Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinulat" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Tanghali na at nais ko sana magsulat, Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat, Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita, Nahihirapan na kahit hindi halata. Isang lapis at papel ang aking hawak, Ang daming bumubulabog sa aking utak, Nais ko sanang iparating sayo, Binighani mo ang puso ko. Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama, Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama, Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko, Naisip kong paraan para masabi sayo. Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig, Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig, Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan, Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan. Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa, Na hindi ito sinulat ng basta basta, Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko, Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko. Gagabihin nanaman kaka-isip, At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip, Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap, Habang natutulog ang mga ulap. Isang blankong papel ang aking hawak, Walang kawala sa magulo kong utak
0
Aug 9, 2016
Aug 9, 2016 at 9:44 AM UTC
BLANKONG PAPEL
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer. Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito. Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala. Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo? O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba? Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako. Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay? Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko. Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin? at ikaw naman mahal ko Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon? Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong. Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko. Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 1:58 AM UTC
Tinatamad ako

14
Bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan Mga salitang papasok at lalabas din naman At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo At alalahanin na para sa'yo to. Hindi na kita mahal Hindi na kita mahal Makinig ka sa'kin. Hindi. Kita. Minahal. Hindi. Kita. Minahal Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo Hindi na kita mahal Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi, Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit, Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin, Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina Ikaw ang sining ko Ikaw ang tulang ito. Para sa'yo at tungkol sa'yo. Hindi kita minahal, Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to at sinamahan ako para panuorin natin Kung sino ba ang nandito at nandoon Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan Kung saan kayo nagkakilala, Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata At sa lahat ng storya mo, Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas. At ikwento mo din sana ang gabing ito Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko, At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ikwento mo. Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto. Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman. Tama lang siguro na magkaibigan tayo, Kasi Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo Pinilit lang kitang mahalin Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman. Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo, Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra. Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman. Kaya bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo. At sana tandaan mo na Dati, at dati lang Minahal kita.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 1:15 PM UTC
Dati at Dati Lang

May mga salitang sa papel na lang kayang manatili Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.                     Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako                     Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako                      Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama                      ang sinulat kong kwento                      Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat? Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata                       Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa                       Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga Mahirap, Pero pwede ba?                        Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana                        Na gawing gabi ang lahat ng umaga                        Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan                        Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.                                           © 2018 Glen Castillo                                            All Rights Reserved.
0
Aug 2, 2018
Aug 2, 2018 at 9:21 AM UTC
Paano gawing Gabi ang bawat Umaga?

23
Natandaan ko ang mga tawa **** ‘di natatapos, At ang mga pang-aasar **** ‘di maubos. Naiinis ako pero, “haha. Tawa na lang.” Hindi ko naman inaasahang May muling bubulaklak ulit sa aking puso. Noong hinahawakan mo pa ako, Lagot na naman ang aking damdamin. Ikaw na ang laging nasa isipin. Pero... May minamahal na rin ako. Bakit ngayon may lungko’t galit ka? Sila ba ang rason at sa susunod ay ako. Sorry kung ako ang naging dahilan. Hindi ko sinasadya, iiyak-iyak ka na. Aaminin kong hindi ako sanay ‘Di ko rin man lang matanong kung, “Huy. Okay ka lang ba?” Halata naman sa mga mata mo Na hindi mo na talaga kaya. Ewan ko ba, ngiti mo lang ang hinahanap ko. ‘Di ko rin alam na iyon ang kailangan ko. Kaibigan lang naman pero bakit iba? Gusto kita patawanin ng patawanin... Para tumigil ang pagwawasak ng iyong damdamin. Kaibigan kong malakas at matapang, Alam kong lalaki ka pero hindi mo tinago, Ang mga damdamin **** ‘di naglalaho. Alam ko na baka isumbong mo ako, Sa aking lalaking iniirog. Pero kung alam ko lang ang rason ng mga tawa mo, Sigurado akong naibigay ko na iyon sa’yo. Yung mga pang-aasar mo para sa’kin na ‘di mo malimot, Nasa ulo ko, pinagtatawanan kong paikot-ikot. Malamang ay pinagtatawanan mo rin At sigurado akong gusto **** balikan. Magiging baliw ako, mapatawa ka lang, Nagugustuhan (na) kitang makasama, Pero mas maganda pang kaibigan na lang. Kasi pag nalaman **** “oo. Gusto kita,” Hala heto na naman... Aalis at iiwas ka na. Minsan ay nakakapagod rin maghabol Ng mga taong sa huli’y mabibigay ng hatol. Pero ‘di tayo aabot sa ganoon. Kalimutan mo na ang aking sinulat. Ito ay kabilang sa pagkakamali ng kahapon. Kahit “kuya” lang? Okay na. Haha. Kaibigan lang? Okay na. O lalaki kong best friend? Sapat na. Tandaan mo na lang na narito ako lagi, Para subukan na mapatawa ka kahit minsan. Sapat na, hanggang kaibigan lang.
0
Feb 28, 2018
Feb 28, 2018 at 6:10 AM UTC
Kaibigan Lang

50
Isang babae ang sumakay sa V. Mapa Maikli ang buhok at kayumanggi Nakapulang T-shirt at maikling shorts Tsinelas na plastic ay may takong Ang jeep ay mahaba, bago at maingay Balahaw nito ang malakas na tugtugin Ang barker ay mala trenta maging ang driver Kung umasta ay tinedyer Ang musika ay hindi musika 'Pagkat hindi lahat ng sinulat ay babasahin Ni musika ang lahat ng tugtugin Hindi musika kundi basura Ang babae ay sumabay sa saliw ng tugtog Kumanta nang may emosyon Walang hiyang ikinampay ang kamay At winasiwas ang yapos na sako Hindi pa siya nagbabayad Malamang wala siyang pera Hindi siguro iyon ang dahilan ng tawanan Sa kanya'y marahil may kakulangan Nawala ang nagwawalang kanta At nanahimik rin ang aba Tulala sa kawalan habang may minamantra Bakit kaya kabisado niya ang kanta? Kung mayroon mang makapagsasabi Ano ang nasa isipan ng isang tao Na hindi rin masasabi kung ano Paanong ang pag-unawa'y matatamo? Sila ba talaga ang wala sa katinuan? Kung sila ang ating pinagtatawanan Kung mga mata nila'y walang bahid Pahid ng alinlangan at pagdududa Naririnig din ba niya Sigaw ng barker sa kalsada? Nararamdaman din ba niya Dampi ng tubig ulan Naiisip niya kaya Kung ano ang kinabukasan? Nagmamadali rin ba siyang makauwi Dahil may exam kinabukasan? Bumaba siya sa harap ng arko Tumalon at masayang nagsayaw sa gitna Tinunton ang daan sa Teresa Di namalayang nariyan na siya Sa patutunguhan niya
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 12:37 PM UTC
Tapenshap
Madami na akong nabasang libro Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan Na hindi magsasawang basahin muli Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti. Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli, Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi. Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing.... binabasa ko ang kahapon. doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko. Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento, Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo. Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na Napunta ka na sa ibang pahina Ako, ako andito pa Iniwan mo sa alaala nating dalawa Pwede ba magsabi ng totoo? Kahit na sobrang gulo, sasabihin ko sayo Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao. Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas, Bakas ng kahapon na sinaktan ako Sinugatan ako ng taong minahal ko Na pinalitan lamang ng saksak sa puso. Itong mga pahina't kabanata Na nagpapakita Na mahal parin kita Subalit nasa ibang libro ka na. Alam kong tapos na Wala nang tyansa Kaya't ibabalik nalamang kita Sa aking istante Na madaling hanapin Kapag nais ko muling basahin Ang kahapon na sinulat natin. Mga pahinang babalik balikan, Mga kabanatang hindi makakalimutan, Librong tayong dalawa na ako nalamang Ang gagawa ng paraan para protektahan
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 12:50 AM UTC
Mga pahina

39
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko Sinulat ko to kahit di mo gusto Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko Sinulat ko to para sayo, aking sinta. Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot Di ka ba napapagod Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto? Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay. Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya Handa kang hintayin kahit gano man katagal Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta. Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso; Para sa lalake di uso ang laro Sa bawat bigkas na taludtod Pangako sayo di mapupudpod Puso **** naupod napagod Di na mauulit ang pagkakataon na iyon Sayo'y di kahit kelan mapapagod Intidihin ka sa bawat pagkakataon Respeto at pangunawa ang aahon Para sa panahon sa muling pagkakataon Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 2:05 AM UTC
Handa

40
Sa isang parihabang kwaderno Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma Umaasang may malalathalang kakaiba Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad, "Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman." Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura Ang lalaking manunulat ay sumisigla Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 10:12 AM UTC
Tinta
Ang posporo ay isang entabladong ginawa para masira, Para magbigay ng panandaliang liwanag, Para sayawan at indakan ng apoy, At sa huli, Lilisanin din ito, Iiwan ang sunog at durog na entabladong isang beses niya lang sinayawan. Tayo ay dalawang taong ginawa at itinakda ng tadhana para maintindihan natin ang pag-ibig, Ginawa tayo para masira at maging buo muli, Para sumayaw at umindak sa bawat kantang maririnig natin sa radyo, Pinilas at tinapon natin ang huling yugto sa storya natin. At lahat ng 'to, ay isang posporong nasindihan na at nadurog, nagngangalang sana Eto ang posporong nagngangalang tayo Sinindihan ito ng tadhana, Nagliyab tayong dalawa sa kabila ng gabing malamig Hindi nawala ang indayog ng apoy na pilit hinihipan ng hangin, Patuloy na nagliliyab, kinakain ang kabuoan ng posporo Hanggang sa nawala, Hanggang sa napagtanto ko na ako pala ang posporong sinayawan mo. Ako ang posporong hangarin ang masayawan ng apoy **** mapangsindak, At ayaw maubos ng iyong liyab, Ako ang entabladong pwede **** sayawan nang walang hanggan, Sana'y hindi ka umalis nang natapos pa lamang ang isang kanta, Ngunit Nawala ka Umalis, Iniwan ang sunog at durog kong entablado Ikaw ang apoy na pumuno at umubos sa akin, Ako ang posporong nagsisilbing patunay ng ating munting sandali Pinilit kong hanapin muli ang alab mo, Ngunit napagtanto Aanhin mo pa ang nasindihan na posporo? Hanggang ngayon, Hindi ko pa rin mawari na sa buong akala ko Sabay nating pinilas ang huling yugto ng storyang sinulat natin, Ngunit pagkatapos ng lahat, Tinago mo pala 'to at idinikit muli sa kwento nating dalawa.
0
Aug 13, 2016
Aug 13, 2016 at 12:20 PM UTC
Posporo

38
AKING TULA Para lang sayo aking ginawang tula Na aking tulay sayo lang nakatalaga Na ikaw lang ang pinaghugutan nang aking sigla Na ang bawat linya sayo lang tanging nakalaan Mga salita ay sayoy pinagmulan Itoy hindi malabas sa isipan Kung sayoy walang nararamdaman Ikaw ang tanging inspirasyon nang aking puso at isipan Ang bawat nakasulat na titik Ay sa puso nakaukit Mga tulang sinulat Tanging sayo lang sinta inuulat Mga matatamis na salita Ang tanging handog sayo aking sinta Mga tulang ginawa Sayo lang iaalay na puno nang diwa Sa bawat araw nais kong ipadama Na sa lalim nang nararamdaman Sa tula ay gustong idaan Maipahiwatig ko lang ang pag-ibig na sayoy nakalaan Kay sarap sa pakiramdam Kung akoy makabuo nang isang talata Na ito ay nakalathala At tanging sayo lang ibabalita Nais palagi na sayong paggising Mabasa mo ang nararamdamang lambing Na itoy nagmula sa kaibuturan nang aking damdamin At pagmamahal mo lang tangi kong hiling Sanay laging magustuhan Tulang sayo lang nilaan Sanay sa pagbasa nang bawat salita Maramdaman mo ganu kita kamahal aking sinta At Aking tulay ay para lang sayo nilikha💋😘
0
Jun 2, 2020
Jun 2, 2020 at 7:13 AM UTC
Aking Tula
Dumating ka sa araw na di ko inaasahan Waring bagyong malakas na dumaraan Ang lahat sa akin ay dinadaanan At walang bakas na hindi mo iniwanan Sayo lamang ako nag bukas ng aklat At pinakita ang aking mga sinulat Ikaw na yata ang maglalagay ng pamagat At mag tutuldok pagkatapos ng lahat Sana'y hindi kana umalis Sawa na akong mag walis Nang kalat sa tuwing naiinis Kapag ako'y naghihinagpis Kaya sa aking bagyong natagpuan Buhumos ka ng walang katapusan Lunurin mo ako ng tuluyan Sa desyertong mundong kinagisnan
0
Mar 24, 2023
Mar 24, 2023 at 11:43 PM UTC
Bagyo
Huminga ulit ako nang malalim Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin. Wala na, pumatak na ang unang luha Di ko na maalalang sinulatan kita At na sa bawat salita ay naiisip ka Nalimot ko na ang masasaya. Pumatak ang pangalawa At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita. At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala Masakit na wala na akong mabalikan Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan. Mahirap ang makalimot Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan Mahirap ang... Bakit ko ba sinusulat ito?
0
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 4:35 PM UTC
Nakalimutan ko na
hindi naman talaga ako marunong magsulat pero nang dahil sa'yo nasimulan ko hindi ko din alam kung paano ito tatapusin pero nang dahil sa'yo nagawa ko paano nga ba magsulat? unang letra, pangalawa, pangatlo hindi ko namalayan na sa unang pagtingin ko sa unang paglapat ko ng papel sa lamesa sa unang paggalaw ng panulat ko ...dumaloy na ang mga salitang hindi ko akalaing manggagaling sa mismong mga kamay ko "isang araw..." diyan din naman tayo nagsimula diyan tayo unang nagkita, nagkausap at nagkatinginan lahat naman nagsisimula sa isang araw hindi ba? at magtatapos din sa "wakas" ang wakas kung saan magiging masaya na ang lahat ang wakas na hindi na pwedeng madugtungan pa ng kahit anong problemang magbibigay kalungkutan pero bakit? kahit alam kong wakas na kahit alam kong tapos na, tigil na, hinto na bakit hindi ko pa din mapigilan ang paggalaw ng kamay ko sa itaas ng papel? ang pagagos ng mga letra sa utak ko na para bang ako'y lalamunin na? "nasasaktan ka na" bulong ng utak ko sa puso ko "kaya ko pa" sagot naman ng puso ko pabalik "di ka pa ba pagod?" mga huling salita na nagsasabi sa'king tumigil na mga salitang matagal ko ng hinihintay mga salitang dapat matagal ko nang napagtanto at hudyat na dapat itigil ko na akala ko ba, nang dahil sa'yo, magiging madali na lang? akala ko ba, nang dahil sa'yo, mahihinto ko agad? bakit parang bumaliktad? bakit parang, nang dahil sa'yo mas humirap nang dahil sa'yo humirap magsimulang muli humirap maghanap ng panibagong papel na pagsusulatan ko ng bagong kabanata humirap ihinto ang mga pangungusap na aking nasusulat nang ako'y nagsimula kailan ba 'ko hihinto? pati ba naman itong tula ay hindi ko matapos dahil hanggang dito, ikaw pa din ang dahilan ikaw ang dahilan kung bakit ko ito sinimulan sinulat, dinama, pinagisipan alam ko... alam ko darating ang araw na mararating ko din ang wakas ang wakas kung saan wala ng "dahil sa'yo" ang dulo kung saan mahihinto ko na ang pagsusulat ng kabanatang ito ang kabanatang nagbigay sa akin ng ligaya, ngunit masakit na karanasan ang kabanatang hanggang nakaraan na lang at pag dumating ang araw na iyon muli ko nang mararamdaman ang saya sa pagkuha ng bagong papel ang saya sa paglinis ng aking panulat at… ang saya kung saan mababanggit ko na ang katagang, "sawakas" masasabi ko na din ang pasasalamat ko sa iyo, na nagbigay sa akin ng papel at matitingnan ko na din ng maayos ang panulat na ikaw mismo ang nagbigay.
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 10:59 PM UTC
Pano Magsulat

iniwan mo ako. saka mo nalamang mahal mo pala ako. mahal mo ako.
 saka mo napagtantuhang kailangang iwan mo ako. huwag **** bigyan ng hustisya 
ang mga espasyo ngayon sa bawat pangungusap. bawat salita ay dapat paghiwalayin 
kahit alam nating ito’y may kahulugan at ugnayan. ikaw
 ako 
mahal
 kita
 ano ang saysay ng salita 
kung sa bibig o kamay ng iba ito manggagaling? bakit mas masakit 
ang kirot ng pusong
 ‘di dahil sa pagsisiayos ng mga salita kundi sa ating pagkakaisang 
naudlot sa pagtalima ng mga alituntuning sinulat naman ng iba? mamahalin kita* *kahit ang palaugnayan ay magkakamali rin. kung susunod ang ating mga puso 
gusto mo bang mabigo? ‘di mababawasan sa murang salita
 ang anumang nararamdaman. 
idaan mo na lang sa kilos,
 kung ayaw **** sumunod sa palaugnayan.
0
Jun 3, 2017
Jun 3, 2017 at 9:35 AM UTC
palaugnayan / ugnayanpala
Sana sa buhangin na lang sinulat ang pangalan mo Nang sa pagsayaw ng alon ito’y burado Di tulad ng pagka ukit nito sa puso ko Ilang gabi at araw ng nagdurugo Oh alam mo ba’ng nangyari nung huling gabing tayo ay nag usap? Oh hanggang ngayon ako’y lito Sa kakaisip utak ko’y tostado Sana di na lang tumitig sa mga mata mo Di sana ngayon nasa tama pa rin ang isip ko Di tulad nitong ilang araw ng nagmumukmok Walang alam sa oras at hindi makatulog Oh alam mo ba’ng nangyari nung huling gabing tayo ay nag usap? Oh hanggang ngayon ako’y hilo Sa kakaisip utak ko’y tostado
0
Nov 21, 2015
Nov 21, 2015 at 9:22 AM UTC
Tostado
isang tagpo na tila sinulat, daluyong ang ginawang panulat, tula sa bawat galaw ay lihim, pag-irog ng buwan sa bituin.
0
Sep 4, 2017
Sep 4, 2017 at 1:05 PM UTC
pagsamo
nakakatakot na sarili'y kilalaning lubusan dahil kasa-kasama'y pagkatao kong maitim pa sa balahibo ng uwak; dahil kaakibat nito'y kausapin siya at dinggin ang kanyang pakiusap na siya'y isulat kahit ayoko'y ayoko na, ayoko na ayoko na ayokong isulat sadyang kataga ngunit heto ako't sinulat pa rin siya ayoko siyang pakinggan ayoko na, ayoko na ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita naririnig ko aking mga sinusulat malinaw pa sa'king mga mata di kaya siguro nga'y mas mainam kung siya nalang ang bahala? baka nga kaya'y mas mainam kung siya nalang ang bahala kontrolin ang buhay kong tutal nama'y lagi niyang pinapakialaman siya nalang ang bahala ayoko na, ayoko na siya nalang ang bahala kahit mapagpasiyahan pa niyang mawala na kaming parehas kung sa pagkawala sarili'y mahanap at ayos lang ako ay malimutan ng lahat naisulat ko naman siya.
0
May 25, 2018
May 25, 2018 at 1:52 PM UTC
padala sa agos ng itim na tinta.
Isang babae ang kilala ko, Napapagod pero hindi sumusuko. Mga problema na nasa kaniyang puso Matatag, matapang hanggang dulo. Bawat araw niya ay hindi madali, Kaya’t andito ako palagi. Mga ala - ala kung saan sinulat ko ang “Simula’t hanggat sa huli” Na ang lahat ng ito ay simula pa lamang, At ang pag - ibig ko sayo ay walang hahadlang.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 8:38 AM UTC
lungkot
hindi ako magpapaalam sa limampung tula o higit pa na aking sinulat at inalay para sayo.. dahil minsan rin namang nagtugma ang ating damdamin na nagusbong ng mga matatamis na salita na naglalarawan ng ating pagibig. subalit sa habang nadadagdagan ang saknong sa tula, ay unti unti na ring di nagtutugma ang damdamin nating dalawa. mahiwaga, salamat at naging bahagi ka ng kabanata ng aklat ng aking mga tula.
0
Mar 18, 2020
Mar 18, 2020 at 9:52 AM UTC
maling paksa
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy
Para tayong pelikula Sa isang daan tula para kay stella Sakto tong ako si Fidel at ikaw si Stella akala mo para sa isa't isa Kaya pala Stella kase ay sumama sa iba Kaya nawalang saysay ang mga sinulat na tula.
0
Jan 26, 2020
Jan 26, 2020 at 11:46 AM UTC
Walang saysay ang mga tula