Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sidhi" poems
Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang Ang buhangin ay hindi sa bulag Sa mga mata ito ay puwing Mga alikabok at abo ng pangarap na durog at pira-piraso Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi Kung pagmasdan parang alitaptap Kahulugan nito'y munti sinag niyang katiting Sa tag -araw ay uulan ng mga butil na panalangin Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin Dadalhin sa sementeryo at ang lagusan nito ay walang himig Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 5:40 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim
Binagtas ang rumaragasang ilog Tubig sa leeg ay lampas Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan kahit nagsitaasan na parang alon -makupad nang umahon Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba Doon nagpasyang humimpil Di muna bumalik ng tahanan dahil ang sidhi ay di masupil, ang sakit ay di matigil Sa kapanlawan ay tumambad sa isip ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan Paano kung sisimulan sa katapusan Masaliwa ang lahat na nagdaan Kung makukuha ang pintuho ng paraluman na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan ay doon lamang magkaroon ng tiwasay Bago ang kulam Gustong isiwalat ang talambuhay para lalo watasan Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang kung sino ang ihuhukom sa hangganan
0
Jan 3, 2019
Jan 3, 2019 at 5:16 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #41
Many mornings now, as day opens its sky eyes to early sunlight, Silence pervades all that I am, or might ever want to be. Speaking is natural, and life goes on, but for the tug on my heart, to go deeper, ever deeper into the ocean of silence. Ancient lands of my ancestry are calling me to come home now and be near the sea. My own sea, salty and blue, red rocks plunging into stormy union with ultramarine. Be that I was selkie, I was mermaid, I know these places where I lived and loved, breathing underwater in perfect, silent freedom. Perfection, a sidhi, might be, to live as a sadhvi selkie. Knowing timelessness through ancient, silent wisdom, feeling, loving, living and swimming in unboundedness.
0
Oct 1, 2015
Oct 1, 2015 at 11:54 PM UTC
Heart of a Sadhvi
hindi ko malaman kung saan papunta ang pinili kong daan hindi ko mawari ang sidhi at ang pag-iisip kong hati bakit kailangang pumili? saan? tangan ramdam, saktan sinubukang umikot sa eskinitang baluktot kailanma'y 'di ko malilimot na doon ko nakita ang sagot
0
May 9, 2015
May 9, 2015 at 12:33 PM UTC
Daluyan