Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"spesyal" poems
Ako ay nanaginip kanina Tayong dalawa ay magkasama Magkahawak nang kamay sa kalsada Nagtititigan sa mga mga mata Hindi kita iiwan kahit kailan Sa aking sinabi siya ay nasiyahan Ang mga katagang iyon ay nagmarka sa kanyang puso't isipan At gayun din ang aking naramdaman Nung tayo ay umuwi Binigyan mo ako ng matamis na halik sa pisngi Humingi ako uli Ngunit ang tatay mo ay nandiyan kaya binigay mo ay matamis na ngiti At nang sumikat ang araw Ang nasa isip ko pa rin ay ikaw Sa sobrang saya ako'y napahiyaw Sa sobrang saya ako'y napasayaw Tayo'y muling nagtagpo Sa tagpuan king saan kita sinusundo Sa lugar kung saan kita unang sinuyo Sa lugar kund saan nagsimula itong kwento Tayo ay muling namasyal Sa lugar di ganun ka spesyal Ngunit napapadama ang pagmamahal Sa isa't isa na umaapaw Hahaha!!Nakakatawa talaga Tila bang nakalimutan ko na Na ako ay makakalimutin ng sobra Ito ay isang panaginip lang pala
0
Nov 23, 2020
Nov 23, 2020 at 7:27 PM UTC
Panaginip