Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinayaw" poems
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
Walang salitang “sayang” Hindi tayo sayang, Dahil may mga panahon na tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa. Hindi alintana ang alingawngaw na dala ng lipunan, Mga bibig na hindi magkamayan sa pagtutol. Hindi sayang ang mga panahong sabay nating tinahak ang mundo imbes pakanan ang ikot ay mas pinili natin ang pakaliwa. Hindi natin nasayang ang mga oras ng katahimikan, dahil sabay natin itong sinalin sa musika at sabay nating sinayaw ang tugtog ng ating mga puso. Sabay nating niyakap ang kahinaan ng bawat isa, nagsilbi tayong lakas na kayang pumawi ng panghihinang hatid ng mga mapangahas na hamon. Walang lakad na nasayang, dahil sabay nating hinakbang ang ating mga paa patungo sa di malamang dito, doon, d’yan at kung saan man. Walang takot na naramdaman dahil sabay nating sinilip ang kung anong merong hatid ang kabilang daigdig. Walang sayang, Kahit sabay nating kinumpas ang ating mga kamay upang magpaalam. Walang sayang. Dahil sa mga oras na iyon alam natin, ang kabilang mundo ay pansamantala lamang. Alam natin na ang mundo ay iikot muli sa atin, at sa pangalawang pagkakataon. Magtatagpo tayong muli, Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam. ­­­­
0
Mar 28, 2018
Mar 28, 2018 at 3:05 AM UTC
Hanggang sa muli nating pagkikita