Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumisimbolo" poems
Kasabay ng aking paggawa ng tula ay ang pagbitaw sa pangako mo na "akin kang babalikan" Kasabay ng pagiba ng ihip ng hangin ay ang pagtangay sa puso kong dati'y walang ibang isinisigaw kundi ang iyong pangalan Isa kang salamangkero Pinaniwala mo ako sa mahikang kailanma'y 'di totoo Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pag-ibig na nagpalapit sa atin Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pero teka Pag-ibig nga ba iyon o isa lang iyon sa mga pelikulang iyong nilikha? Na sa umpisa palang ay nakalagay na ang mga katagang "Babala: ang sususnod na programa ay walang halong katotohanan Huwag seseryosohin" Una palang kitang nakita, nakuha mo na agad ang aking atensyon Katulad ng isang kwintas Una mo palang makita, hindi mo mapipigilan na mapalapit agad iyon sa puso mo Naaalala mo pa ba ang regalo mo sa akin? Kwintas na may hugis pusong disenyo Sabi mo, iyon ang sumisimbolo na nasa akin na ang iyong puso Ngayon, alam ko na kung bakit Dahil tulad ng metal na kwintas na iyon, Ganon din katigas ang nilalaman ng iyong dibdib
0
Feb 6, 2017
Feb 6, 2017 at 5:28 AM UTC
Ang Huling Tulang Gagawin ko Para sa Iyo
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

Continue reading...
46
Malamig na ang hangin Na dumadampi sa pisngi Ang usok na umiimbulog Sa langit Ay lumalamlam na sa paningin Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw Sa tula na ginawang awit Ay di na naririnig Ang pagkalugami sa nakaraan, Ang bakas ng kahirapan Ay di na nagpapaligalig, Nagpapasimangot nang magunita sa sandali Kung noon sa bawat araw ay masigasig, Sa kinabukasa'y nananabik Di na ngayon Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling Ang nagpupuyos na liwanag Sa dakong silangan Na dati'y mainam pagmasdan Ay nakakasilaw Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan Ay isa na na tanawin Para sa kagalakan ng kaluluwa Ang unos at karimlan Pag nasa luklukan Ay isa lamang pangkaraniwan Pag may lampara Na hindi ka iiwan
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:41 PM UTC
Lampara
Walong letrang nagsisimula Sa isang pahina ng libro Kung saan lahat ng nagawa ay nakasulat Walong letrang sumisimbolo Sa masasakit at masasayang alaalang Iyong ibinigay, Binitawan na parang isang kinusot na papel Sa malawak na dagat na itim Pilit na sumusuko Pilit na umiiwas Ngunit wala nang nagawa Kundi hayaan na lang Pasensya? Pang-ilang beses na bang nabanggit Pang-ilang beses na bang sinambit Katagang ayaw marinig Ng dalawang pandinig, Na pilit inaalala, ang mga katagang Nalalayo sa salitang pasensya Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses na bang kailangang marinig Pasensyang hindi totoo Pasensyang hindi galing sa puso Pasensyang pinilit lang Pwede bang ako naman? Pwede bang ako naman ang hindi makinig? Pwede bang ako naman ang humingi ng pasensya At hingiin na sana'y tapusin na
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:35 PM UTC
Pasensya