"syempre" poems
Alam ko kaarawan mo nung abril labindalawang at ngayon
Humahabol pa ako sa regalo ko na tula para lang sayo.
Naaalala kita bilang aking best friend nung intermediate palang tayo
Ngayon pati sa facebook konektado pa rin ako sayo
Paminsan-minsan ikaw nagchachat sa kin at minsan ako rin naman
Nagsheshare ng problema at nagbibigayan ng tips kahit papano man
Ngayon dalagita na tayo, marami na rin mga problema sa school at iba kaso
Gusto pa rin kita makausap ng matagalan eh marami lang talagang inaasikaso
Nagkataon nagkita tayo sa mall at ang napansin ko bigla ka tumangkad
Syempre naingit agad, hindi ako pinagpala ng diyos ng tangkad eh.
Natutuwa ako nakilala kita noon at nagkakilalan tayo ng lubos
Kahit malayo tayo sa isa't isa, at saka nagpapasalamat rin ako
Naging best friend kita at lagi tayo nagtutulungan
Kung may problema tayong hinaharap.
Kung alam mo lang maeffort ako kung hindi lang natatamad
Lalo na sa pagibig kung pinageffortan dapat masuklian.
Pasensya na kung nahuli ako ibigay ang regalo ko para lang talaga sayo
Nagpapasalamat ako sa lahat ng alaala natin dalawa at sa susunod pa.
Mahal kita dahil naging parte ka na rin sa buong buhay ko!
Happy Birthday! To the 16th girl Vivien Hannah Isabel Estrada!
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 9:51 AM UTC
In tagalog…
Nagmahal ka na ng ilang katawan?
Sa lipunang ating ginagalawan
naranasan mo na bang matitigan
na para kang hinuhubaran?
Naranasan mo na bang maging barya?
Na gagamitin kang panukli
sa mga kasalanan nila.
Masarap pa bang mabuhay sa labas,
kung ang tingin sayo ay
labasan ng sarap ng loob.
Nagmahal ka na ba ng ilang katawan?
na ang tingin mo lang sa kanya
ay panandaliang pulutan.
na kapag nabulatlat mo na't lahat
ay pssst waiter isa pa ngang ganyan,
ung malaman para
kumukulo kong kalamnan.
ung makinis,
masarap titigan,
ung masarap hawakan,
nagsuot lang ng maikli
ay pinasok mo na agad
sa makitid **** utak,
napakabilis ng kamay mo,
sing bilis ng kabayo.
Nagmahal ka na bang ilang katawan?
dahil lang sa ika'y tigang
dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang.
Naputokan ka na ba?
ng mga sumasabog na alispusta?
dahil lang sa nagsuot ka ng maganda,
pokpok ka na?
Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae
ay parang laro sa perya,
iyong may itatapon kang matalim
para ang lobo'y pasabogin
kung ilan ang naputok **** lobo
ay yun din ang estado mo,
syempre mas marami
mas malaki ang premyo.
Tinuruan ako ng lipunan
na tratohin silang parang salamin,
alagaan at mahalin,
pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin,
na kapag ginawa mo ito
ay isa ka ng ganap na lalake.
Na para mapitas mo ang mansanas ni eba
ay dapat magbalat kayo ka.
ahas ika nga,
magbabalat ang katawan
para sa iba naman.
para makarami naman.
Na kapag napaikot mo na't
sumangayon na sayo
ay dahan dahan **** ipasok
ang pagkalalake mo.
Ito ay para humingi ng tawag I
sa mga babaeng nagawan ko ng masama.
Sa lipunang ating kinatatayoan,
sa lipunang ating unti unting binubuo
para sa darating pang henerasyon
Magmamahal ka pa ba ilang katawan?
Hanggang ngayon
maski ang ating lipunan
ay hindi alam depinisyonwas one
ng pagiging lalake.
Pero siguro panahon na
para tanongin natin ang ating sarili
Kung tama pa ba ang ginagawa natin?
ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?
May 21, 2018
May 21, 2018 at 10:20 PM UTC
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko,
Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo,
Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo,
Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako.
Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako,
Tanga na kung tanga pakielam ko,
Eh mahal kita,
Kahit na alam kong wala na akong pag- asa,
Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba
Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko,
Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang,
O sadyang di mo lang makita yung halaga ko,
Masakit man isipin na gwapo siya,
May makinis na mukha
Nakakahiya nga pag pinagtabi kami,
Isang tingin sakanya tao talaga,
Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya.
At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento,
Para kayong bumubuo ng mundo,
Kung saan lahat ay perpekto,
Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga,
Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay,
Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay,
Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay,
Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko,
Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin,
Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit,
Simula noong nadaan natin siya,
Ang mga kamay natin na magkayakap,
Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap,
Feeling ko nga rebound mo ako,
Alam ko na walang tayo,
Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako,
Nag hahawak kamay,
Nag yayakapan,
Nag aaylabyuhan,
Kulang na nga lang maghalikan eh,
Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na,
Akala ko nga may pag asa ako eh,
May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako,
Mga akala na magiging masaya tayo,
Ayan nanaman ako sa mga akala ko,
Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo,
Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo,
Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita,
Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako,
Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo,
O napipilitan ka lang sabihin yon,
Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita,
Mahal pasensya ka na ha,
Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko,
Pangako na malapit na mapako,
Hindi ko sinabi na diko matutupad,
Pero parang papunta na,
Sana wag mo kong hayaan umalis,
Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba,
Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
Mar 24, 2019
Mar 24, 2019 at 10:35 AM UTC
Palaisipan ang pagpili ng regalo para sa taong minamahal
Syempre hindi pwedeng pandesal... pero di rin naman importante kung mahal
Gusto ko sana yung personal, yun sa lungkot tagapagtanggal
Para sa katulad **** espesyal, sana sa puso at isip mo magtatagal
Syempre hanggat maari kasing bisa ng dasal, yung kasing saya gaya ng mga ikakasal
Yung tipong pag-abot ko pa lang sayo, yung ngiti mo mula U.P hangang La Salle
Maligayang kaarawan!! Dapat ngayon puro saya lang
Kasi araw mo ito.. sayo lang.. walang pwedeng humadlang
Hayaan **** mabahiran ng tsokolate ang iyong matamis na ngiti
Kasi yung nagiisa **** TSOKOLATE.. wala ng sino man makakabili
Written: 01/08/2011
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 4:32 AM UTC
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan
Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan.
Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan.
Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan.
Dalawang taong may pinag-aralan
Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan.
Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan
Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan.
Si ALDEN na handang tumupad sa pangako,
At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito.
Ang pag-iibigan nila minsan magulo,
Pero madalas nagiging wasto.
Mga mata nila'y nagtugma na,
Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa.
PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila,
Paglalapit nila'y naging HOPIA pa.
Kailan kaya magiging isa ang mga ito?
Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo.
Ang mga tao'y nagtatanong,
Kailan nga ba ang tamang panahon?
Ito'y huling hirit na ng mga tao.
Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso.
Paglapitin landas ng dalawang ito.
Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 4:35 PM UTC
“Live as if you were to die tomorrow. Learn as if you were to live forever.”
― Mahatma Gandhi
Malaking bahay, maraming pera at katakot-takot na mamahaling mga bagay-bagay. Ito ang pangarap ng marami at pinagsusumikapan ng halos lahat ng taong nabubuhay. Kunsabagay walang masama sa mga ito, ika nga libre lang ang mangarap. Pero hindi lahat ay pinagpala, hindi lahat nagkakamit ng pangakong gantimpala. Kaya nga may mahirap at mayaman. Habang may mga nagpapala sa initan ng kalsada may mga naka-de-kwatro na salaula at mga mapang-upasala sa loob ng aircondition na ‘kwarto.
Masarap maging mayaman, yun bang masagana at hindi kinukulang. Yung kahit anong oras ay ‘pwede kang mag-abroad, o di kaya naman ay kumain sa mga mamahaling restaurants kahit anong oras mo mapag-tripan. Tapos pag summer time na syempre maliligo naman dun sa Boracay. Foam Party sa gabi at katakot’takot na sosyalan sa buong magdamag. Sarap talaga ng buhay ng isang mayaman. Pero anong halaga ng lahat ng mga ito? Madadala mo ba ang laksa-laksang karangyaan na tinipon mo? Diba hindi naman?
Karunungan, ito ang higit na mahalaga – higit pa sa kayamanan. Hindi katalinuhan na nakukuha sa mga aklat at natutunan sa mga mamahaling unibersidad. Ang maunawaan ang katuturan ng buhay mo yan ang importante sa lahat. Ang lubos na maunawaan ang mga hiwaga na nasa pagitan ng pagsilang at ng kamatayan ito ang tunay na kayamanan. Ang umibig at yakapin ang minamahal na parang hindi mo na makikita ang bukas. Katulad ito sa sanlibong sinag ng araw sa iyong puso. Ang makita ang paglaki ng iyong mga anak at makasama sila sa hapag tuwing oras na ng kainan. Ito ang mga tunay na yaman na walang katapat na halaga. Ito ang mga bagay na dapat nating pagsumikapan na makamtan.
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 1:58 AM UTC
Pintuan palang malalaman mo na,
Na ito ang bahay ng mahirap na pamilya,
May nakasulat pa sa itaas na "Welcome to Miano Family" at " God bless our home".
Mga katagang matagal ng iniukit ng panahon,
Pag pasok mo ay sasalubong agad sayo,
Ang mga mga kagamitan na bigay,
Mga gamit na pinagsawaan na ng kapit bahay,
Mga Tv, relos, at orasan na di na umaandar,
Sa iyong unang hakbang iyong maaapakan,
Ang mga lumang tarpaulin na ginawang floormat,
Upang takpan ang madumi at maputik na sahig,
Lingon ka sa kanan,
At makikita mo ang gawa kong hagdanan,
Hagdan na mayroon lang tatlong apakan,
Ngunit di kelangan mabahala,
Pagkat gawa ko iyan, kaya dapat magtiwala,
Sa iyong pag akyat makikita agad,
Ang kahon na sa laki ay sagad,
Sariling gawang kahon para sa speaker at amplifier,
Di sapag mamayabang pero kalahating araw ko lang tinapos iyan,
Partida nga at wala pang kompletong kagamitan,
Mapapansin **** ganun din ang set up sa taas,
May mga tarpaulin nanaman paloob at palabas,
May mga pira pirasong damit na tinahi para magsilbing kurtina at pantakip,
Pantakip mula sa mga butas na ding ding,
Pag lipat sa kabilang kwarto at makikita mo,
Ang sahig na gawa nanaman sa kawayan,
Na ginawa upang maging daanan ng hangin sa mainit na panahon,
Walang masyadong kagamitan,
Pero masasabi mo talagang magulo,
Magulo at parang wala nang paglalagyan,
Ng mga damit at mga unan na pa kalat kalat,
Konting pagmamasid pa at iyong mapapansin,
Ang basag naming salamin,
Mga LED lights na di nagagamit pag sapit nh dilim,
Mga wires na napakagulo at gutay gutay,
Batterya ng motor na gamit ng ilaw pag gabi,
Pag napagod kana sa taas,
Bumaba ka ulit at makikita mo sa gilid ng hagdan,
Ang Mga gawa sa kahoy na upuan,
Tingin saglit sa taas at masdan,
Pinag tagpi tagping yero na bubungan,
Mga bubong na maaliwalas kapag tag.araw,
Pag tag ulan naman ay nagmumukhang talon sa buhos ng tubig,
Sa kusina naman tayo ay magpunta,
Bubungad agad ang mga basag na baso,
At mga plato't kutsarang di kumpleto,
Naubos narin cguro ng tatay kong lasinggero,
Sa hugasan makikita mo naman,
Ang gawa sa kahoy na hugasan,
Mg lalagyan ng plato at basong may sabitan,
Isang hakbang pa at welcome to our lutuan,
Lutuan na gaw asa lupa nq ipinatong sa yero kahoy at kawayan,
Mga maiitim na na kawa at kaldero na laman,
At syempre mga kahoy rin na panggatong na nakalagay naman s abandang ilalim ng lutuan,
Tuwing kakain kailangan mag kanya²,
Pagkat pag nag sabay ay tiyak na di kasya,
Pagkat plato't kutsara'y kulang na,
Pero ganun paman kami ay masaya.
Simpleng bahay, simpleng buhay, simpleng pamumuhay 😊
Nov 8, 2020
Nov 8, 2020 at 2:25 AM UTC
Alam mo ba may panahon akong gustong gusto kong
matutong magmahika, yung bang isang abracadabra
ko lang nandito kana. nandito ka. Hindi ko maipinta,
segundo, minuto, oras ikay gusto lagi kasama.
Alam mo ba napawow ako sa sobra **** ganda, kaso
natatakot ako na baka sa isang araw magmagic ka
at bigla ka nalang mawala na tila ba'y alabok at bula.
Syempre pangako sayo, hinding hindi ko hahayaan
na mawala ka, hahanapin kita kahit saan, mabisto lang
kita. Mahal, wag ng tumakas pa.
Dito ka nalang sa piling ko sinta. Pagmamahal ay buo,
di na makukulangan pa. Sayo'y wala ng hihigit pa.
Kaya wala ng paligoy ligoy pa, Mahal na kita.
May 25, 2018
May 25, 2018 at 9:24 AM UTC
Mahal kita,
kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga
ang puso ko,
ngunit ibinalik mo naman.
Sa’yo na ‘yan!
Sa’yong sa’yo na ‘yan!
Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-snatch
ng phone mo
tapos after 3 or 4 months ibinalik ulit?
Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo
‘yung dating iniingat-ingatan mo.
Siguro, oo?
Siguro, hindi?
Wala ka nang ****
Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon…
na nasa iyo ang puso ko,
pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko,
sana dinamay mo na pati apelyido ko diba?.
Kahit hindi mo na ibalik.
Ilang beses na tayong na-</3,
pero naayos rin natin ‘yun.
Sabi ko nga sa sarili ko,
“Sana ‘di na ako nagmahal,
para lang 'di na ako masaktan pa.
Kaya lang,
makita lang kitang nakangiti,
handa na 'kong masaktan ulit.”
at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to.
Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Zamcelco.
Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw…
Mahal ko.
Ganern.
Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin.
Go with the flow lang kasi ako,
Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita.
Binigyan mo akong goal sa buhay.
Medyo mala-#AlDub
rin tayo eh.
Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon.
Ang korni no?haha
May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita.
Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako,
nahulog ako…
Sa’yo pa kaya?
Sa totoo lang,
hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako.
Pero simula nang makilala kita,
nagdadasal na ulit ako.
Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko.
Pero ayun,
our souls were just meant to stop by for a while,
not forever siguro?
Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka.
Kung hindi,
ipipilit ko talaga, haha..
Apr 2, 2017
Apr 2, 2017 at 10:05 PM UTC
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo
Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado
Meron na kasi akong napupusuang isang tao
Pero teka lang, atin-atin lamang to
Di ko alam kung paano sisimulan
Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman
Kung sino nga ba ang aking naiibigan
Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan
Sya'y isang mananayaw
Napaka astig ng kanyang mga galaw
At talagang siya'y mahusay
Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW!
Ako'y lalo pang humanga
Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala
Pero hindi ng feelings ah!
Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa
Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya
Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya
Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa
Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga!
Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon
Di ko akalain na magkakaganon
Kasi dati pinapangarap ko lang yon
Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon
Marami na pala syang naka fling
Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling
Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin
Ang ganda kong walang kadating-dating
Lungkot lang dahil di nya pansin
Na ako sa kanya'y may pagtingin
Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin
O kaya'y akin na lamang ililihim
Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin
Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin
Pero maiba tayo
Sa mga oras na to,
Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto
O magkukulong na lang dito
At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao
Malamang nabasa na to ng mga magulang ko
Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko
Pagkat mamaya pag nakita nila ako,
Sasalo ako ng gabot, hampas, palo
Hanggang dito na lang,
Damay-damay na to!
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.
Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.
Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.
Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.
Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.
Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.
Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.
Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.
Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 10:16 PM UTC
Matagal-tagal na ang nakalipas mula sa huling beses kong magsulat ng tula
Pag sinabi kong matagal, ang ibig kong sabihin
Ay ilang araw na ang nakalipas
Nang hindi ako nakabubuo ng tula
Nasanay kasi akong halos araw-araw akong may naisusulat
Kung di man buong tula
Kahit ilan mang linya
Nasanay kasi akong lahat ng aking nakikita
Ay ginagamit kong inspirasyon
Sa pagbangon
Sa paghugas ng pinggan
Sa pagkain ng hapunan
Sa pagsampay ng labada
Hanggang sa pagpikit ng mga mata
Hindi ako nauubusan
Ng salitang nais isulat o ibigkas
Ngunit sa mga nakaraang araw
Ay hindi ko yun naramdaman
Pareho lang naman ang kaganapan
Pero tila nawala ang aking mga salita
Pareho lang naman ang aking ginagawa?
Bakit nawala bigla ang aking pagiging manunula?
Ang pagbangon ay nanatiling karaniwan
Hanggang pagpikit nang mata
Wala namang mahalagang kasulat-sulat ng tula
Hindi ko mawari
Kung ano ang nangyari
Hindi ko matukoy
Katamaran ba ito? Pagod? Antok? Ano ba itong nararamdaman ko?
Hindi ko matukoy
Kasi wala akong maramdaman
Alam mo yung pakiramdam ng paang manhid?
Aba syempre hindi, kasi wala naman itong nararamdaman.
Sa totoo lang, hindi ko alam
Kung ano ang punto ng tulang ito
Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ko
Sa simula hanggang dulo
Pero kahit papaano
Mabuti at nakapagsulat muli ako
May 18, 2020
May 18, 2020 at 10:04 AM UTC
Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala.
Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita.
Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, pero kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba.
Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 9:23 AM UTC
Hoy ikaw ! Oo ikaw!
Ikaw na walang alam,
Ikaw na walang pakiramdam
Makinig ka! May sasabihin ako
Sana pakinggan mo kasi minsan lang 'to
Minsan lang ako gagawa ng isang tula,
na alay sa isang tulad mo.
Magsisimula ako sa umpisa
Sa mga panahong wala pa akong gaanong nadarama
Noong unang beses kitang nakilala
At unang beses ko ring nakita,
Kung paano ngumiti ang iyong mga mata
At kung paano ito kumislap
tulad ng mga tala Sa umaga
Idagdag mo pa yung magandang kurba ng iyong mga labi
At matamis **** mga ngiti
Na kay sarap pagmasdan
Na kay sarap titigan
Nung mga oras na yun,
Parang ayaw na kitang tigilan
Pero hindi. Saglit lang.
Ano to?
Uulit na naman ako sa isang siklo ng katangahan?
Hindi! Ayoko nang masaktan.
Ayoko nang masaktan ng paulit ulit
Pagod na kong makaranas ng sakit
At syempre,matitinding inggit
Kaya pinili kong itigil ang lahat
At pigilan ang nararamdaman
Nagtagumpay ako nung una
Pero kinalaunan?
nagpatuloy pa rin ang baliw kong puso
Kaya nga kapag nakikita ka na, puso'y napapalukso
Hinihiling na sana tumigil ang oras,
Para nanjan ka lang.
Pagkat ikaw lang ang tanging lunas
Sa puso kong matinding lungkot ang dinaranas
Hinilhiling na sana wag ka nang lumisan pa
Dito ka lang sa harap ko.
Yun bang tititigan hanggang kelan ko gusto?
Pagmamasdan ang bawat paglabas nung dimples mo
Hihintaying kahit minsan,mapatingin ka rina pwesto ko
At kahit saglit, mapansin mo ako.
At alam mo ba?
Nagkaroon din ako ng dahilan sa pagpasok ng maaga
Hiahabol ko kasi yung pagkakataong makasabay kita sa pila
Syempre para ako yung unang makakita sayo
Sa ganung paraan feel ko nakalamang ako
Alam kong hindi pwede at walang pag - asa
Kaya sige. Hahayaan na kita sa kanila
Tahimik na lang kitang pagmamasdan mula sa malayo
At papanoorin ang magandang mga ngiti mo.
Sana dumating yung araw na hindi lang laging ikaw yung aking nakikita
Mula sa malayong lugar na pinagtatanawan ko sayo.
Alam kong matatapos din ang pantasyang ito.
Sana lang dumating agad yung panahon na yun.
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:36 AM UTC
Ang sabi niya sakin "Bat ka pa maghahanap kung nandito lang naman ako?"
Edi syempre sumagot ako "Ikaw ba ang hinahanap ko?"
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:56 PM UTC