Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pilipinas, Pilipinas kong Mahal
ni Norfhel V. Ramirez

Pilipinas, Pilipinas kong mahal...
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal...
Kahirapan ang daing ng karamihan...
Bayan ko kaya ay makaahon pa...

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan...
puro daing ang binibitiwan...
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan...
pero paano ang ating bayan...

Politikang sing sangsang pa ng malansang isda
Korupsiyon ang gawi ng iba...
Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election
Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan

Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan...
Animoy alipin sa sarili nating bayan...
Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman...
para lang yumaman ang iilan...

Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili
Rizal, nasaan na ang pinaglaban?
Animoy nalimot na ng karamihan...
Animoy binura nabura naba sa kasaysayan...

Mga sakripisyo nang ating mga bayani
Nag buwis ng buhay para sa ating bayan...
Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan...

Sana ating pagnilay nilayan...
Pilipinas, Pilipinas kong mahal
Ngayoy nasaan na...
Naghihingalo sa kamay ng bayan...

Bayang nakalimot na...
Bayang nagsilisan na...
Bayang sarili lang ang inuna...
Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan...
(CC BY-NC-ND 4.0)
Li Nov 2016
Diba nandoon ka
noong sila'y humingi ng tulong
noong sila'y hinuli at sinaktan
ng walang kalaban-laban
noon sila'y tinrato na hayop
ng sarili nilang kababayan.

Diba narinig mo
ang iyak ng mga batang
dinuyan sa tunog ng bala
noong ang mga nanay nila
na dapat kakanta
ay hindi na makita.

Diba nakita ****
nanaig ang kapangyarihan
kaysa sa kanilang karapatan?

Nandoon ka
sa bawat iyak
sa bawat sigaw
pero hindi mo sila sinagip
mula sa kapangyarihang
puno ng galit.

Ngayon nama'y
kami ang naririto
mga bagong saksi
ng pagkatalo
mga sundalong
walang armas pero
pilit ipinaglalaban
ang katotohanan.

Kailanma'y hindi
magiging sapat
ang mga libro
para ikwento ang pait
para aming maramdaman
ang sakit.

Pero ngayong araw
mga mata'y luluha muli
ang mga sugat ay muling hahapdi.

Ngayong araw
kinalimutan ang kasaysayan
kaya't pasensya na mga anak
kung aming napabayaan
kung ibang pananaw na
ang inyong daratnan

O Pilipinas,
ikaw pa ba ang Perlas ng Silangan?
November 8, 2026.
To all victims of Martial Law, I am eternally sorry.
Tatlong bituing* patungo sa *Norte
Sa Silangan at Kanluran
Ang dugong hindi bughaw
Kalayaa'y sagisag.

Nagdadalamhati ang Perlas
Pagkat ito'y tanyag
Sa sari't saring anumalya
Pawang sa pulitika't
Maging sa simpleng eskinita.

Tuwid na daan ang sabi ng Hari
Itong kaibigan ko nga
Pumaskil pa sa Facebook
"Tuwid na daan patungo sa kamalian."

Maulop ang daan patungo sa katuwiran
May limitasyon sa bawat miyembro ng lipunan
Kasapi rin tayo sa eskandalong may hithit
Uhaw nga sa salapi, sirang plaka naman.

Kinalakhan ko ang dungis ng bayan
Nasanay na lang bagkus tuloy lang ang pangarap
Sabi nila'y tatsulok ang patakaran
Ang mayayama'y tataas
Mahihirap ay *
lulusong sa putikan

Mayroong tama sa bawat nasaksihan
Ngunit hindi ko maitatangging
Ako'y kasapi ng masalimuot na kasaysayan
Ngunit kung tanging mali
Ang pupukaw sa paningin
Aba't wala akong mararating.

Mahirap na nga
Makitid pa ang isip
Mayaman na nga
Hindi pa nasusuka sa kurapsyon.

Batu-bato raw sa langit
Bagkus ang tamaa'y sa lupa rin ang bagsak
Tayo na't sumulong
Pagkat ang giyera'y walang urungan.

Walang nararapat na panigan
Pagkat ang tama'y
Hindi na dapat pinag-iisipan
Kung ang prinsipyo nati'y
Lalang para sa kaluwalhatian
Nasisiguro ko, ito'y may magandang patutunguhan.
Wala akong maisip. Wala lang. Sulong Pilipinas
Nagkalat-kalat na mga lupain
Tayo sa kanya’y mga panauhin
Nangag mula sa isang lipi
Ganda niya’y sa puso namutawi

Oo nga’t siya’y marikit
Mga biyaya sa kanya’y di pinagkait
Minsa’y tinaguriang perlas ng silangan
Nakilala bilang ating Inang bayan

Lupain nang mga datu’t mandirigma
Ng prinsesa’t mandirigmang si Urduja
Mababanaag sa kanyang mukha
Katapatan, respeto’t mga paniniwala

Iningatan ng mga mapagbiling ninuno
minahal at niyakap nang taos sa puso
itong lupang ating pinananahanan
ating pinangalagaang lubusan




Minalas nga’t nilingon ng mga dayuhan
Lupang itinago ng mga karagatan,
Dala daw nila’y kaligtasan at kapayapaan,
Yun pala’y hangad nila ating bundok na yaman

Españang eskultor nang kapalaluhan
Tagapagdala ng mga salot ng kinabukasan
Baboy na mga putting inutil
Mga lapastangang mga kanluranin!




Tinuran nilang Indio’t mangmang
Dinuraan at sa putik ay pinagapang
Pinayuko’t pinaluhod  sa Niñong santo
Santong pinambulagan ng mapaglilong demonyo!

Alipin nila kung pandilatan,
Mga uto utong pinagkikindatan
Likas na mga katutubong maamo
Tiningala silang kaibigang totoo

Nakaambang mga tigre’y inamo’t pinatulog
Pinaamo nang mabagsik na mga kulog
Sa bagsik ng pluma’t itak
Napukaw mga mandirigmang hinamak


Gitlang mga hilaw na labanos
Nagsipag kuha ng mga pistola’t español na naghihikahos
Di inakalang mga Indio’y matututong lumaban
Gumising para sa kapakanan niya’t kalayaan

Estrelya ng pag-asa’y kanilang nasilayan
Sinambot ang kamalayan at kanlurang katuruan
Sa mga ganid na Kastila’y inihain
Balaraw ng karunungang matalim

Ritaso ng nakaraan, ngayon at kinabukasan
Piagtagpi tagpi, tinahi’t tinapalan
Mga pulo’y pinaglapit
Mga puso’t hanari’y naging isa kahit saglit

Epiko ng ating pinagmula’y muling nabuo
Ating lahi’y tumayo’t hinarap ang mundo
Laking galak na lamang natin sa pluma ni gat Jose Rizal
Sa kanyang dunong na nagmula sa Maykapal.
64 Ngayon ay para sa dalaga
May dalawang pagsubok ang nakahanda

65 Una ay magtungo sa Silangan
Kay lalaki na tahanan

66 Upang doon gawin
Ang pagsubok na hinain

67 Iyon ay ang ipagluto si lalaki
Ng pagkain na marami

68 Maging mga magulang ng binata
Nasarapan sa mga niluto niya

69 Ang ikalawa naman ay ipaglaba
Ng damit ang sinisinta

70 Kaydali niya itong natapos
May linis at bangong tumatagos.

-07/11/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 167
kingjay Jul 2019
Ang hele sa duyan
Awit ng magulang
na nakapagpagaan sa hangin
sa tuwing nauulinigan

Ang mga punongkahoy doon sa palayan
Na nagwawagayway sa mga dumadaan
May matimyas na kuwento
noong sila pa'y mga munting halaman

Paru paro  na sa hardin
na dumadapo sa bulaklak
sila rin ay may pinagmulan
-galing sa alamat

Ang magandang tanawin
Baryo pa dati kung pangalanan
Magandang buhay ang binabati
Ng damo't kawayan

Ang paggising ng araw
mula sa Silangan
Nagbibigay pag-asa
ang matingkad niyang liwanag

At noong dati
Nang minsa'y nagmahal
mahiyain sa kaibigan
ayaw sabihin sa kaklase

Hanggang ngayon
bibig ay parang itinahi
Bakit nahalina sa pag-ibig
Kung malaya lang ang umibig
Di na sana pinili
solEmn oaSis Jan 2016
with a bit of "the significance of essence" (ang kabuluhan ng kakanyahan)

ako'y pinoy sa isip, sa puso't damdamin
at may paniwala sa sariling atin
gawaing pinoy maipagmamalaki
isigaw sa mundo at ipagsabi
na...
Dito sa Silangan ako ay isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay na kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili
Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo'y may kakanyahan dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba’t tayo ang humahanga doon sa Kanluran (Francis "kiko" Magalona)

(Gloc 9)
Bato bato sa langit
Ang tamaan’y wag magalit
Bawal ang nakasimangot
Baka lalo ka pumangit
Pero okay lang
Hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa amin na parang naka eroplano
Sa tunog ng gitara
Kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si "kiko"
Magaling-hindi parin kayang tapatan
Parang awit na lagi **** binabalik balikan
Stop-rewind i-play mo
Nakapakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin
Hindi na kelangan pang paikutikutin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig na para iyong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko papel
Pero pwede ilatag
Na parang banig na higaan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Eh kasi naman siguro
Ganyan lang kapag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan
Hindi mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasamasama lahat ay kasali!

(solEmn oaSis)
minsan ko nang ipininta
aparisyon ng aking obra
doon,,, manipulasyon lamang ang kontra
pagkat ilusyon lang ang gamit kong tinta
o pareng makata
imulat ang mata
sa larawang likha ng madamdaming kataga
kung itutuon sa puso't isipan, titimo talaga
sa isang alagad ng sining
walang boses na matining
ang tulad nating mandirigma ay isinilang
upang ang kapayapaan ay isaalang-alang
bato-bato sa lawak ng langit
hinde tamaan wag magagalit
sa aking apat na sulok ng panitik
mensahe ko sa quadro ay hitik
ang lihim sa likod ng lalim
may gintong butil na di patitigil
lantaran man ang talinghaga
patagong kaway agwat ng kataga
sapagkat sa bawat pag-ani
ng parirala sa aking balarila
muli ngang sisibol itong binhi
at para sa kanya...ako ay nag-punla

(curse one)
bilang isang nilalang na sumumpang
mag hahatid ng mga musikang
kaylan man ay hindi maka-kalimutan
at inaalay kahit kanino man
patuloy lang susulat ng tulang
sumusugat-gumugulat ang kantang
nakaka-mulat ng mata. Anu mang
pag subok kayang kaya pag nag sama sama na
ang mga sundalo ng kalsada
“Habang iyang edukasyo’y nakaluklok sa dambana,
kabataa’y yumayabong nang mabilis at sagana,
nararating pati langit ng magiting niyang diwa;
sa siklab ng edukasyon kasamaa’y humihina,
alam niyang paamuin iyang bansang walang awa,
ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.” (Jose "pepe" Rizal)
Alaala ang pinakamalapit na tugma
Ng mga tala.
Kapahina ang kakambal nitong
Pinakamapait na salita: Pangungulila.
Nang pagtingala
Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha.

Kaya, sa kawalan ay mapapako.
Mapagtatantong
Bituin ka sa apat kong dako.
Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan.
Doon kita matatagpuan.

Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan.
Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan.

Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw.
Ang nag-iisang hiyaw.
Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw,
Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw;
Ang pinakainaabangan kong bukas
Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas.

Ikaw ang uniberso.
Wari'y ang lawak ng kalawakan
Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman,
ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan.
Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan.

At wala akong ibang maramdaman
Kundi matuling ikot ng mga planeta
At mga nagbabanggaang kometa.
Subalit hanggang kailan?

Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya.

Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata.
Umaga na subalit mahal pa rin kita.
Sinta, tinatangi kita.

-wng
I don't have enough words to convince you how real this is; how deep I feel; this is the most I can give you.
Stephanie Nov 2018
ilang hakbang pa ba ang dapat kong lakarin nang may piring sa aking mga mata para lamang makalapit sa iyo
patuloy na nasasabik sa mga araw na lumilipas ngunit hindi pa rin tanaw ang liwanag na magsasabing may pag-asa na
para mayakap at mahagkan ka ng walang kilometrong pumapagitan sa ating dalawa kundi tanging silakbo ng dalawang pusong tumangis ngunit pinagtagpo ng pag-ibig
Minsan sa kasaysayan
Ang Silangan, ang Kanluran
Ay nagkasagupaan.

Sa tanghalang kamao
Sila’y nagkatagpo
Walang takbuhan dito.

Pambato ng Silangan
Praktisadong si Pacman
Walang inuurungan.

Kayraming Mehikano
Napatumba na nito
Hinamon pa ng Britano.

Ang Perlas ng Silangan
Hindi tinalikuran
Paghamok ng Kanluran.

Tila isang milagro
Two Rounds tapos ang laro
Pilipino nanalo.

-05/03/2009
*for Pacquiao fight against a British
My Poem No. 33
kingjay Dec 2018
Lupa't langit ay nakahanay
Tila'y magkarugtong parang itong buhay
Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan

Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos
ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo
Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang

Ang buhangin ay hindi sa bulag
Sa mga mata ito ay puwing
Mga alikabok at abo
ng pangarap na durog at pira-piraso

Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi
Kung pagmasdan parang alitaptap
Kahulugan nito'y munti
sinag niyang katiting

Sa tag -araw ay uulan
ng mga butil na panalangin
Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon

Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay
Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang
Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin

Dadalhin sa sementeryo
at ang lagusan nito ay walang himig
Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
1.
Noong unang panahon, pulos patag ang lupa
Maliban sa bundok na dalawa
Bundok Kalawitan sa Kanluran
At Bundok Amuyaw sa Silangan!
(Once upn a time, all of the earth were plains
Except for two mountains
Mt. Kalawitan on the West
And Mt. Amuyaw on the East!)

2.
Ang kalikasan ay sagana
Ang mga tao ay payapa
(Nature was then bountiful
People were then peaceful)

3.
Ngunit dumating ang isang delubyo
Nagkandamatay ang lahat ng mga tao
(But a deluge arrived
All people died)

4.
Maliban sa magkapatid na dalawa
Sa bundok napadpad ang bawat isa
(Except for two siblings
Each of them landed on the mountains)

5.
Sa Amuyaw na kabundukan
Ang lalaki na si Wigan
(On Amuyaw mount
There was the man named Wigan)

6.
Sa Kalawitan na kabundukan
Ang babae na si Bugan
(On Kalawitan mount
There was the woman named Bugan)

7.
Nang humupa ang baha
Nagtagpo silang dalawa
(When the flood subsided
The two of them united)

8.
Subalit isang araw, nakadama si Bugan
Na may buhay sa kanyang sinapupunan
(Yet one day, Bugan felt something
In her womb, someone was living)

9.
Siya’y nagimbal sa natuklasan
Nagtangkang magpakamatay si Inang Bugan
(Upon her discovery, she was horrified
Mother Bugan tried to commit suicide)

10.
Sa dali-dali’y biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(Soon, there suddenly appeared someone
He is a god named Makanungan)

11.
Kanyang pinigilan si Bugan
Dahil ganap niya itong nauunawaan
(He tried to stop Bugan
Because he could fully understand)

12.
Sila ay pinayagan ng diyos na magsama
Sapagkat sa mundo’y wala nang taong iba
(They were allowed to become a couple
Because in the world, there were no more people)

13.
Ang magkapatid na mag-asawa
Marami ang naging bunga
(The couple siblings
Got many offsprings)

14.
Apat na babae
(Four females)
At lima ay lalaki
(And five males)

15.
Sa kahuli-hulihan
Sila-sila rin ang nag-asawahan
(And soon after
They married one another)

16.
Subalit may natatangi sa kanila
Ang lalaking si Igon na walang asawa
(But there’s someone unique among them
He’s the man, Igon, who got no tandem)

17.
Isang araw, dumating ang ayaw ng lahat
Ito ang panahon ng tagsalat
(One day, there arrived something everyone didn’t like
The season of famine did strike)

18.
Kaya upang suyuin ang mga diyos
Ritwal ng pag-aalay kanilang idinaos
(So in order that the gods could be pleased
They rendered a ritual burnt offering of beasts)

19.
Nang sa alay kinapos na sila
Kanilang inihandog maliit na daga
(And when of sacrificial beasts they were out
They only offered just a small rat)

20.
Sa kabila ng lahat, walang paring tugon
Kaya isang krimen ang naging opsyon
(After all, there answered no voice
So it was crime that became the choice)

21.
Walang pakundangang kinitilan ng buhay
Kapatid na si Igon ang ipinang-alay
(They dared to **** their brother
It was Igon whom they did offer)

22.
At biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(And suddenly, there appeared someone
It was the god, Makanungan)

23.
Lahat sila ay isinumpa
Iyon ang simula ng digmaan sa lupa!
He cursed everyone
That was the beginning of war in the land!)

-03/10/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 101
Cal Ashiq Feb 2017
Kay tamis ng iyong ngiti
Sadyang kay ganda ng iyong labi
Ika'y lubos na nakakahumalig
Sayo ako'y tunay na umiibig

Mata mo'y kumikinang na parang bituin
Ikaw ang anghel ng aking panalangin
Regalo ka ng Diyos aking sinta
Sayo ang puso ko'y napapakanta

Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw
Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw
Ika'y rosas sa hardin ng Diyos
Tatawirin ka sa kahit anong unos

Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan
Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan
Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay
Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
Pusang Tahimik Mar 2019
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana
Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana
Mula sa silangan ng iyong bintana
Ang yungib at sulok ay aking pinapana

Pagmasdan ako'y walang nakagagawa
Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa
Huwag nang subukan pakiusap ko nawa
Sa payo ko ay makinig at matuwa

Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa
Sa paghihirap mo ako ang nananawa
Sanggol na nagugutom na nagngangawa
Hala gawa, nasa Diyos ang awa!

Pakanluran ang aking binabagtas
Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas
Paumanhin sa kapangyarihan kong batas
Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas

Lulubog kung marating ang hangganan
Magbabadya na ang kadiliman
Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan
Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
by: JGA
kingjay Jan 2020
Sa kanyang himig ako'y nahahalina
Magkasintunog ng mga ibong malaya
Umiindayog sa puso ko't pagsinta
Misteryosong dilag, sino s'ya talaga?

Sa tuwing napapanood 'y anong ganda
Mata'y matimyas na tala sa umaga
Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga
Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya

Manipis ang labing kakulay 'y makopa
Malamyos ang tunog ng bawat salita
Halik ng anghel ang dapyo ng hininga
Halimuyak ay buhay, di nawawala

Kahit panlalaki ang gayak at porma
Na kanyang ginampanan sa prima donna
Munting lawiswis na lupaypay 't mahina
Nang lumaki'y diwata sa encantadia

Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa
Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama
Madalas ay namumugto ang mga mata
Kapag nasisilayan s'yang lumuluha

Huwag sana pabugso bugso't pabigla
Ang tibo niyang pangungusap at banta
Sapagkat nababagha't natutulala
Damdami'y pinamumugaran ng kaba

Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga
Isang paraluman na ang kiyas 'y siga
Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya
Pinakamatapang na lahing Claveria

Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya?
Sapantaha ko ay magalang na bata
Binibini at dalagang Filipina
May puring Perlas ng Silangan ng Asya

Lingid sa kamalayan nang napahanga
Sa kanyang angking galing bilang artista
Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa
Sa makabagong tinikling, siya'y reyna

Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya
Harap 'y pangarap na sinasalubong pa
Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara,
Kumikinang at nagbibigay pag-asa
kingjay Dec 2018
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan
Nang nahulog sa bangin ng nakaraan
itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan
ang maiksi na lubid na pinanghahawakan

Kumikinang na perlas ng silangan
namumukod-tanging mutya sa dalampasigan
Nang makatakas sa karagatan
Di na bumalik sa kinagisnan

Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan
Ang liham nito'y kanyang huling alab
Yugto ng masamang pangitain
kung kailan dadapo ang mga paniki

Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim
Sa walang pakundangan pugon
Nagliyab ang lunggati ng pangangalit
Marahas na pagbati nito ay pasakit

Ang simpatiya ay kumukupas
Sa trahedyang sumira
Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay
Walang paghikbi sa kapaligiran
Labis na kasawian
Marge Redelicia Jun 2014
Unti-unti ko nang nararamdaman
Ang ginaw na napapawi.
Buksan mo ang iyong mga mata
At tingnan ang madilim na kalangitan!
Mabagal man pero masipag itong
Sinasakop ng Liwanag sa mga kulay niyang
Dilaw
Pula
Bughaw
Puti.

**Naniniwala ako
Na sa ilan na lang saglit
Sisikat din ang araw
Sa Silangan muli
Western world, now it's our turn.
kingjay May 2020
Malamig na ang hangin
Na dumadampi sa pisngi
Ang usok na umiimbulog
Sa langit
Ay lumalamlam na sa paningin

Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw
Sa tula na ginawang awit
Ay di na naririnig

Ang pagkalugami sa nakaraan,
Ang bakas ng kahirapan
Ay di na nagpapaligalig,
Nagpapasimangot nang magunita sa sandali

Kung noon sa bawat araw ay masigasig,
Sa kinabukasa'y nananabik
Di na ngayon
Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling

Ang nagpupuyos na liwanag
Sa dakong silangan
Na dati'y mainam pagmasdan
Ay nakakasilaw

Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan
Ay isa na na tanawin
Para sa kagalakan ng kaluluwa

Ang unos at karimlan
Pag nasa luklukan
Ay isa lamang pangkaraniwan
Pag may lampara
Na hindi ka iiwan
Masarap mabuhay sa saya't kapighatian
sa kasaganaan at kahirapan
sa kawalan ng pag-asa
sa hilahil
sa nakaraan
sa kinabukasan
sa hinaharap
Mark Coralde Aug 2017
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal
Na kay raming gustong sabihin
Ngunit di masabi sabi
Pagkat hanggang sulyap nga lang sila
Isa, dalawa, tatlo
Ikaw
Oo ikaw nga
Ohp ohp oho
Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa
Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo
Yung tipong
Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro
Tapos ngayon mahal na pala kita
Lungkot sa aking mga puso
Sana'y matapos na
At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso
Para sa ganun ako ng iyong pansinin
Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo
Sulyap lang ayos na
Kasi ang masilayan ka sa araw araw
Buong maghapon ko ay kumpleto na
Pasalamat ako sa Maykapal
Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe
Mensaheng aking ginawang tula
Tulang aking inaalay para sayo
Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW
Simulan ko na ba?

A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y
BA- balang araw ika'y makapiling
KA- kaso mukhang wala yatang pag asa
DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga
E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita
GA- ganito sana tayo ngayon kaso
HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon
I- iibigin kita hanggang sa huli
LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko
MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y
NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa
NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang
O- oo mo'y akin ng makamtan
PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang
RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi
SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man
TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo
U- umuwi man ako ng luhuan ngayon
WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang
YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong

Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun
Ngunit sana iyo man lang naintindihan
Gayunpaman itong aking huling sasabihin
Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man
Na ito!
Itong lalaking nasa iyong harapan
Umulan man o umaraw
Kumulog at kumidlat man
Daanan man ako ng matinding unos
Isa lang ang sinisigaw ng puso ko
Yun ay "IKAW"
070221

Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran
Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban
Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman
Sa mga taong naghahagilap ng katotohan.

Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian?
Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag?
O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan?

Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin
Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag
Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating.

At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang,
Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin
Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas.

Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas?
Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian
Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
Ako lang naman yaong hamak na kapuluan
Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan
Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan.

España, me todavia en tu memoria?

‘Di ba’t hindi ako ang marapat na sadyain?
Ika’y nagkamali sa dinaungang lupain!
Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin?

España, me todavia en tu memoria?

Ano bang nasilayan at ako’y binihag mo?
Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko
Bininyagan na maging Romano Katoliko.

España, me todavia en tu memoria?

Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan
‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan
Na kay Allah ay tali na noon pa man.

España, me todavia en tu memoria?

Tatlong daan, tatlumpu’t taong alipin
Dugo’t laman ko’y pinagpumilitang bigkisin
Sa kultura’t kamalayang dayuhan sa akin.

España, me todavia en tu memoria?

Ano bang taglay mo’t nagtiis din sa’yo?
Mga dantao’y inabot bago napagtanto
Pag-alpas na marapat mula paniniil mo!

España, me todavia en tu memoria?

Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan
Ako’y isa lang pala sa’yong anak-anakan
Na sa kapangyarihan mo’y nakipagkumpulan.

España, me todavia en tu memoria?

Ngayon ay isandaan at sampung taon narin
Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin
Pero siguradong ikaw ay nandito parin.

España, me todavia en tu memoria?

Bayani kong si Rizal sa’yo ay nagtungo
Upang ipabatid ang aking panlulumo
Wika mo’y inaral ngunit balewala sa’yo.

España, me todavia en tu memoria?

Ngayon ako naman kung nais maunawaan
Ang tulang ito na sa’yo ang patukuyan
Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan.

España, me todavia en tu memoria?
España, ako ba’y nasa iyo pang gunita?

-08/01/2008
(Miagao)
*for PI 100 under Sir Sansait
My Poem No. 31
Ang lalim ng 'Yong pag-unawa'y
Higit pa sa mga nakapilang karagatang
Nagsasapawan patungong Silangan at Kanluran.
Umaapaw ang 'Yong pagkalingang walang ibang nais
Kundi ibuhos ang 'Yong katapatan sa aking kakulangan.

At gaya nga ng mga ibong walang sawang sumisipol,
Ay gayundin naman ang 'Yong pag-ibig
Na hindi ko mabigyang pamagat
Gaya ng mga tulang kinakatha ng puso't pag-iisip.

Sa bawat bigkas ng bibig,
Sa bawat tuldok na simula ng pagguhit,
Sa bawat pintig ng pusong tanging Sayo ang papuri..
Ikaw at ikaw pa rin ang hihintayin,
At malaya kong ihahagis ang mga kamay sa ere --
Kung saan ang langit ay panandaliang masisilayan.

Maghihintay sa araw ng paghayag ng liwanag,
Ang boses **** sa mga letra lamang nabibigyang-buhay
Ay balang araw ding hehele't magpapatikom
Sa mga armas ng kadiliman.
At balang araw, masasabi ko ring,
"Nagbunga ang paghihintay."
36 Subalit ang binata
Ikakasal na pala

37 Sa babaeng taga-Silangan
Lugar na kanyang tinitirahan

38 Ang hindi lang niya alam
Dalaga’y isang mangkukulam

39 Kaya isang araw nang malaman
Na sa iba ang puso nakalaan

40 Hinanap ang karibal na babae
At kinulam ire

41 Katakut-takot na mga pantal
Ang kay Pina bumalabal

42 Mahal parin siya ni Ihib gayunpaman
Maging anuman ang kaanyuan.

-07/07/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 162
22 Isang araw na itinadhana
Nagtagpo si Ihib at si Pina

23 Nang sila’y pumaroon
Sa dalisdis ng bundok na iyon

24 Ang binata’y sa silangan
Ang dalaga’y sa kanluran

25 Inihanda ng lalaki ang bato
Inihasa ng babae ang palaso

26 Sabay nilang pinalipad
Sa inakalang ibong napadpad

27 At pagbulusok ng saranggola
Sa kinabagsakan nito’y dali-dali sila

28 Iyon ang unang pagkikita
Nina Ihib at Pina.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 160
Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama
Tagapaglikha ng tao, langit at lupa
Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga

Kailan Mo po diringgin
Ang sampung taon ko nang panalangin?
Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin?

Kayraming tao sa mundo ang sadya **** pinagpala
Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera
Subalit kanilang ginamit sa mali at masama!

Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin
Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin
Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain

Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka?
Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa?
Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana!

-06/27/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 370
1 Ang mag-uuling na si Alyna
Bahid man ng itim, ang kutis sutla

2 Ipinaglihi sa labanos itong binibini
Kaya ang balat ay napakaputi

3 Subalit mukhang hindi bagay
Kung saan siya nakalagay

4 Araw-araw nagsisiga
Ng mga kahoy at sanga

5 Nagbabagang kahoy hinihintay
Na ang apoy ay mamatay

6 Iyon ang tanging kabuhayan
Nitong dalaga ng silangan

7 Tuwing dapit-hapon
Mga uling pinupunpon.

-07/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 169
"Nandito ako"
"Hindi kita iiwan"
"Susuportahan kita"
"Nagtitiwala ako sayo"
"Kayang-kaya mo yan!"
"Laban lang!"

Paulit-ulit kong sinasambit sa'king sarili nang pabulong,
Tila nagdarasal ngunit ang totoo'y
Hindi ko na rin alam kung hanggang saan pa ba ang dulo.
-------------

Wala na naman akong laban sa ihip ng hangin,
Sa ihip ng panahon.
Wala na naman akong laban
At ang buo kong pagkatao'y
Kusang dudungaw sa aming bintana,
Hahagilapin ang araw,
Nasaan nga ba ang Silangan?

Gagayak ako nang walang patumpik-tumpik,
At sasabay ang agos ng tubig sa bawat butil ng aking luha,
Para bang humihinto na naman ang oras.
Walang kasiguraduhan na naman ang araw na ito.

Araw-araw ay nag-aayos ako ng uniporme ko,
At ayun, magbibilad sa initan gamit ang aking lumang motorsiklo.
Kukunin ang selpon sa aking bulsa, magpapa-load
At maghihintay ng sandamakmak na mga utos.

Minsan, napapagod ako
O sabihin na lamang nating madalas,
Na sa bawat pintuang kinakatok ko'y
Daig pa ako ng nangaroling
Sa bilang na mga baryang iaabot sa'kin ng tadhana.

Minsan iniisip kong
"Ganito na nga lang ba?
Paano ang bukas?
O may bukas pa nga ba?"

Minsan naman, nakaririnig ako ng masasakit na salita
Pero minsan parang mga bala na lamang itong
Hindi tumatagos sa aking ulirat,
"Manhid na nga ba ako?
Sabihin mo, Tadhana."

--------

Pinagmamasdan ko na naman ang mga kamay ng orasan
Kanina pa o hindi ko na malaman
Kung kelan yung huling "kanina,"
Naghihintay ako ng saklolo,
Kasabay ng huling kumpas ng mga kamay
Ng naiiwan kong kaibigang de-baterya..
"Dito na lang ba magtatapos ang lahat?"

Nagbibilang na lamang ako ng oras,
Ng hininga
At baka hindi na nila ako maabutan,
At doon ko huling nasilayan ang mga aninong iyon,
Wala na akong maintindihan..
Wala na akong marinig pa..
*Ito na marahil ang huli.
Hindi pa huli ang lahat,
Kaya mo pa --
Kaya pa natin.
Ituloy ang laban; ituloy mo lang.
Pangako, magtatagumpay tayo..
Kapit pa, kaibigan!
Bryant Arinos Feb 2021
Ikaw ang araw na nagiging dahilan ng pagbangon ko
Ang gumigising pagtapos masilayan ang madilim na tanawin sa pagtulog ko
Ang kasabay ngumiti ng liwanag na sumilisip sa aking bintana
At ang simbolo ng kagandahan tuwing umaga

Kung tutuusin ay inggit ako sa ulap at kalangitan
Sila ang lagi **** kasama at nahahagkan
Tila sila ang nagbibigay sayo ng hinahanap **** ligaya
Habang ako nama'y kahit titigan kay hindi kaya

Laking pasalamat ko sayo reynang araw
Dahil ikaw ang gabay ko sa aking paglakbay
Ang nagmistulang lampara sa daanan ko tuwing gabi
At ang kahalili ng buwan na sinasamahan ako tuwing walang katabi

Mahal kong Sol, kapag dumating ang araw na ika'y pagod na
Kapag ang iyong init ay di ko na nadadama
At ang sarili **** liwanag ay magtatago na sa likod ng kawalan
Maaari mo ba akong balikan at muling hagkan?

Kung di man dumating ang umaga na ikaw ay umahong muli
At maipakita sakin ang kagandahan **** natatangi
Maaari bang silipin mo pa rin ako at gabayan?
Kahit nagtatago ka na lamang sa likod ni luna kapag sa gabi siya'y nakaharang

Di na rin naman natin malalabanan ang panahon at tadhana
Kaya kung dumating ang oras na ika'y napagod nang lumutang sa mula sa silangan
Ako'y mananatiling kakaway sa mula lupa
Habang ninaais kang pagmasdan kahit na silaw na sa inyong kagandahan

Huwag mo sanang ipagkait sa akin tuwing umaga ang napaganda **** ngiti
Gisingin mo pa rin ako nang may tuwa at galak sa aking mga labi
At bigyan ng init sa tuwing uulan at lalamig
Dahil yan na lamang ang matitira kong alala mula sa iyong pag-ibig

Sol, wag ka sanang mapagod na ipakita ang iyong liwanag
Hayaan **** samahan ka ng mga kaibigan **** ulap
Takpan man nila ang natatangi **** tanawin ng sanlibutan
Alalahanin mo sanang mayroon pa ring ako na naghihintay sayo sa ilalim ng kalangitan.
Eugene Oct 2018
Alaala mo sa Tag-araw

Kay bilis lumipas ang mga araw na nagdaan
at sumapit na naman ang buwan ng tag-araw.
Buwan kung saan ipinangako kong hindi ka iiwan,
Pero, alaala mo sa akin ay hindi ko mabitaw-bitawan.

Kay sakit alalahaning ikaw ang unang nang-iwan,
nang iyong malamang ako ay dukha lamang.
Kay hapdi sa damdamin ang mga katagang iyong binitiwan,
na magpa-hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa aking puso at isipan.

Ipinaintindi ko sa iyo ang aking kinalakihan
na ang buong akala ko ay iyong maiintindihan.
Ipinakita ko sa iyo kung gaano ako kasaya kahit na maralita lamang,
Subalit, pakitang tao lamang pala ang lahat ng ugali mo sa aking harapan.

Tinanggap ko ang galit ng aking magulang pagkat hindi ka nila nagustuhan.
Isinantabi ko ang pangarap ko at sinuportahan ka sa iyong kaligayahan.
Pero bakit kay dali lamang sa iyong ako noon ay pakawalan?
Sinayang mo ang limang taon na ikaw at ako ay nagmahalan.

Ngayon... tag-araw na naman; at dito sa dalampasigan
kung saan sumisikat ang araw sa silangan,
Ay binitawan mo ang mga salitang 'ang mahalin ka ay isang pagkakamaling habambuhay kong pagsisisihan'.
Ako'y iyong tinalikuran, ni hindi man lamang ako nakasagot o nakapagpaalam.

Ibubulong ko na lamang sa hangin ang aking kasagutan
na minahal kita nang buong-buo at tapat na walang pinagsisihan,
Pero kinakailangan na kitang pakawalan sa aking puso at isipan.
Ito na ang huling tag-araw na alalahanin pa kita sa dalampasigan dahil magsisimula na akong bumuo ng mga bagong alaalang wala ka na sa akin magpakailanman.
Malarosas **** labi't matamis **** ngiti,
Maari bang masilayan ko sa bawat sandali?
Ang sining ng kagandahan **** walang kapantay,
Maari bang pagmasdan ko habang buhay?

Sa bawat minuto, bawat sandali,
Makapiling ka o sinta ay ang aking mithi.
Kung maari maialay sayo ang tala at buwan,
Madama mo lang ang pag ibig ko sayong walang kariktan.

Walang hanggan, magpakailanman..
Sa pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran..
Sa isipan ko'y ikaw at ikaw lamang
Ang puso ko'y sayo't sayo lang ilalaan.

Malabis man hingin ka sa maykapal
Hindi mag aatubili pagkat ikaw ay aking mahal..
Na sana ikaw ang ulan ng langit at ako ang lupa ng mundo.
Mahulog ka man ay ako't ako ang siyang sasalo.

Ngunit kung hindi mo kaligayahan ay hindi ipagpipilitan,
Hindi dadamhin kahit iyo mang masaktan..
Mahal kita ibig ko lang iyong malaman..
Kahit pa itong sandali ay iyo ng paalam.
Ito yung unang tula na nalikha ko para sa isang babaeng minamahal ko ng lubusan.
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan
Mula sa bagyong dito ay dumaan
Kapani-panibago ang tanawin saanman –
Ang bundok sa silangan at sa kanluran
Maging ang natatangi naming simbahan
At iba pang malalayong kabahayan
Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan

Sapagkat mga puno ay kinalbo niya
Marami rin dito kanyang pinatumba
Mga poste ng kuryente ay kasama
Mga palayan ay naging dagat na
Ilog ay halos umapaw sa kalsada
Kahit malalaking bahay ay giniba
Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!

-11/09/2013
(Dumarao)
*due to super typhoon Yolanda that hit our town
My Poem No. 232
JOJO C PINCA Nov 2017
ano, wala ba d'yan sa silangan?
baka naman kailangan **** galugarin ang kanluran.
kung wala pa rin abay gaygayin mo ang timog tapos pasadahan mo na rin ang hilaga, h'wag kang tumigil tawirin mo ang karagatan at liparin ang kalawakan mas maganda kung lilibutin mo na rin ang kalupaan pati na ang disyerto para lang ito makita. kung hindi pa sapat ang lahat ng ito baka panahon na para ka magpahinga. umupo ka kaya muna sa isang tabi damhin mo ang katahimikan ng gabi. bakit hindi mo buksan ang silid ng iyong puso baka nandun lang sa loob nito ang matagal mo nang hinahanap.
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na
Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa

72 Sinang-ayunan naman iyon
Ng magkabilang nayon

73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan
Mga paniki naman sa kanluran

74 Isang kasalan na kakaiba
Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga

75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin
Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din

76 Malaking piging mula magkaibang sulok
Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok

77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila
Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa.

-07/12/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 168
kingjay Dec 2018
Lulan ng balangay ang pumpon ng bulaklak
Ibibigay sa kanya
Sadyang dinamihan para hindi kaya tumangan ang lahat
Lohika ng pag-iirog ay malayo sa ekwasyon

Maaliwalas ang alapaap
Minsan ay mapupuna na nababalisa sa ibaba
Ito'y taytay sa mahiang dako
at sa malungkot na pandanggo

Sinaunang tradisyon ng itong bayan
Ang alay ay dote at paninilbihan
Upang ipakita ang sinseridad
Kahit di man paakyatin ng hagdan,
magnilay-nilay sana sa durungawan

Ang pagsinta ay naiiba
Sa karurukan ng adhika ay yari
Ang nanunuksong salamangka para sa tataw ay iwawaksi
Di kayang magdesisyon sa tudlaan ng palaso

Ruta na mula Silangan pakanluran
Napapagod na ang loro
Lumubog na ang balintataw
dahil sa pinalaya ang pag-ibig
Naging manhid sa aktwal na  dula
Ang pagganap ay isang pagpapahirap
kingjay Dec 2018
Sa kubo na giba-giba ay nagbuntong-hininga
Nakatigil ang tanaw sa museo ng damdamin
Sinasaliwan ang kaganapan
Umuugnay ang mga pangyayari

Mabini dumaan sa bangkete
Dali-dali na binigyan ng upuan
Lahing kayumanggi ay di-palatandaan
Tanyag sa bansag na "Pamilya ng Perlas ng Silangan"

Isalin ang buhay sa ibang anyo ngunit di ang nararamdaman
Diyosa ng kagandahan ang kahawig ng minamahal
Maigsi ang oras ng pag-ibig
Natutuliro nang walang hanggan

Nang una malapitan, pisngi ay naging krimson
Naasiwa tumingin sa mga mata
Kailan nagsimula ang pag-ibig?
Nais sana ito'y sambitlain

Gaya ng mayuming baro't saya,
Ang alindog ay mahirap iwasan
Hinibo ang isip pati kaluluwa
Nang wala na sasagip sa pagkaalipin ng kanyang kamunduhan

— The End —