Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"singaw" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga, pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan. magdidilim ang iyong paligid magsasarado ang iyong mga mata at hindi kana kailanman gagalaw. alalahanin mo na ikaw ay mortal. mabubura ang lahat ng iyong ala-ala, mabuti man o masama lahat mawawala. kahit ang panaghoy ng naglalamay na saiyo'y nagmamahal hindi mo na madidinig lahat maglalaho. alalahanin mo na ikaw ay mortal. maganda man o panget ang iyong mukha't katawan sa bandang huli kakainin lang ito ng mga bulate. alalahanin mo na ikaw ay mortal. kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng tapakan ka rin mababaon. alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang singaw sa ibabaw ng lupa, isang bulalakaw sa kalawakan isang bula na nakalutang sa sabaw at isang kisapmata sa libong pangitain.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:50 AM UTC
Memento Mori