/ Ngunit ngayon naiintindihan ko na/ kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin:/ dahil nakuha mo na pala ang matagal mo nang hinihingi sa akin, dahil nakuha mo na pala ang gusto mo:/ ang sirain  at iwan ako/ pagkatapos **** pakinabangan at gamitin.// Noong araw na hinatid mo ako hanggang sa dulo ng kalsada,/ lumingon ako sa direksyon mo/ at nagbabakasakali/ na baka,/ sakali lang naman/ lilingon ka pa/lilingunin mo pa ako/ at tatakbo ka papunta sa akin at yayakapin ako,/ susuyuin ako na huwag kang iwan pero hindi na pala dahil mas pinili mo na lamang na maglakad palayo sa akin/ ngunit hindi na pala./ Kahit gulong-gulo ang isip,/ napag-desisyunan kong/ huwag nang bumalik pa/ sa piling mo.//
Pero nararamdaman ko na lang/ ang mga hawak mo/ na para bang namamaalam ka na,/ ang mga yakap **** dahan-dahan nang nanlalamig,/ ang mga titig **** unti-unti/ nang umiiwaas/ at lumalayo/ hanggang sa nawawalan na ng liwanag ang dati **** kumikislap na mga mata/ at para bang ito na ang huling araw nating pagkikita,/ ang mga ngiti ****/ pilit mo na lang/ na nginingiti,/ ang mga salita **** ang tipid at ang ikli na,/ sa daan na aking nilalakaran palayo sa iyo ay kumipot at biglang umikli,/ ang mga paghawak mo sa mga kamay ko/ na para bang gusto mo nang bumitaw/ sa aking mahigpit na pagkakakapit sa iyo/ at sa mga daan/ na aking nilalakaran papunta at pabalik sa iyo/ ay biglang humahaba at nililigaw ako.//
Bakit ko pa ba pinaniwalaan/ ang mga matatamis na salitang nanggaling sa iyong sinungaling/ at hindi mapagkatiwalaang bibig/ gaya ng “mahal kita”,/ “ikaw lang”/ at “hindi kita iiwan”./ Ganun ba?/ Alam ko naman na parte lamang iyan ng mga gasgas na linyang iyong binitawan/ at aking pinanghawakan noong mga sandaling ikaw ay akin pa,/ noong mayroong ikaw at ako pa,/ at noong mga araw na mahal pa natin ang isa’t isa./ Pero ngayon ang salitang ikaw at ako ay marahil naging bulong na lamang pala sa hangin/ at pati ikaw ay tinangay na rin sa akin./ Kaso Tanong ko lang,/ kung iisa tayo,/ bakit mo nagawang pagkaisahan ang damdamin ko?/ Saan nga ba ako nagkulang?/ Saan nga ba ako nagkamali?/ At bakit mo ako iniwan ng ganito?/
Oo nga pala, bigla kang Nawala nang parang bula at nagmumukha na akong tanga kakahanap sa iyo kahit saan,/ at ayun! Nahanap nga kita/ kaso nasa piling ka na pala ng ibang babae./ Sobrang saya mo nga noong kasama mo siya,/ tila ang iyong pagngiti at pagtawa ay nag-iba,/ iba noong ako pa ang kasama mo at noong mga araw/ na nakikita ko pa/ ang mga ngiti’t galak sa iyong mga mata./ Ngunit pinilit kong lumayo/ kahit na alam kong mahirap,/ sinubukan kong palayain ka/ kahit na alam kong hindi ko kaya/ pero ginawa ko para sa ikakatahimik nating dalawa./
Hindi na kita hahabulin pa/ dahil alam kong matagal na tayong wala,/ dahil matagal ko nang kinalimutan ang dating ikaw at ako/ at ang dating tayo./ Ngunit, mahal batid kong hanggang dito na lamang tayo/ dahil susubukan ko nang ililibing sa limot/ ang lahat ng mga nangyari/ at mga pangyayari sa Buhay natin./ Paalam,/ Nagmamahal,/ Mahal.//
Jun Lit Aug 2020
Ilang dekada na ba ang lumipas
mula nang huling namúti
ng mga labong sa kawayanan
sa dulo ng kapirasong lupang
minana sa kanunuan ng angkan?

May bakas pa sa daanan ang dug-out
na tinabunan na ng mga naputol
na sanga at mga winalis na dahon,
naputol na sanga at bubot na bunga
ng mga chico, caimito at mangga,
na palaging inaakyat ng mga kuya
at nang-iinggit pa kunwari tuwina
at pagkababa’y mamimigay rin pala -
dug-out na tagapagligtas, taguan
noong panahong tila baga’y kani-kanina
lamang, sa mga mababangis na kempeitai,
sa malupit na pandaigdigang giyera.

Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero,
umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo
pagkatapos ng Liberation naging kaminero
mga kabayo’y kinatay ng mga bakero
na sila ring nambayoneta ng maraming tao
pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo
pati mga musmos at mga inang nagpapasuso
kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó.

Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan
at walang napulot na aral sa kasaysayan
ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon
at malawak na highway ang dating batalan at tuklong
Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan,
palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom.

At ngayon,
wala nang mananakop na Hapon.
pero may pumapasok na bagong panginoon -
Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
Brewed Coffee - 11; 11th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
Pusang Tahimik Aug 2021
Natatanaw nga ang mga tanda sa kalangitan
At kung maaliwalas ay babalik sila sa kagawian
Kung kumulimlim nama'y magsisi-taguan
At magdaramit ng sako at uupo sa abuhan

Sasabihin ng isa "ako'y matutulog muna panandalian,
Hihipan upang patayin ang aking ilawan
Sapagkat ang pinuno'y tiyak na yata ay matatagalan
Kung dumating siya doon ko na lamang sisindihan

Ang tapat ay magniningning sa dilim at liwanag
Wala man makakita ay patuloy siyang masipag
At siyay maghihintay ng taimtim at panatag
Sa kanyang Panginoon na nagbibigay liwanag

-JGA

— The End —