Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinalang" poems
naalala mo pa ang mga masayang araw? na sa bahay niyo'y lagi kitang dinadalaw Oo suot suot ko yung damit ko na dilaw na tumeterno sa sa inyong ilaw nakakatawang isipin dahil sa mga masasayang kwentuhan natin kalaliman na ng gabi kung tayo'y abutin pero ang sabi mo ang gabi'y atin ng sulitin mga tawa mong walang humpay kasabay ng paghampas ng iyong kamay yun lang naman ang aking hinihintay ang mga tawa't ngiti mo na hindi nakakaumay pero tila lahat ay naglaho ika'y biglang umiwas at nagbago hindi ko alam kung bakit at papaano ako'y iniwan ng walang abiso puso ko'y parang binugbog na sinalang sa apoy at sinunog mundo ko'y binasag at dinurog na tanging natira nalamang ay bubog pero ang lahat ay nagbabago sa rehas ng nakaraan ayokong mabilanggo iiwasan ng magpakagago sa minahal ko't ako'y itinago
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 12:13 AM UTC
Rehas ng Nakaraan