Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"susulatan" poems
Susulatan kita ngayon at wala kang iisipin lamang kundi ngayon Kahit bukas ay basahin mo ito isipin **** ito'y ngayon Kahit basahin mo ito pagkaraan ng mga linggo, buwan at taon pagkatandaang ito'y ngayon Ngayon at walang bukas, dahil ang bukas ay ngayon Ngayon lamang, ngayon lang, ngayon. Ikaw ay mamahalin hanggang ngayon na lamang Patawad aking mahal dahil mahal kita ngayon Ako'y nalulumbay dahil ang pagmamahal mo'y hindi matanaw kahit sa bukas Dahil ito'y pinalasap mo na at pinapalasap pa sa ibang tao sa iyong kahapon Sa kahapon lamang, kahapon lang, kahapon. Wag sana mahal sa aking sulat ika'y maguluhan Dahil mahal ng isinulat ko itong damdamin para sayo'y di naguluhan Intindihin mo na lang gaya ng pag intindi ko, Pag intindi ko sa nararamdaman ko sayo na hanggang ngayon na lamang Ngayon lamang, ngayon lang, ngayon. Habang isinusulat ko ito ngayon ako'y umiiyak hindi upang iyong kaawan Umiiyak ako dahil mahal kita ngayon Dahil una pa lamang kitang masilayan Sinambit na agad ng puso ko na mamahalin kiya ngayon Ngayon lamang, ngayon lang, ngayon. Wag sana ang sulat ko ay iyong itapon Itapon na para bang ito'y sulat ko kahapon Sapagkat ito'y sulat ko ngayon Basahin kapag naiisip na pagmamahal ni isa sayo'y wala at isipin ang ngayon Ngayon lamang, ngayon lang, ngayon. Kailangang tapusin na ang sulat ko sayo aking sinta Dahil ako'y hindi na makahinga Ako'y magpapaalam na ngunit nais pang magkatha ng mga kataga Kataga na hanggang ngayon ko na lamang kayang ikatha Mahal na mhal kita, mahal kita, o mahal aking sinta. Sana'y iyong tandaan na walang hangganan Ang tanging mayroon ay ngayon lamang. Ang pagmamahal ko sayo'y walang wakas Dahil walang wakas kundi ngayon lamang Paalam mahal, hanggang sa ngayon.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 2:09 AM UTC
"Ngayon"

Continue reading...
35
Di ko alam kung kaya ko pa Crush nga lang ba o Mahal na kita Kwento ko na ba o huwag na lang muna Ganto kasi yan teka lang wala pa kinikilig ka na Paano pa kaya kung maging tayo na Ang sweet ko diba ganyan talaga masanay ka na Kasi kapag tayo na daig mo pa nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Araw araw susulatan kita ng tula Pero lahat ng ito hanggang salita ko lang pala Ako'y biglang nagising at natulala Nakita kang may kasama nang iba Pinipilit ngumiti kasi alam ko masaya ka na Ngayong kasama mo na siya At ako ngayon ay nagiisa Ang swerte niya kasi ikaw ang kasama niya Kung nasabi ko sana sayong gusto kita Baka sakali may tayo na Baka sakali mahal mo na pala ako sa susunod na umaga Sana hindi lang siya puro salita Sana magawan ka niya ng isang tula Sana daig mo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa Sana sweet siya sayo hanggang sa pagtanda ninyong dalawa Sana maiparamdam niya sayo na may kayo pa Promise hindi ko ikwekwento sa iba Na naging crush kita kaya sana mahalin ka niya Di ko alam kung kaya ko pa
0
Apr 11, 2019
Apr 11, 2019 at 1:40 PM UTC
For my "A"
Bagong kabanata ay nabuksan tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan bawat araw ay ilalathala at susulatan maging maganda o masama man ang kalabasan Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan Mga sakit at pighating hindi maiiwasan Ating haharapin at mararamdaman Ika'y handa na ba ngayon? Harapin ang bukas at iwan ang kahapon? Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon. Sa libro ng ating buhay na tayong may akda sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta matuto sa mga karanasang mapait at maganda Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 10:07 PM UTC
"Bagong Taon"