Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa di kalayuan, ako'y nakakita
Ng anghel na may tabak na mahaba
Masama ang tingin sa akin ng binata
Ako'y natakot, at nagpatirapa

Sinabi niya sa akin:
Ika'y tumindig at huwag sumamba
Pagka't ako'y lingkod ng Diyos na dakila
Na siyang dapat sambahin ng tanang madla
Si Hesukristong namatay sa krus na iyong bunga

Sinabi ko sa kanya:
Ano po ba ang dapat kong gawin?
Sa panahong ito na puno ng ligalig?
Sapat na bang ialay ang buhay kong ito?
Upang maligtas sa apoy ng impyerno?

Sinabi niya sa akin:
Magsisi sa kasalanan kayong mga tao
'Pagkat malapit na ang Araw ng Paghuhukom
Sa panahong ito'y biglang darating
Ang Hesukristong Diyos na di niyo pansin

Kaya't malapit na ang Araw ng Tabak
Ang paghahari ng Diyos ay muling lalaganap
Ang pagsisisi ay huli na sa mga masasama
Ngunit magbubunga sa mga taong busilak

Kaya't paghandaan ang araw na ito
Ibigin ang Diyos nang higit pa sa puso
Ang pagpapatawad niya ay laging sumainyo
Upang maligtas sa apoy ng impyerno.
Ara Mae Apr 2020
Napakatamis ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kaniyang magagandang ginawa, at sa gabi baon-baon mo ito hanggang sa paghimbing.

Nang natutunan ko ang tunay na halaga ng pagsamba, natuto din ako puso na tumibok at magmahal ng totoo.

Nagmamahal ako kaya ako nakatayo ngayon sa inyong harapan, pero bago ang lahat ng ito, may nagmahal muna sakin kaya ko nakayanang tumayo rito.

Sa paglipas ng buhay, ng dahil sa pagmamahal na nag uumapaw at hindi mapantayan, lahat ng salita, kilos, gawa o akda hatid ko ito sakaniya bilang pagsamba.

Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsayaw, hindi lang sa pag tayo rito sa kinatatayuan ko ang tunay na pagsamba, dahil ang tunay na pagsamba ay mula sa ating ginagawa na ating isinasapuso para sakaniya.

Maraming paraan para ang Diyos ay ating mapasaya, kaya huwag kang mag alala, malambot ang puso niya basta’t lumapit ka lang ng may pusong mapagkumbaba.

Magtiwala ka, dahil nakikita niya ang bawat galaw, naririnig niya at bawal salitang iyong sinasambit kapag ika’y nagdarasal o kahit umaawit.

Minsan tayo’y nahihirapan sumamba lalo na kung ang ating puso ay punong puno ng galit, sakit at mga tanong na bakit na dahilan ng ating paglayo sakaniyang piling pero mali, bakit tayo lalayo sakaniya kung alam nating siya lang ang makapag pa paalis ng galit, makapag pa pagaling sa sakit, at makaka sagot sa mga tanong na bakit, pero kung hindi mo alam to, sinasabi ko sayo, totoo, huwag kang mahiyang lumapit sakaniya dahil nakikita niya ang lahat ng ito.

Alam mo, tatanggapin ka parin niya kahit minsan inisip **** tumalikod sakaniya, kahit minsan, mas pinili mo pang makasama ang barkada, buhat buhat ang mabigat na problema diyan sa iyong puso, iniisip mo ito ang sagot sa problema mo pero hindi. Mas dapat piliing lumapit sa pinagmulan ng iyong liwanag sa buhay dahil siya lang ang makagbibigay ng ilaw kapag ang iyong buhay ay nagdidilim na.

Ang lahat ng ito’y nararapat lamang para sakaniya, dahil inalay niya ang kaniyang buhay, naglakad ng duguan, ipinako sa krus kahit walang kasalanan. Hindi siya sumuko, hindi siya huminto, ipinagpatuloy niya ang lahat ng ito para ilagtas ka, ako, tayo.

Ang pagsamba, hindi lang sa ginagawa ko sainyong harapan, ito rin ay ang pagtitiwala sa Panginoon na siya’y magbibigay ng kasagutan sa ating mga kahilingan.

Nasasabi ko lahat ng ito dahil binuksan ko ang aking puso’t isipan sa bagong kaalaman, hindi tungkol sa matematika, dahil pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo ...... namulat sa katotohanan at nagkaroon ng pagbabago sa buhay, ang Diyos ay nakilala, at binigyan ng kulay ang aking buhay.
Vincent Liberato Mar 2018
Sabi'y h'wag sumamba sa mga rebulto,
Pagka’t kailanman ‘di 'to naging totoo
At usap-usapan lamang ang mga milagro
Sumamba pa rin sila sapagka’t napupuno nang grasya dito.
Bawat linggo'y may ginaganap na pulong,
Ngunit ang isang ito'y natatanging pulong;
Gitnang Sanlinggo ang karaniwang tawag dito,
Ang bawat isa'y natututo mula rito.

May isang bahagi, kung tawagi'y Paaralang Teokratiko,
Na kung saan, sinasanay ang kakahayan sa pagtuturo;
Isang paaralang inilaan ni Jah para matutong magsalita,
Upang ang lahat ay maging epektibo sa pangangaral ng Mabuting Balita.

Dito itinuro ang mga paraan para tao'y mahalin,
Upang matulungan sila na kay Jehova'y mapalapit din.
Kahit sino ay puede sa paaralang ito,
Basta't kuwalapikado at handang matuto.

Teksto sa Linggong ito'y maingat na suriin,
At Espiritual na Hiyas ay dapat nating hanapin;
Ibahagi sa mga kapatid, ang ating nahukay;
Nang matulungan din sila na magbulay-bulay.

Midweek meeting dinisenyo para sanayin tayo,
Salamat kay Jehova dahil sa probisyong ito;
Lahat tayo ay samasamang sumamba;
Sa Gitnang Sanlinggong pulong  na Siyang nag-organisa.

— The End —