Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumariwa" poems
Buwan ang nakatitig saakin Yakap ang lamig ng hangin Kandong ng puting buhangin Tangay ng alon ang damdamin Ramdam ang pag iisa Gabing walang kasama Dala ang mga alaala At tanging mga alaala Naghangad at nag asam Umasang aakayin ng lumbay Papawiin ng daluyong Ang pusong napagod maghintay Naglakbay ang mga mata Naghanap ng makakasama Ngunit isang pagkakamali pala Ang libutin ang dilim na nag iisa Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi Sabay sa pagpatak ng ulan Ang pagpatak ng luha Sumigaw ng walang pag aalinlangan Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan Tumayo't inihampas ang galit na kamao Sabay sa pagbato Ng mga tanong, kung ano at paano Paanong lahat ay nagbago Binuhay ng lamig ng ulan Alaalang matagal nang humimlay Alaalang akala'y patay Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay Sumariwa ang mga alaala Magmula ng unang magkita Hanggang sa patapos na Hanggang matapos na Isang halik mula sa kinatatayuan mismo Isang halik na nakapagpabago Ng ayoko muna sa salitang oo Isang halik kung paanong naging tayo Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo Dahil ibang tao na ang pumawi Sa tuyo nyang mga labi Tumangis. Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon Lulubog at di na muling aahon. En el mar me encontrarás Sa dagat mo ako matatagpuan.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:48 PM UTC
En el mar me encontrarás (in the sea yo will find me)