Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinamba" poems
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam **** hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam **** ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo. Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 1:31 PM UTC
Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo

Continue reading...
43
Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam * hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam * ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, Mahal Ko
0
Mar 22, 2021
Mar 22, 2021 at 8:27 AM UTC
Pagod Na Ako

42
Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran? Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay. Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy Tiningala nga't sinamba Binalahura nama't minura. Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa Nagnakaw at nagpakasasa sa salapi at tawag ng laman Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura. Iligtas mo ako. Lumuhod ka, sabi Niya. Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang? Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal? Lumuhod ka! Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang likod. Lumuhod ka. Lumuhod ka.
0
May 19, 2023
May 19, 2023 at 11:53 AM UTC
Mga Tula at Sementeryo ng Isang Hangal
Bakit mahal? Bakit kelangan ako'y saktan? Ako'y hindi mo na ba mahal? Mahal, ika'y aking sinamba, Binigay lahat ng iyong tinatamasa Bakit ako'y nilisan pa? Pero kahit ano man ang iyong dahilan, Ito lang naman ang dapat **** tandaan, Ako'y iyo lang magpakailanman, aking mahal!
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 2:53 AM UTC
Bakit?