Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Euphoria Jan 2017
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.

Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.

Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan

Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.

Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta

...

Kaya ako na  ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.

Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.

Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.

Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.

Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.

Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.

Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."

Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.

Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.

Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.

Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.*
Ito na ang huli kong paalam.

-41-
This is the last poem I'll write for you for we will never have our goodbye. We were connected in a level unknown to us. We understood without words. Thanks for the memories.
AKIKO Jul 2017
Paka-isipin ang bawat salitang sasambitin
Bigyan ng pansin ang aking damdamin
Hindi mo man pansin sa isang minuto lang masaya kong araw ay natakluban na ng lumbay
Dahil sa prangka **** bibig
Na makabasag araw!

Sa buka ng bibig
Tagos sa puso't isip
Sabay sayong halakhak ang aking pagtangis
Sana'y pinag-isipan ang bawat letrang binitawan
At sana'y batid mo na ako'y nasaktan
At makulay kong araw ay
lumisan na ng tuluyan

Magandang samahan ay
Inagus na ng luha
Patungo sa pusong may patlang sa gitna
Sanhi ng iyong salita
Na tumusok sa gitna
Ng aking pusong noo'y banal
At buo pa ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya

Ngayo'y ikaw pa ang galit
at ako pa ang sinisi
Winika mo pa na akoy sensitibo't
Madaling masaktan
Gayong ikaw ang may kasalanan
At maysanhi ng aking kalungkutan.
Samahan ng isip ang bawat salitang nais sabihin.dahil hindi lahat ng tao'y katulad **** may matigas na puso at paninindigan.
w y n n e Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** maiiyak ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load pero syempre biro lang hindi ka naman nagpapaload, expired na pala sim mo kasi isang taon ka ng hindi nagpapaload
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
Nagsimula ang lahat sa kanta
Sa kanta na nagsilbing tulay sa'ting dalawa
Na parang tubig at langis-
Sa wakas nagsama

'Di inakala na magkakaganito
Dahil wala naman talagang pagtingin sayo
Ni hindi nakitang magiging magkaibigan
Hanggang nagkaroon ng tiyansang baka pwede ng walang hanggan

Walang hanggan na paguusap
Walang hanggang pagtatawanan
Walang hanggang pagiintindi ng mga
Tingin na hindi alam kung ano ang sinasabi

Pero tila takot parin
Ang pusong napagod sa mga sakit
Na idinulot ng mundong mapait
Takot makaramdam, tumibok

Sumubok ng bagay na hindi sigurado kung saan patungo
Na baka isa na namang patibong
Na kukulong sa isip kong lunod na lunod na
Sa mga kathang isip at imahinasyon

Kaya hanggang dito na lang muna siguro
Pipigilan ang mga ilusyon at delusyon
Na sisimilan na namang gawin ng puso
Para kahit hindi matupad ang salitang "tayo"
Mananatili parin akong buo kahit papaano
w y n n e Dec 2016
26
Ilang oras na akong nagsusulat
Ilang tinta at papel na ang nasayang
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso
Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay
Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba
Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi
Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya
Ano pa ba ang dapat gawin?
Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo?
Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin
Hindi ko alam kung ano at paano
Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan?
Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit?
Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa
Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na
Wala ng dahilan para magpatuloy
Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat
Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan
Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo
Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon
Hayaan ang sariling humilom
Hindi ko alam kung gaano katagal
Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito
Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya
Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya
Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
Patawad.
Sa mga salitang sinabi ko,
mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko
mga salitang hindi sigurado ng puso ko

sinabi kong magiging malakas ako,
sinabi kong ayos na ko,
pero hindi ako ganun kalakas
di ako ganun ka ayos
at nalaman ko,
nalaman ko na,
hindi pala naghihilom ang sugat ko

Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo
nagpupuno ng pagkukulang ko,
Sino ako?
Sino ako para humarang sa kasiyahan mo.
Hindi ako hahadlang sayo.
Alam kong kabaliwan ito,
sana pagkatiwalaan mo
kung ito ang dapat
akoy maglalaho.

Kung tama na ang nararamdaman,
gawin mo ang yong gusto
Dahil hindi ko isisi sayo
na ang pinili mo ay hindi ako

Mahal masakit pa
Pero kung meron ng ibang nagpapasaya
pinupunan nag pagkukulang ko ng iba
Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ?
Kung ito man ang aking nadarama,
hindi mo na ito problema
dahil kung meron ng ibang nagpapasaya
Hindi ako papagitna.

Kung may pagkakataong may magtanong
kung sino ka.
sasagutin ko.
Dating Kakilala.
Dark Dec 2018
Alam mo ba ang tunay kung nararamdaman,
Mga galaw mo na kaya akong saktan,
Tapos hindi mo alam,
Lahat ng sakit kinikimkim ko,
Para lang di mo lang ako masabihan ng walang tayo.

Sasabihan mo rin ako ng bakit ka ba ganyan dinaman kita jowa,
Ang sakit sobra,
Kaya lahat ng nararamdaman ko dinaan ko sa tula,
At sinasabi ko sayo lahat ng tula ko para naman matamaan ka.

Ang manhid mo grabe,
Hindi ko na alam ang gagawin,
Sinabi ko na sayo lahat ng ibig sabihin ng mga tula ko pero wala parin,
Alam mo bang yung pahanon na may kahawak kamay ka,
Nag selos ako pero sino nga ba ako para maramdaman yon.

Nasasaktan ako lalo na sa mga pinagsasabi mo,
Yung mga salita mo na parang kutsilyo na tinutusok ako,
Nag sabi ka ng I love you,
Pero hindi pala totoo.

Bakit kailangan mo pang sabihin?
Yung salitang kaya ako paasahin,
Kung hindi naman sa puso mo nanggaling,
Ang sakit isipin lahat pala yun ay hanggang pang kaibigan lang pala.

Sinabi na nila sayo na nasasaktan ako deep inside,
Tas ikaw tumatawa,
Ano yung feelings ko clown para pagtawanan mo,
Ang sakit sakit na.

Hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero nasasaktan na ako,
Hindi ko na kaya,
Sana wag dumating yung araw na aalis ako,
Kung saan sa huli mo lang narealized ang lahat nang sinasabi ko sayo.

Sana dumating yung araw na pagsisihan mo yung pag alis ko,
Pero sino nga ba ako para sayo?
At bakit kailangan mo pang pagsisihan ang pag alis ko,
Isang hamak na kaibigan lamang ako.

Sana rin dumating yung araw na hindi ako aalis,
Kasi may tayo,
May ikaw at ako,
At yun ay isang panaginip na imposobleng mangyari.
HYA Jan 2018
Sa segundong tinatapos ng araw
Ang iyong mga ngiti ang aking sinisigaw
Humihingi sa kapalaran ng iyong pagpapahalaga
Habang nauubusan ng mga salitang maaaring maitugma

Sa mga sariling panaginip na aking binubuo
Na kahit ang aking utak ay patuloy na nalulumpo
Mga tawang kahit sa iba mo na inilalahad
Waring ang melodiya ay napupunta sa aking palad

Ngunit sinta, parang ayaw ko nang sumulat
Kung parati ko nalang nalalasahan ang tipik na maalat
Ang plumang hinahawakan ay nauubusan na ng tinta
Ayaw lumabas sa kaniyang lungga kaya ako ay kanyang binabanta

Saad ay tapusin na ang pagsusulat
Ng mga aninong nasosobrahan sa pagiging tapat
Iyong pagpapahalaga, iyan lamang ang hinihingi
Subalit, mahal, bakit parang ikaw ay nabibingi

Ayaw ko nang sumulat, nakakapagod na
Nauubusan na yata ako ng mga parilala
Na maaaring maitugma sa mga karanasan
Na pinipilit ng aking nakakaumay na imahinasyon na balikan

Tapos na, hanggang dito nalang ito
Sa dami ng mga piyesa, ikaw ang laman, ikaw ang itinuturo
Kaya, mahal, ayaw ko nang sumulat
Kung ang aking tinta ay nagiging kasing kulay ng dugo kapag napupunta sa iyong balat
ayoko naaaaaaa
INSPIRATION PLEASE. PLEASE. PLEASE.
katryna May 2018
Wednesday, February 28, 2018
5:43 PM

Sa panahon ngayon uminom ka ng maraming salitang "mag ingat ka".
Dahil sa mundong ginagalawan mo hindi ka sigurado.

Hindi ka tiyak sa mga makakasalubong mo at lalong hindi ka tiyak sa seguridad mo.
Tao ka lang at di imortal na may kapangyaring i time machine ang nakaraan, kung sakaling bawiin na ito.

Hindi ka mutant na kayang patigilan ang mga taong may masamang balak sayo.
At lalong hindi ka super hero para di tamaan ng mga balang hatid sayo ng mundo.

Hindi ka si superman na may kakayahang hindi makaramdam ng sakit.

Na kung sa panong paraan, hindi ko 'yon alam.

Tama na ang pagpapanggap.
Hindi kana tulad ng dating matibay.
Kasi matibay ka lang.

Hindi kana tulad ng dating malakas para sabihing kaya mo ang lahat.
Kasi kinakaya mo lang.

Para kang si joker na kahit nakasimangot may malaking ngiti parin sa labi.
Pinapaalala ko lang sayo,
hindi lahat ng tumatawa ay masaya.

Hindi kana bata para sa tuwing iiyak ka ay may handang sumaklolo para pawiin ang lungkot mo.

Hindi din mapa ang makakapagsabi ng lugar kung saan ka dapat magtungo, bagkos hanapin mo ito.
Tulad ng isang batang nawawala,
Sabik at handang tanawin ang bukas.
Hindi para tumakas kung hindi para hanapin ang lugar na magpapasaya sayo.

Hindi lahat ng tao ay totoo, iba ay balatkayo.
Hindi ako sigurado sa paghakbang mo kasama ako ay hindi ko masusugatan ang mga paa mo.

Kung ako ba ang makakapag pahilom ng sugatan **** pagkatao.
Kasi tulad mo duguan din ako.
Hindi ko 'yon masisigurado.


Kaya uulitin ko sayo,
Sa mundong ito,
Inumin mo ang salitang
"mag ingat ka".
katryna Mar 2018
Kung bibigyan ako ng pagkakataon,
Magsusulat akong muli.

Kung saan hindi ko pa ramdam ang sakit,
Kung saan hindi ko pa ramdam ang pait,
Kung saan masaya ang umpisa at masarap pa ang huli.

Kung saan buo pa ang sarili at wala pang pilas ang pagkatao
Kung saan ang lahat ay umiikot pa sa ating dalawa.

Isusulat kita,
Paulit ulit kong isusulat ang ilang berso ng ating kwento
Dalhin man ako sa malayong pinagmulan nito,
O dalhin man ako sa masakit na katotohanan nito.

Isusulat ko pa rin ng paulit ulit ang mga kwento natin,
At patuloy kong babaguhin hanggang ang lahat ay maging tama.

Sa paraang gusto ko,
Sa paraang maisasalba ko ang salitang "tayo".

Kahit parusahan man ako ng mundo,
Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.

Hindi man alam ng mga tao,
Hindi man ako pagbigyan ng puso nyang mahalin ka.

Ilayo ka man nya,
Lumayo man kayo,

Uulitin ko ang mga kwento ko,
Hanggang mag tama muli ang mundo mo at mundo ko.

Mamahalin kita ng paulit ulit.
Hanggang ang salitang pagod na ako ay maging hindi na totoo
Hanggang ang luha ko ay matuyo at di na muling tumulo.

Mamahalin kita ng paulit ulit,
Hanggang huling hininga ko, uulitin ko ang pagkakataong ito.
kha Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
psyche Oct 2018
oo ako'y nalulungkot sa aking sarili
sa mga salitang hindi ko hindi sinasadya
kung ipinaramdam ko sayo na 'andito lang ako pero wala naman pala
pasensiya, kung wala akong susunod na taludtod sa ating istorya

istoryang kathang isip
na huli kong nakita sa aking panaginip
dahil nagising ako sa katotohanan
na tayo *bura* ikaw at ako ay  naandito na sa dulo ng ating walang hanggan
kung saan ang puso'y wala ng nararamdaman
at natapos na ang magpakailanman
Patricia Soriso Aug 2018
Minsan kong ginamit ang mga salita bilang kalasag. Bilang pantakip sa kahinaan kong harapin ang katotohanan. Ginamit ko ito upang pagmukhain akong matapang at lumalaban na mandirigma.

Ngunit unti-unti itong nilusaw ng oras at buo akong nilamon ng lahat ng kasinungalingang ibinato ko sa ngalan ng pag-ibig. Lahat nang inilagan kong sakit ay ibinalik sa akin ng tadhana; nang triple at walang pagpipigil.

Kalaspatanganan ang tawagin itong isang tula. Kasalanan na itala ang kuwento natin bilang pagibig.

Luluha ang langit sa bawat pagkakataon na minahal kita kahit hindi ka karapatdapat. Ngingiti ang araw sa bawat salitang pinili kong pakinggan kahit inulan na ako ng pighati nang kausapin ako ng iyong mga mata.

Walang 'sing tamis ang bawat halik na pinadama mo sa pagitan ng mga panaginip. Ni hindi ko gustong dumilat. Sa pag-asang ang katotohanan ay ito at hindi ang iyong paglisan.
theivanger Jun 4
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin

Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin

Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot

Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha

Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.

Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan

Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa

Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam

Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan

Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.
Jubail Aquino Oct 2018
Mga paningin nating laging nagkaka-bunggo,
pilit man itong pigilin kusa pa ring nag-tatagpo
ginagala ang mata sa bawat sulok ng kwadro,
upang ito ay itago ngunit sayo pa rin sa huli dumadapo.

Bilanggo ang aking mga salita
gawa ng paralisado kong dila
tuwing ikaw ay malapitan kong nakikita.

Bibig ko ay mga matang malaya
upang mangusap at mag-pahayag ng mga
salitang di ko kayang masambitla
sa tuwing mata nati'y nag-kakabangga,
nag-hihimutok ang damdamin kong nag-babaga.
Carl Oct 2018
Ang buhay ng  tao'y kay daming hugot
Mga problemang sayo'y pumapalupot.
Ang sarap ibaon at wag nang ihugot.
Mga ala-alang saakin na lang ay isang bangungot.

Sobrang saya na sana natin
Naka guhit na ang mga pangarap na sana'y tutuparin
Nasusuka na ako sa salitang sana, gusto sana kitang yakapin
Pero kailanman hindi mo ginustong mapasaakin.

Sayang lang yung mga perang hinugot ko sa bulsa
Oo nga pala, ang lahat nang ito'y nakakabit na sa salitang sana.
Pero hayaan mo na, nabusog ka naman yata.
Kahit 'wag na ako, ganon naman talaga 'diba?

Patapos na yung aking kadramahan.
Iyon naman ang bukambibig mo 'pag gusto ko sanang maramdaman
Mapait na pagmamahal sana sa iba mo na lang inilaan
Tatakpan ko na yung butas sa puso, para hindi mo na mahawaan

Masiyado ka na kasing maraming hinugot saakin

Na akala ko ikaw ang makikinabang.
Nakakapagod ng maghintay,
Ilang linggo na rin ang nakaraan,
Pero lagi kong sinasanay
Ang puso ko sa’yo.
Iniisip na lang ang mga “baka”
Ang  listahan ng bakang...
Na baka may iba ka na
Baka naipagpalit na ako
Baka nagbago ka na
Baka kinalimutan mo na ako,
At higit sa lahat, baka nasanay ka na
nawala ako.
Baka ganito lang talaga ang ating wakas.
Kasi nasanay na ako sa mga ganitong bagay,
Kahit naman tawa at ngiti ang gusto **** iaalay,
Luha ang makikita **** dumadaloy sa aking pisngi,
Na minsa’y natago ko pa sa mga ngiti.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Kung sa puso mo’y ako’y naging isang multo.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero palayo lang tayo ng palayo,
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero nasaan na ikaw? Nasaan na ako?
Nasaan na nga ba ang oras ng “tayo”?
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero wala kang ginagawa para tumabi pa ako sa’yo.
Nasaan ba ang hustisya ng aking salitang may halaga?
Na sa oras kung magbigay ka sa akin ay wala?
A ‘yan na, sa sikat ng araw ng Abril,
Nagtatapos na ang buwan, nasaan ka ba?
Eto na naman ang ating mga mata,
Hindi na naman tayo magkikita.
Pinagkakaabalahan natin at hinihintay,
O baka ako lang. Ako lang.
Nawawala na ang mga dating salita na,
“Mahal na mahal kita,
At miss na miss na kita.”
Kasi oo, nasanay ka na,
At iniisip mo na,
Nasanay na rin ako.
Kung minsanang sabihin mo ito,
Nagdududa na rin ako kasi nasanay ka na.
Tunay nga ba na mahal mo ako?
Tayo nga ba? O baka pangalan lang ito.
"Us with benefits"? Bagong parirala ba ito?
Tunay nga ba na ako ang iyong hinahanap?
Na minsa’y wala ka sa aking tabi,
Umiiyak na ako, nagwawala na,
Mas pinili mo pang iligtas ang iba.
Sinasabi mo sa akin na,
“Alagaan mo ang sarili mo lagi ah.”
Pero ano nga ba talaga ang sinasabi mo?
Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin na
Mabuhay na wala ka. Masakit, hindi ba?
Pero, hindi na ako  magdedepende lagi sa'yo.
Natutunan ko na ang aking pagkakamali.
Nasaan ka ba noong kailangan kita?
Nasaan ang oras nating dalawa?
Hinahanap kita, mahal kong multo.
Patay na nga ba? Saan ang libingan?
O baka hinahanap-hanap kung saan-saan,
Kasi alam ko buhay pa ito. Naniniwala ako.
Minsa’y umiyak sa mga gabi,
Hanggang sa hindi na. Hindi na.
Hindi ko nang ginusto na makita,
Ang mga litrato mo sa akin..
Kasi namimiss lang talaga kita.
‘di ko mabitawan ang aking nadarama,
Kasi malulunod ako sa isipan at luha,
Kahit ano pa mangyari, hindi kita bibitawan.
Hindi bibitawan ng basta-basta.
Heto na naman, minumulto ako.
Nasaan ka? Naririnig ko ang aking puso.
Kung wala ka lagi sa aking tabi.
Multo lamang ang kasama ko,
Ang multo mo sa aking puso.
(informal Tagalog poem)
Nexus 5d
Salitang sayo ko narinig
Pero kung iisipin, napakarami nating pwedeng matatagpuan at masusumpungan pero bakit nga ba tayo pa ang naging mag kakaibigan


Tayo'y pinagtagpo lang pala
at hindi itinadhana
Tayong dalaway patuloy na umaasa
Ngunit ngayon sabay na nasasaktan at
nag hahanap ng pag asa

Ang salitang
SANA
ngayoy  kaakibat sa bawat buntong hininga
Sana naghintay lang ako,
Sana mas nagging matapang akong mahalin ka at
harapin ang bukas ng walang pag aalinlangan,
Sana ikay pinaghawakan at ipinaglaban sa
tadhanang naghahamon
at
sa pagkakataong hindi nakiki ayon

Ginamit kong salita ay parang kalasag
Bilang pansalag sa naka umang katotohanan.
Isinulat ko ito upang pagmukhain akong matapang
Na mistulang  lumalaban ng walang pag aalilangan.


Tangapin na natin
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay sa atin ay naaayon
sa kung paano natin gusto
ito’y ating matatamo.

Kaya mahal paalam........
Isang tula para sa pusong
Walang ginawa kung hindi lumaban
Ni hindi alam kung anong pupuntahan –
Naliligaw, nagwawari
Nagdedepende sa mga salitang “hindi maaari”

Hindi maaaring sumuko
Hindi maaaring malumpo
Hindi maaaring tumakbo palayo
Sa mundong umuubos sayo

Natatakot sumugal muli
Natatakot mahulog sa patibong ng pag-ibig
Dahil minsan nang nasaktan
Minsan nang inabuso

Pumapalagay na lamang sa mga panandaliang aliw
Nagpapanggap na siya’y mabubuo ulit
Kahit saglit..
Kahit saglit..

Isa lang ang gusto kong sabihin sa’yo –
sa pusong hindi alam kung saan patungo
Huwag **** parusahan ang sarili mo
Dahil balang araw ikaw ang aani nito

Hinuhubog ka ng panahon
Sa pagdating ng tadhanang
Nakalaan sa iyong pag-ahon

Huwag kang matakot sumugal
Dahil doon mo malalaman kung
Ano ang para sa iyo, mahal.
#tagalog #filipino
katryna Jan 4
kung sakali man malihis ng landas,
lingunin nawa ako ng pagmamahal.

kung sakali mang mapagod sa kakalakad,
tangayin nawa ako ng hanging payapa
patungo sa bisig na mapagkalinga.

kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga,
dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala.

nang matapos lamang ang laban na wala akong laban.

walang salitang naririnig,
walang hikbi,
walang palag.

wala.

dahil walang handang makinig
kapag sarado ang isip.
ri Jun 9
marami akong gustong ibalik sa aking buhay.

boses? yakap? init ng katawan? mga mensaheng “nakauwi ka na ba?” o “kumain ka na ba?” – oo, bawat gabi dinadalangin ko sa taas na sana bumalik yung mga panahon na iyon, noong magkasama pa tayong dalawa, sabay nangangarap ng magandang kinabukasan na magkasama.

ngayon, ako nalang yung nangangarap mag-isa sa mga butuing hindi ko maabot, parang ikaw.

hindi ko maipinta ang sakit na nararamdaman. kahit nais kong lagyan ng mga matatamis na kulay ang aking isipan katulad ng kahel o rosas, maihahalintulad sa makulimlim na langit ang aking mga mata – kulay patay na bughaw at itim, ang aking mga luha ay tila bang malalaking patak ng ulan, hindi natatapos, hindi tumitigil.

palagi ko pa ring itinatanong sa sarili kung saan nagkulang o nagkamali, kung ang mga desisyon ko sa buhay ay tugma sa mga isinisigaw ng aking puso. siguro hindi nga, at kung tama naman ang aking mga sinasambit, hindi ako magkakaganito.

hindi tayo nagkaganito.

noong araw na binitawan ko ang iyong kamay, akala ko na ang kanyang puso ay mamamahinga  na sa puot at sakit dahil masakit marining ang mga salitang hindi ko nais marining galing sayo.

paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang gabing naghantong sa ating hangganan. simula noon, hiniling ko nalang na sana ay maibalik pa ang kahapon.

ngayon ay lalong tumindi ang bugso ng ulan na naririnig ko sa labas ng aking bintana. tila bang sumasabay ang aking mga pagsisisi sa buhay. hindi ko malaman kung bakit ko naisambit ang mga salitang hindi ko naman nais pahalagahan, pero ang mga iyon ay lumabas nalang ng sunod-sunod galing sa aking bibig.

naaalala ko rin ang itsura mo nung narinig mo ang lahat. ang masakit lang noon ay hindi ako nakapagnilay-nilay bago ko buksan ang aking bibig. nadala ako sa bugso ng galit at emosyon.

pagpaumanhin mo, mahal. patuloy na isinasambit sa sarili na sana ay naririnig mo kung saan ka man naroroon.

sa katihimikan ng dalawang panig, at sa kalaliman ng gabi. kahit wala nang pagkakataong makatayo sa harapan mo, isa lamang ang gusto kong sabihin sa iyo.

mahal pa rin kita.
at uulit-ulitin kong sabihin iyon sa iyo,
kahit hindi mo na nais marinig.
Carl Oct 2018
Hahawakan ang kamay mo
Papatunayan na kaya ko
Titimplahan pa rin ng paboritong kape
Sa maulan at malamig na gabi.

Hahawakan ang kamay
Magsisilbing gabay
Karerang malapit nang matapos,
Naalis na rin ang taling nakagapos.

Hanggang sa huli
Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos.
Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili.
Ngunit kumiliti ang mga salitang,
Hanggang sa muli.
Paulit - ulit na sinasambit ang salitang mahal kita
Hindi ko na alam kung pareho pa ba ng nadarama
Dahil tila ika'y nanlalamig na
Maari ko bang itanong kung meron nang iba?

Handa naman akong palayain ka
Ayoko nang maramdamang di na ako ang mahalaga
Kaya naman kitang makitang masaya sa iba
Ngunit iyo na rin sanang palayain ang puso kong pagod na
Para sa mga taong handa nang lumaya
Glen Castillo Aug 2018
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili
Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.

                    Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako
                    Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita

Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala
Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako

                     Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama
                     ang sinulat kong kwento
                     Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat?

Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga
Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala
Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata

                      Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa
                      Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa

Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga
Mahirap,
Pero pwede ba?

                       Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana
                       Na gawing gabi ang lahat ng umaga
                       Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan
                       Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.




                                          © 2018 Glen Castillo
                                           All Rights Reserved.
Minsan ay dadalawin ka ng mga alaala sa nakaraan
Upang magpa-alala sa'yo kung bakit ka nasa kasalukuyan.......
miss xEx Nov 2018
Hihintayin ba kitang bumalik?
O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik?
Namimiss ang matatamis **** salitang
Kay sarap balik-balikan.

Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo,
Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo.
Puro s'ya lang 'to,
Pero paano naman ako?
Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo?
Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo.

Pakiramdaman ko'y parang hangin,
Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin.
Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak..
Sayo, nahulog na ako sa'yo.

Ano pang magagawa ko?
Ayun, nagpanggap lang naman ako
Na parang walang pake sayo.

Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod.
Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo.
Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo.

Ayoko namang maging ahas o linta
Na grabe kung makapulupot,
Grabe makasulot.
Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa.

Hindi ko alam kung babalik ka pa..
Pero, ito ang mensahe ko sayo
Sa oras na mag-krus ang landas natin
Gusto kong malaman mo
Na lahat nang nangyari pagitan satin
Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat.

-miss xEKIS
Naghihintay pa rin ako. Nasaan ka na ba kasi?! Siguro kinalimutan mo na ako at meron nang iba.
Next page