"sakitan" poems
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.
Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan
Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin
Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko
Magkakaron ako ng kapayapaan
Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?
Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?
Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?
Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan
Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal
Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan
Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"
Simulan natin sa "Siya"
Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko
Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"
Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito
Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa
Nagmamakaawang pakawalan
Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo
Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya
Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli
Hanggang sa marinig siya ng Maykapal
Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas
Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na
Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan
Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan
Magtatapos ako sa "Ikaw"
Mag-isa ka na
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin
Ang mainit na bugso ng damdamin
Bawat paghampas at kumpas,
Hindi ko alam kung saan dadalhin
Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa
Walang kamalayan sa ating pakakahantungan
Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado,
ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako.
Nangungulila sa mga mata **** nangungusap
Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman
Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan
Kailan ko kaya ulit ito matatanaw
Madaming hindi pagkakaintindihan
Nauuwi sa sakitan
Hindi mabilang ang kapintasan
Na bumabalot sating samahan
Tila bagyong walang dala kundi pinsala
Pagmamahalan nating puno ng pangamba
Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan
Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman
Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala
Nakatatak sa puso't ispian
Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko
Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan
Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan
H'wag na sanang sumikat ang araw
Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin
Ang bawat minuto sa iyong piling
Marami ang hindi kayang unawain
Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon
Ano bang alam nila?
Bukod sa kutyain tayo
Sabi nila baliw tayong dalawa
Hindi inalintana ang sinasabi ng iba
Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin,
Sa ating dalawa
Ngunit naging malupit ang mundo,
marupok ka at mahina ako.
Hindi na kita kilala
Hindi mo na ko tinitignan sa mata
Tinalikuran ang sarili kong giyera at
pinaglaban ka
Patuloy kong sinasabi sa'yong,
"Mahal, andito lang ako. Kumapit ka."
Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga
Labas sa kabila
Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili,
hindi ako susuko.
Tuwing ipipikit ko ang mga mata,
hindi maiwasan ang pagtulo ng luha.
Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa.
Pero ang tanong ng utak, para san pa?
Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan,
gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman.
Naging manhid ka saking sakripisyo,
Patuloy akong pinagtabuyan.
Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa,
halos isuka na natin ang isa't-isa
Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan
kung bakit patuloy parin nating sinubukan
Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan
Ang haplos **** nung una'y malumanay naging
mahigpit at puno na ng galit
Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang
Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala
ang mga salitang, "mahal kita"
Anong ginawa natin sa isa't-isa?
Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
May 13, 2016
May 13, 2016 at 8:24 AM UTC
*Hiling ko sana'y isa akong maong na pantalon sa buhay mo
Kahit kupas at luma na ay ako pa din ang paborito
Pero para kang bata na ang gusto lagi ay bago
Mahirap ba maging kuntento?
Ganun naman talaga sa isang relasyon diba
Dumadating din sa punto na wala ng kasasabikan
Kaya lang madalas nauunahan tayo ng mahinang damdamin
Kaya nauuwi na lang sa sakitan at hiwalayan
Yung isa patuloy na pinaglalaban ang pagmamahal
Kasi yung tao ang mahal nya
Hindi yung mga bagong bagay na makakapagpasaya o magpapakilig
Dahil presensya pa lang ng mahal nya ay sapat na
Yung isa ay patuloy na naghahanap ng bago
Kaya natakpan ang mga mata ng kanyang puso
Hindi na makita ang mga ginagawa para sa kanya
Tuluyang nabulag sa ideya na pag bago masaya*
Nov 25, 2015
Nov 25, 2015 at 1:42 AM UTC