Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ron Peter Dec 2018
ito ay isang liham na isinulat ng buong tapat
para sayo at para sakin

maaring pag lipas ng panahon
ay makalimutan ko ito
at maaring mag laho
ang liham na ito ng tuluyan

nakalaan ang liham na ito
sa taong mag tatago ng ating mga alaala habang
siya ay nabubuhay

simula ng makilala kita
ay naakit ako sa maaaring
maging sanhi at bunga nito

sa simula, inakala ko ang katuparan ng aking mga pangarap ang bunga

hindi nag tagal naisip ko ang paulit ulit natin pag uusap ay siyang bunga nito

pagkatapos non'

naniwala ako na ang simula ng aking bagong buhay sa ibang mundo ang bunga

ngayon ko lang napag alaman kung ano ang tunay na bunga

kung ang sanhi ay
ang pagkakaroon
ng lihim na pag mamahal sayo,
ang bunga ay ang pagka-wala ng lahat sa buhay ko

ang kinabukasan ko,
ang panuntunan ko,
ang mga taong malapit sa buhay ko,
at maging ikaw

hindi ko natitiyak ang mga mangyayari mula ngayon

tuluyan na ba natin makakalimutan ang bawat isa?

kung magpapatuloy ang mga alaala at habang buhay na
pag durusa

isa lamang ang hihilingin ko

ang manatili ka sa puso at isip ko

dahil katumbas ng walang hangang nararamdamang sakit ang mapag kaitan ng mga alaala mo

at para sayo kung sakaling mabasa mo ang liham kong ito

isa lamang ang dalangin ko,
nawa'y hindi mo na malaman na ito ay para sa iyo.
Matagal - tagal na rin noong ako'y iyong iniwan
Ngunit hanggang ngayon ay umaasa pa ring mababalikan
Sino nga ba ang unang nakalimot?
Pagmamahalan ba nati'y napalitan na ng poot?

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay
Hindi maipapangakong hahayaan ang pusong mamatay
Maaring isalba o kaya'y palayain na
Sana'y makalimot at hikbi ay tumahan na
"I know now how heartbreaking it is. And I end up making a poem for him."
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
PJ Oct 2018
Ito na ang una't huli
ang una at huling tula
para sayo
sapagkat ang tagal na dapat
ko tung tinigil
Tinigal ang pag ka tanga ko.
Ang hirap diba
sa simula pa lng
para na akong sira
kasi sa simula pa lng
wala na akong magawa
bigla na lng ako nahulog sayo
at sa lahat ng iyng pinag gagawa
kahit maliit na mga bagay
ay napapansin ko
sa pag kumpas ng iyung mga kamay
sa matatamis **** mga ngiti
sa mapupungay **** mga mata
ako talaga ay na bighani
pero anu ba't
ang hirap talaga
pero sinabi ko na may paghanga ako sayo
ayun na ang pang gitna
nagkakilala tayo ng lubos
ang paghanga
ay naging pagmamahal
d mo naman ako binigo
minahal mo din ako
pero bakit ganun
d naging tayo?
ang hirap diba
kasi kahit ikaw
d mo yan nasagot
ilang taon din ako nag hintay
aking sinta
pero sa mga taong yun
hirap na hirap na ako
pero ako ay naghihintay parin
na parang tanga
umaasang may tayo parin sa huli
pero wala pala
kaya nag paalam ako
kasi d ko na kaya
nanliliit na ako sa sarili ko
bakit d kita mapa oo
tapos biglang sinabi mo
minahal mo talaga ako
akala mo makakahintay ako
kahit gaano katagal
sabi ko oo
kaya sana kitang hintayin
kahit gaano katagal
kung sana sa paghihintay ko
wala kang kasamang iba.
kaya
ito na ang una't huli
na tula
para sayo
kasi pagod na ako
sa paghihintay sa wala
salamat sa iyo
at nagising na ako.
gusto ko makawala lahat ng sakit , d ko naisip na ganito pala ang mag sulat para sayo buti na lng hanggang guhit lng ako. mas masakita pala pag naka sulat na kaysa mga larawan lng na aking mga napinta
John AD Oct 2018
Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili
Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat
Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam,
Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya

Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan,
Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam
Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto
Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.
Ilang araw na ang nakakalipas
na sa tuwing gumigising ako
Pinipilit kong kurutin ang sarili
sa braso, kamay, tagiliran, pisngi
Minsan pa nga akong nagpasampal
para lang magising sa isang ala-alang
kay tagal nang sumasakal
sa aking puso't-isipan
Wala na
Wala ka na pala talaga

Pilit kong inaalala ang mga katagang
binitawan mo noong gabi na yon
Pilit tinatanggap ang mga dahilan
kung bakit mo mas piniling lumisan
Paulit-ulit kong naririnig sa gitna ng kawalan
ang mga pangako ****,
'hindi kita iiwan, hindi ako gagaya sa kanila
iintindihin ko ang lahat ng problema,
pipiliin kita kahit lahat ay malabo na"
Paulit-ulit kong naalala ang
mga minutong kay higpit pa ng hawak mo sa aking kamay
mga oras na halos hindi ako makahinga sa gitna ng mga bisig mo
mga sandaling kay tamis pa ng mga salitang
'mahal kita'

Ang lahat
Ay magiging ala-ala na lang
Ala-alang magsisilbing leksyon
na hindi sa lahat ng pagkakataon
ay dapat kang sumugal
Dahil
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi naman sigurado sayo
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi handang harapin ang lahat ng pagsubok
na ibibigay ng mundo kasama mo
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi naniniwala na siya ay para sayo
Mahirap sumugal

Dahil
Kahit anong laban mo para sa inyong dalawa
wala siyang ibang gagawin kundi ang bitawan ka
dahil ang puso niya
ay hindi kagaya ng iyo
na naniniwalang kaya niyong lumaban hanggang dulo

— The End —