Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"suplado" poems
Sa hindi inaasahang panahon, Landas natin ay ipinagtagpo Dating mo'y hindi mawari kung suplado ba o masyadong seryoso Ngunit kahit ganoo'y ako'y nagpatuloy. Sa hindi inaakalang pagkakataon, Mga kwentong noo'y nagmumula sa pagtatype ng mga daliring mahilig sumulat Ngayo'y nagsisimula na sa mga pagtawag at pagbigkas ng mga bibig na makata. Sa hindi maintindihang sitwasyon, Matagal-tagal na hindi napapaisip at napapasulat Ngunit dahil sayo'y biglang nanumbalik At heto ngayon, nagsisilbi kang inspirasyon. Sa daldal **** taglay, Makulit at maalagang pagkatao Na nagsilbing kanlungan sa oras nang pagiging mapag-isa, Salamat sa pagiging kung paano ka nagpakilala. Dahil sa oras na magtugma ang mga nararamdaman, Kahit hindi inaasahan, Kahit hindi akalain, Kahit hindi maintindihan, Sayo, ako ay sigurado.
0
Dec 29, 2020
Dec 29, 2020 at 4:28 AM UTC
Sal(amat) Sa'yo
suplado, pero gwapo. suplado, pero matalino. suplado, kasi di sanay makihalubilo. suplado, pero may respeto suplado, pero pag ngumiti, dun mo masasabing "ay di pala SUPLADO :)" (smiled secretly:)
0
Apr 5, 2018
Apr 5, 2018 at 8:03 AM UTC
suplado