Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumaboy" poems
Narito, isang pirasong papel, Nakalamukos sa loob ng isang basurahan, Basurahan na siyang pinagtapuan, Basurahang taguan ng mga dumi , Dumi na mula sa tao, Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo. At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi. Ang pahina ay napuno ng tinta. Maraming-maraming tinta. Nangingitim, kumakalat, naninikit. Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta. Mababasa ang titik na nalikha ng tinta. Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap. Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod. Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina. Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang. Hinangin ang pahina ng papel. Nagpulasan ang mga uod sa tapunan. Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid. Naninipsip sa napupunit na piraso. May naghagis ng isang kalat. Inihagis sa ibabaw ng papel. Gumalaw ang papel. Nagitla ang naghagis. Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis. Ipinukol sa papel. May ilan pang nakakita. Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit May mga naguguluhan sa mga nakasaksi. Ang papel ay walang magawa. Lumalambot ang bawat hibla. Ang papel, sa kanyang pagkatunaw Ay akin ding pagkatunaw. Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat Kalakip ang mga tulad kong papel... Sa... aklat. Sa... tula.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
"Papel" ni P.T. Simon

"Papel"
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga at marahang tinahak ang dausdos pababa, Dumampi siya sa malamig na agos ng batis, sumisigaw ng hapis habang tumatangis, Binagtas ang ‘di maiwasang larawan ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan, tumama sa mga batong nakaharang na umagaw sa diwa ng kaligayahan, Sumambulat ang isang malalim na bangin na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin, sumaboy ang pirapirasong damdamin ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:35 AM UTC
"Kasawiang 'di Maamin"
Bakit nga ba tawag ay Vietnamese coffee? Sa tasa’y may pait na ‘di basta mawawagi. Bagal ng patak mula sa itim na bituka, Parang kwento ng bansang sinubukang burahin ng alaala. Sa bawat drip, may bigat ang daloy, Na para bang sugat na ayaw sumaboy. May gatas na puti sa ilalim ng tasa, Kislap ng pag-asa sa gitna ng giyera't pasa. Hindi siya brewed para lang gisingin, Kundi upang tanungin: saan ka ba nanggaling? May kasaysayang pilit pinupuno ng asukal, Pero ang pait ay laging babalik sa hulihan. Kaya’t kapag tinanong mo: “Why is it called Vietnamese coffee?” Sagot ay lihim, nasa loob ng tinik na hearty. Ito’y kwento ng bayang binuhusan ng dilim, Pero sa bawat tasa, may tapang na tahimik lang umiinom sa hangin.
0
Jun 3, 2025
Jun 3, 2025 at 11:19 PM UTC
"Why Is It Called Vietnamese Coffee?"