Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sasakit" poems
Handa ako sa mga titig **** magpapabilis ng aking puso, Sa init na hatid ng mga yakap mo, Sa halik **** magpapatigil ng aking mundo, At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo. Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa, Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka, Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa, At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama. Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan, Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan, At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan. Pinaghandaan ko lahat ngunit… Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig, Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti, Ang pagdalang ng iyong lambing, At ang unti-unti **** paglayo saakin. Di ako handa sa tuloyan **** paglisan, Sa paglimot ng boses na nakasanayan, Sa pagtapos ng ating sinimulan, At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan. Sana una palang hinanda ko ang aking sarili, Sa posibilidad na ika’y di mananatili, Na hiram lang pala ang bawat sandali, At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:30 AM UTC
HANDA (tagalog)
oo nga eh, nakakapagod. masakit 'di ba? hindi lang ikaw. 'wag kang hahanap ng dahilan para sumuko marami na ang nagtagumpay at nakasulat ang pangalan mo sa talaan ng mga susunod pa asahan mo na mas lalo pang hihirap mas lalo pang sasakit ngunit tumayo ka d'yan dahil...                                                                                                     kakayanin mo!
0
Feb 27, 2019
Feb 27, 2019 at 9:02 AM UTC
tumayo ka d'yan
Bawat huling yakap mo'y katumbas ng sampal, mga huling halik ng labi mo'y tila latigo ang lapat 'Di alintana ang tawanan nila't pangungutya; Walang higit na sasakit pa kaysa pagtalikod mo't palayong paglakad. Bawat hakbang mo'y nadarama ang pagbigat nitong puso, mga yapak **** dahilan ng makailang dapa at pagkahulog. 'Di na pinapakinggan mga sigaw nila't 'di mapunasan kanilang mga dura; Walang higit na nakakahiya pa kaysa pagtanggi mo sa akin sa harap nila. Bawat kasinungalingan mo'y pako sa aking kamay, mga kasakiman mo'y pako sa paa naman. 'Di na alintana ang hapdi at uhaw, 'di na hihintayin pa aking huling hininga. Walang higit na kamatayan kaysa paglayo mo't paglisan.
0
Mar 29, 2024
Mar 29, 2024 at 7:58 AM UTC
Viernes Santo
kung ito man ay dagundong ng marubdob na panaghoy tiyak din ay pabulong paghuhumiyaw nang walang saysay siguro'y pagsusuka ng mga salitang walang kabuluhan; pagaaksaya ng mga pariralang parang sitsiryang walang sustanya mainam din namang makapaghayag ng saloobin kahit paminsan-minsan ako'y halang at hangal huwad at duwag isang palalong inutil na manlilinlang tuod, tulig, nakukultang utak at bibig na pugad ng kasinungalingan kung may sasakit pa na ako'y sunugin, mainam ding ako'y balatan ng buhay, hubad na ibilad sa kahihiyan at panatilihin akong humihinga pa rin. pakiusap, gawin mo ito ng paulit-ulit hanggang sa ika'y manawa upang kahit paano'y maramdaman ko ang sakit na idinulot ko sa iyo at huwag na huwag kang maaawa dahil ang kapatawaran sa akin ay karanyaang hindi dapat naisin at panalangin kong pabalang na buhay ko'y kitilin na lamang, ngunit sa taong tulad ko, maging parusang kamatayan hindi sapat alam kong pagbabayaran ko ito ng malaki dahil hindi kita sinuklian ng mabuti kaya't marapat lang na ito'y aking pagdusahan binigo kita, babaeng pinakamamahal ko at hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung pahinulutan sana ng Maykapal na kahit huling saglit ay maibalik, batid kong imposible man din, mahal na mahal na mahal pa rin kita
0
Oct 19, 2016
Oct 19, 2016 at 3:27 AM UTC
Untitled
di ko alam kung ano ba ang mga salitang gagamitin para lamang maniwala ka sa akin di ko alam kung paano ka kukumbinsihin na ako na ay patawarin paano ko ba sisimulan na suyuin ka kung ikaw mismo ayaw ng magpakita di kita masisisi sapagkat ako naman ang nagkamali nagkamali ako na di ka naipaglaban dahil sa aking kaduwagan ang pag-iwan ko sayo ay wala nang mas sasakit pa dahil mahal ang hirap para sa akin na lisanin ka kung iniisip mo na masaya ako nagkakamali ka mahal ko hindi lang ikaw ang lumuluha hindi lang ikaw ang nasaktan dahil triple pa nang nararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi na sapat yung pagmamahal ko para samahan kang labanan ang mga pagsubok sa relasyong ito di mo kailangan ng duwag na gaya ko ang kailangan mo ay yung taong kaya kang ipaglaban hanggang sa dulo KAYA MAHAL PATAWARIN MO AKO MALAYA KA NA ITO ANG MASASABI KO MAHAL KITA PERO DI AKO ANG KARAPAT-DAPAT PARA SAYO
0
Aug 27, 2018
Aug 27, 2018 at 2:24 AM UTC
Patawad
Ang nanatili ay kalungkutan Ang nanatili ay ang pait Ang duda, ang sakit Ang kutya, ang kirot Wala nang mas sasakit pa Sa pakiramdam ng pagkakulang Sa pagiging hindi sapat Sa lahat Ang nanatili ay ang takot Sa bukas na may muling pang-uusig Sa mga pagkakamali At muli, sa kakulangan Ang nanatili ay wala Dahil ang pinili ay hindi nanatili
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:59 PM UTC
ang nanatili