Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumusunog" poems
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

Continue reading...
72
Isang shot para sa puso ko na dinurog mo Isang hithit para sa mga pangako **** napako Isang pitsel para sa mga salitang di mo napanindigan Isang kaha para sa mga alaala na bumabalik galing sa nakaraan Isang case para sa halik at yakap **** di ko malimutan Isang rim para sa taong ako'y iniwan Nakakamatay na alak ang turing ko sayo Nakakasama ngunit tuloy paring tinutungga ko Para kang yosi na kailanma'y di nauubos Unti-unting sumusunog sa pagkatao ko na tila ba'y nauupos Lason ka man sa akin katawan Pero putangina bakit di kita mabitawan Kumakapit parin ako sa natitirang sana Kahit magmukha akong dakilang martir sa iba Mananatiling tanga na walang namang karapatan Bayani na wala naman talagang konkretong ipinaglalaban Alam ko na kung bakit ka nagkaganyan Kasi pumakla na ang dating matamis na pagmamahalan Kailan kaya ako magigising sa katotohanan Sampalin na lang sana ako ng mundo nang ako ay matauhan Sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao dapat handa kang masaktan Pero ayoko na, tama na, wala na kong gana makipaglokohan //iana
0
Jul 30, 2017
Jul 30, 2017 at 8:05 AM UTC
Tama na