Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tabako" poems
Isa, dalawa, hanggang sampu. Bilang sa daliri ko Ang bilang ng araw na umuwi Ako na hindi lasing Sa pagpasok pa lang Uwi na ang hinahanap Para makapiling Ang kanais nais kong kama Ngunit bago sa pagalis Ay may karamdamang Hindi kakaiba Hindi nakapagtataka Ang pagtawag ng cervesa at tabako Ng aking utak para sa aking katawan Ay dumadagumgdong Sa kaluluwa kong mahina Isang bote isa pa isa pa Isang kaha isa pa tama na tuloy tuloy ang daloy ng alak Sunod sunod Ang buka ng usok Sa pagtulog ubos na ang pakiramdam Ni-pandinig ay sumuko na. Amoy na lang ng amats Ano na ba anng kinahihinatnan Isa Dalawa Tatlo Hanggang sampu Bilang sa aking kamay Ang araw na Hindi ako lasing Ang sigarilyong hindi naubos At ang mga araw na humihinga pa ako
0
Aug 8, 2018
Aug 8, 2018 at 10:30 AM UTC
Katapusan