Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Ilang buwan na pala
Simula nung nawala ka
Di rin nagtagal diba?
Kase naman, ako lang yung nagseryoso sa ating dalawa

May mga oras nga na naaalala kita
Pero minsan gusto ko na lang kalimutan ka
Ayoko na kasing mamroblema pa
Sa dinami-rami ba naman ng iniisip ko, dadagdag ka pa ba?

Alam kong ako ang sinisisi mo
Kung bakit humantong tayo sa ganito
Eh kase naman kung di ka lang sana
nag gago,
Edi sana sayo parin ako

Kaya't wala kang maisusumbat
Dahil una sa lahat, hindi ka naging tapat
Kung nakukulangan ka sa inakala
kong sapat,
Sana sinabi mo kaagad, hindi yung ipinagpalit mo ako sa isang babaeng flat

Oo ganito lang ako,
Mataba, panget, sige sabihin mo lahat ng kapintasan ko
Pero hindi ako bobo
Para magpaka martir sa isang kagaya mo

Pasensya na kung nasaktan kita sa mga nasabi ko
SORRY, pero gago mas nasaktan mo ako!
Hanggang ngayon nandito parin ang mga markang iniwan mo
Dito, nandito sa sugatan kong puso

Nag Flashback lahat ng ala-ala,
Nung nakita ulita kita kanina
Grabe masaya kana pala talaga
Kaya di na kita guguluhin pa

Mukhang may kasama ka nanamang bago
Ano yan bagong malalandi mo?
Naghaharutan pa sa daan itong dalawang to
Sakit nyo sa mata, sarap nyong isako!

Kaya sinasabi ko sainyo
Na hindi porke gwapo ay agad mo ng sasagutin ng OO
Dahil sa una lang yan seryoso
Sige ka, bandang huli ikaw rin ang talo
Ayon! SKL sainyo
Salamat sa pansamantalang kilig at saya
John AD Feb 2018
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga
Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka,
Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo
Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao
Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao,

Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo
Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo
Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo
kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado,

Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya
hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay
at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito.

Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo
Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo
handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo,
makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo

Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at
Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki
Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga
hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti
baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod
hindi ka puro pag aaaklas.
Para sa mamamayan kong pilipino
Jor Jan 2015
Tanda ko pa dati nung tayo pa,
Ang dami nating plano sa isa't-isa.
Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama,
Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa.

Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig.
Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig.
Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig.
Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan?

Nangako kang hindi mo ako iiwan,
Nangako kang hindi mo ako tatalikuran.
Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan.
Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan.

Niloloko mo lang pala ako!
Hindi lang pala ako ang nasa puso mo.
Isang lang pala ako sa mga laruan mo.
Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno!

Nagpadala ako sa mga ngiti mo,
Umasa ako sa mga pangako mo.
Sinisisi ko ang sarili ko,
Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
kahel May 2017
Masisisi mo ba ko?
Na bote nanaman ang kaagapay ngayong gabi
Na sa bawat pag-lunok ay naaalala ang tamis ng iyong mga labi

Masisisi mo ba ko?
Na hanggang ngayon di ko pa din maipaliwanag
Kung bakit naligaw tayo sa dapat nating puntahan

Masisisi mo ba ko?
Na sa bawat tawag na matatanggap
Tawa **** nakakairita pa din ang inaasam madinig

Masisisi mo ba ko?
Na sa dami-dami ng mga kwentong nabasa at narinig
Ikaw lang ang kapani-paniwala at uulit-ulitin

Masisisi mo ba ko?
Na ikaw pa din ang pinapangarap ko
Kahit gising na gising na sa katotohanan

Masisisi mo ba ko?
Na ikaw pa din ang paboritong rason
Sa tuwing pagtitripan ako ng mga alaala

Nauubusan na ko ng palusot
Masisisi mo ba ko?
Masisisi mo ba ko na sinisisi kita
Kung bakit tayo nagkasalisi ng landas
Oo sinisisi kita: sa mga nangyari;
Sa takot,
Sa kirot,
Sa lungkot,
Sa bangungot,
Kaya 'to, para sayo ang huling ikot.
Sinisisi kita, dahil mahal pa din kita.
Carpo Sep 2022
bigyan ng palakpak ang nakaupong presidente,
kahit papaano may nagawa itong kabutihan, eh.
sa ilalim mo naligtas ang labing-lima na minor,
ngunit sa puri na aking ibinigay, rosas ang aking kulay

may nailigtas ka man na labing-lima, marami parin ang na una,
na unang mag-paalam sa kanilang mga pamilya.
sa mga gabing akala ko na ligtas,
sa pamumuno mo, ako'y napapadasal sa itaas.

ang agrikultura ng ating bansa ay napunta sa sakuna,
sinisisi ang manggagawa maski gusto lamang kumita.
ginawa naman niya ang kanyang trabaho para sa mga pilipino,
sana ang nakaupo sa pwesto, parehas na para sa pilipino.

pagtaas ng presyo sa mga bilihin,
kasabay sa pag baba ng piso natin.
ramdam ko na ang pagiging alipin sa aking bansa,
alipin ng sistemang hindi maayos dahil sa mga angat.

maslalong nabaon sa utang ang aking bansa,
ang ekonomiya natin ay nangungulila.
ang tanging naka upo sa pwesto ay walang ginagawa,
masinatupag ang sariling kasiyahan kumpara sa sitwasyon ng bansa.

"asan na ang iyong pangako? aming binotong pangulo?"
hiyaw ng mga bulag sa katotohanan.
"sinayang niyo ang pagkakataon para mag bago"
hiyaw ng mga mulat sa katotohanan.

ang iyon pag balik ay hindi sigaw ng kabataan,
ang aming supporta ay hindi para sa iyong pag marcha.
"kabataan ang pag-asa ng bayan"
ngunit ang kabataan ay hinuhuli kapag ito'y kumilos para sa bayan

bago pa maupo sa pwesto, kaba ang ramdam ng mga tao.
sa lumang henerasyon ito'y isang panalo,
ngunit sa likod ng palakpak at hiyaw ng mga na loko mo,
para sa aming kabataan, ito'y isang mabigat na pagkatalo.

ang pag balik ng iyong pangalan sa kataasang pwesto.
talagang may halo na kaba sa mga tao,
hindi lang para sa mga 'di pabor sayo,
ngunit ngayon, para na rin sa mga tiga supporta mo.
May mga oras sa aking buhay
Na aking hinihiling na sana'y ika'y hindi nakilala
Sapagkat kung ika'y hindi nakilala
Aking puso'y nananahimik ngayon
Ngunit ika'y nilapit sa akin
Hindi ko napigilan ang aking sarili
Na mahulog sa iyong kabaitan at pagiging iyong sarili
Alam kong kasalanan ko ito
Kung kaya'y ika'y hindi sinisisi
Masaya ako sa piling mo
At sa araw-araw na tayo'y magkasama
Minsan ang sakit
Dahil alam kong sa araw-araw
Ika'y mas lalong hinahanap
At mas ginugusto na makasama
Kahit hindi ko gusto na ika'y maisip
Bakit nga ba ika'y pilit tumatakbo?
Mga katanungan na biglaang papasok
Sa aking isipan ay bumabagabag
Hindi ka ba napapagod?
Hindi ka ba napapagod sa pag antay sa akin na ako'y makasakay?
Hindi ka ba napapagod sa pag protekta sa akin?
Hindi ka ba napapagod sa pakikinig sa akin sa araw-araw?
Bakit? Bakit mo nga ba ito ginagawa?
Hindi mo ba alam na ako'y nahuhulog na sa'yo?
Ang hirap, alam mo ba?
Pero alam mo ba
Ang saya ko kapag kasama kita
Makita lang kita
Aking araw ay buo na
Hindi ko man alam ano ang karugtong ng kasalukuyan
Pero sana ikaw ay parte ng aking kinabukasan
madi Apr 2018
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang porma wala namang ibubuga.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang aral pero wala namang respeto at galang.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang tuwad pero hindi marunong humingi ng tawad.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang kama pero hindi alam ang salitang tama.

Mas pipiliin mo ba yung pagsali sa pataasan ng ihi kaysa sa pagpupursigi?
Mas pipiliin mo bang sumali sa mali kaysa sa tama at sa huli walang pagsisisi?
Mas pipiliin mo bang magsend ng litrato **** hubad para lang sumikat?
Tapos bandang huli iiyak iyak?

Tama ka masarap, sabi nila pero hindi ko alam kung totoo ba.
Sige pag palagay natin na masarap nga ang ginagawa niyo,
Pero tanong ko lang pag ba nasaktan kayo sino sinisisi niyo?
Diba ibang tao, eh kayo lang naman pumili sa sitwasyon na yun.

Kaya niyong gawin, ayos lang sainyo kasi mahal niyo kuno.
Sa pagmamahal hindi binibigay lahat.
Kaya ka nasasaktan eh kasi akala mo pag binigay mo lahat,
Sapat na, ayos na at hindi ka na iiwan.

'Wag kang magdahilan ng kasi bata ka pa kaya akala mo tama.
Wow ha ano yun tinry mo tapos nung nasarapan ka tinuloy tuloy mo?
'Wag **** pairalin yung pagka mahina mo sa lahat ng bagay.
Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mahina ka.

Gamitin mo ang isip mo wag puro talino
Dapat may puso, dapat may diyos sa buhay mo.
'Wag puro pagmamahal sa iba ang isipin mo.
Isipin mo rin ang sarili mo.
Lecius Jan 2021
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin.

Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng  pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit.

Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan.

Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin?

Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
Mark Coralde Aug 2017
Ako'y narito at ika'y nariyan
Lumalapit ako ngunit ika'y lumalayo
Waring di tayo pinagtatagpo
Sulyap doon at sulyap dito
Yun lang kasi ang aking magagawa

Makita kita sa araw araw buhay ko'y sumisigla
Buong maghapon ko ay kumpleto na
Tuwing nakikita kitang masaya
Puso ko'y walang sing ligaya
Pagkat ang masilayan, saki'y sapat na

Nakita kitang may kasamang iba
Mata ko'y aking isinara
Dahil sakit ay aking damang dama
Pagkat masaya ka nga
Pero sa piling ng iba

Luha saking mga mata sarili kong pinunasan
Pusong sugatan aking sariling ginamot
Malungkot na sarili aking pinipilit sumaya
Pero di kita sinisisi sa lahat ng pait na naranasan
Pagkat ikaw ang nagbigay tamis saking buhay
kingjay Jan 2019
Saglit lang nakatulog nang naulinigan
ang malakas na hilik
Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik
pagkatapos ay humagok
Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig

Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog
Ngunit parang may pumipigil
Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat
Dalawang minuto na mahigit
Mapayapa na sa abang-aba na sandali

Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin
Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas
Hinanapan ng pulso habang tumatangis
Kulay ube ang mga kuko,
maputla ang kutis
Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel

Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat
Kukunin ang laluluwa bago ang bukas
Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa
Ulo'y nalungayngay
Sarili'y sinisisi

Buntunan ng sala ang kilos at gawa
Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang
Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya

— The End —