Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinasandalan" poems
Sa mundo nating ito, hindi imposibleng makahanap ng kaibigang totoo. Kaibigang tutulong sa'yo sa oras ng pangangalaingan Palaging nandiyan sa tawanan man o iyakan Ang natatanging mahal mo na hindi mo kasintahan o kadugo Ang taong nakamarka na sa iyong puso. ang aking mga kaibigan ay nagbibigay kulay sa aking mundo. akoy kanilang ipinagtatanggol laban sa mga masasamang tao. may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintidihan, minsan ay hindi nagpapansinan ngunit sila parin ang sinasandalan at kinokopyahan. kahit na hindi ako mayaman , ako parin ay nauubusan ng pagkain paminsan-minsan. nagtitipid na nga ako pero ubos parin ang baon ko. OH! mahal kong mga kaibigan hindi ko na minsan matiis ang inyong katakawan. matagal na akong nagtitiis at nagtitimpi dahil palagi na lang kayong nanghihingi. dahil mahal ko kayo at pinahahalagahan ang pagtitiis ko ay kailangan.
0
Sep 9, 2014
Sep 9, 2014 at 11:22 AM UTC
Aking kaibigan!
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala." yan ang sabi mo sa akin noon buti nalang hindi na ako naniwala dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko "patawad" lang ang naisagot ko hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip dahil ang salitang ito salitang nanghihingi ng kapatawaran mo ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan ng "patawad" noong simula palang "patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko hindi na ako naniwala "patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to kaya hindi na ako naniwala "patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad" halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad" sana patawarin mo ako dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw at akala mo ako ang nauna pero hindi, hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
0
Jun 22, 2017
Jun 22, 2017 at 4:51 AM UTC
Untitled

Continue reading...
36
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw
Tuwing may unos sa buhay, sino ba ang ating sinasandalan? Di ba ang ating pamilya na handa tayong tulungan? Sila ang ating pinaghuhugutan ng lakas noon pa man. Kaya dapat sila’y pahalagahan at pasalamatan. Noong bata pa lang kami, kayo ang nandiyan para sa amin. Humubog sa aming pagkatao at bumuo ng aming mithiin. Upang makapagtapos ng pag-aaral at mga pangarap ay abutin. Ngayon na kami ay mga matanda na, oras na suklian kayo na aming mga tungkulin. Araw-araw namin kayo kasama sa puyatan dahil kami ay nag-aaral At nandiyan rin na tuwang-tuwa tuwing kami ay may mga parangal. Kaya maraming salamat sa aming pamilya na nandiyan magpakailanman At oras at panahon sa amin ay pinag-alayan. Ang salitang salamat ay walang katumbas sa inyong pagmamahal sa amin. Kaya buong kasiyahan at pasasalamat an gaming mga panalanagin. Dahil kayo ang munting mga regalo mula sa ating Panginoon. Kaya kami ay suwerte at wala nang mahihiling mula noon.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:22 AM UTC
Swerte ...