Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"saatin" poems
Jebs na jebs na ako. Dumudungaw na siya na parang isang taong kagigising lang umaga, gustong buksan ang mga bintana, para lumanghap ng hanging bukang liwayway Malapit na siyang lumabas, unti uting tumitigas sa paglipas, Ng bawat, segundo, menuto, kung babae ako, dysmenorrhea na ito. Pero sabi ng mga kaibigan ko, wag ko daw pilitin ito, baka naman daw kase na imbis na ito ay tae, mauwi lang sa utot. At pinagmukha ko lang ang sarili kong tanga. Umasa, nasapag upo ko sa inidoro na lahat ng pagtiis ko, ang piling ko ay giginhawa. Pero wala. Para lang siyang damdamin ko, ang tagal kong kinimkim, ng taimtim sa pag-asang pag ito ay pinakawalan ko, na sasabihin mo na ikaw rin. Na ang nararamdaman mo ay pareho din sa akin. Lahat naman tayo dito nag huhugas ng pwet gamit ang tabo at tubig hindi ba? Pwera nalang kung galing ka sa mataas na estado ng pamumuhay. Ikay gumagamet ng tissue paper o bidet. Pero ako hinuhugasan ko ang puwet ko, kase ito ang turo saakin ng nanay ko. Pero. Bago ko natutunan ito, ang nanay ko ang nag hugas ng pwet ko. Para saatin, wala namang espesyal dito, Pero ngayon ko lang napagtanto, na ang pag hugas ng puwet ko ng nanay ko, ay puno ng pagmamal. Sino ba naman ang gustong mag hugas ng labas ng butas kung saan lumalabas ang pinagtunawan pagkain. Kaya kung sasabihin **** hindi ka mahal ng nanay mo, tignan mo lang ang sarili na nakatalikod sa salamin. At sariwain ang mga alala ng mga sandaling hindi mo kayang linisin. Pero bago iyon, kung sa tingin mo na ang tula na ito, ay hugot lang, nag kakamali ka... Well actually, medjo lang. Puwera biro. Kung tutuusin, di' malayo ang pinag kaiba natin sa Jebs. Kung iisipin, ang mga ginagawa natin araw araw ay mas masahol pa sa jebs. Kung ipipinta ko ang isang imahe, makikita mo na ang jebs ay nakapahid ang tae sa buong kasuluksulukan, at kasingitsingitan ng katawan natin. Pero may Isang tao na gusto padin yumakap at humalik sa pisngi natin. Sino siya? Siya ay ang Pagibig. Araw araw lang siyang nagihintay, na ikay' lumapit sa kanya, magpalinis. Ang gamit niya, na pang hugas ay mga kamay at dugo, dugo na ang tanging nakakapag linis ng katawan at ng kaluluwa mo. Mula ulo hangang hangang sa talampakan ng iyong mga paa. At sa kabila ng lahat gusto niya pa din tawagin mo siyang Ama. At sa imbis na pangdidiri ang kaniyan nadarama, Pag mamahal ang kaniya sayo ay pinadama. Siya ay pinako sa mga kamay na ginagamit sa pag linis saiyo. Sa mga dumi na mas madumi pa sa jebs. Ang iyong mga kasalanan. Siya ay isinakripesiyo para ay ikay manatiling malinis, at iligtas ka sa lugar kung saan umaapaw ang jebs. At dalhin kung saan ang kalsada ay gawa sa ginto, at makasama ka magpakaylanman.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:59 PM UTC
Jebs.

Continue reading...
44
Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula Pero sige magsisinungaling pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso "Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo "Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo "Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo" Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan, Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan "Mahal kita" nginitian mo siya "Mahal kita" inakap mo siya "Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita" Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?" Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing "Daang ulan lang naman daw po" Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal malakas ngunit nakakapinsala Daan lamang pala Sana hindi na lang ako nagpahila Sana hindi na lang ako umasa At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 10:47 PM UTC
Daang Ulan

37
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita Saan na kaya? Sana'y bumalik kana Hininitay ka na niya Matagal Tagal naring  ikay nawala Nalilibang kana ata? Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ilang bundok na ang kanyang inakyat Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na Habang ikaw ay naaaliw Bulong niya'y, oh aking giliw Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak Niyakap ka niya at sinabing Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ikay hinahabol niya Bamalik ka na daw sakaniya Basahin mo ulit ang kanyang mga salita Dahil ang mundong Ito ay mawawala Ngunit ang kanyang salita ay mananatili Nawawala Hinahanap Hindi Makita Pagmamahal na walang hanggan Mamahalin ka hanggang katapusan Kahit di tayo'y karapatdapat Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat Nawawala Hinahanap Hindi Makita Oh Diba ang Hirap makawala? Ang Hirap ng walang ama Kaya't Tara na at bumalik sakanya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap. Kay Tagal rin bago ka na hagilap Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa. Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay Para sa aming buhay
0
May 31, 2019
May 31, 2019 at 10:15 AM UTC
Nawawalang Tupa

45
Ikaw ang naging mundo ko Una pa lang nahulog na ako Sinubukang pigilan itong puso Subalit pangalan mo ang sigaw nito Ang sarap **** pagmasdan Di nagsasawang ika'y titigan Ngiti mo'y hindi makalimutan Hanggad ko lamang ang yong kasiyahan Dalangin ko'y sana'y dinggin Na balang araw ika'y mapasaakin Sana'y di pa huli ang lahat saatin Magtiwala ka, hanggang huli ika'y iibigin
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:29 PM UTC
AKING SINTA
Hindi paba Sapat ? Sabi nila kung sakaling magmamahal ka ibigay mo lahat. Para sa bandang huli wala kang pagsisihan... Naniwala ako.. yun yung pinaniwalaan ko!.. Sabi ko din, Oo nga nman, para atleast at the end alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang. Pero tama ba ? Bakit ang sakit ? Bakit parang mali ko pa na minahal kita ng buong-buo. Bakit ang sakit kasi dumating parin yung panahon na kailangan mo magloko ? Sobrang sakit kasi ako pa na walang ginawa kundi mahalin ka ng totoo ? Hindi ba sapat ? Hindi paba sapat ? Lahat ng ginawa ko para sayo, para saatin.. Hindi paba sapat ? Bakit naghanap ka ng iba gayung nandito ako ? May kulang ba ? Sabihin mo sakin, ano ? May pag-asa pabang mapunan kung sakaling may pagkukulang ako ? Sana sinabi mo sakin, bago ka lumingon sa iba at makahanap ng bago. Pano ba maging sapat para sayo ?
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 6:53 AM UTC
Hindi paba Sapat ?
When it comes to Love, We take for granted The things that is whole heartedly and freely given to us, Yung mga katangian, Yung mga pribilehiyo, Yung mga saya na ibinibigay saatin na 'di natin kailangan hilingin pa. We take it for granted, we do not appreciate the real value, And the Joy of having to experience those things Without asking for. Na nakikita mo lang kung ano ba Ang kahalagahan, at kung ano ba ang kawalan Kapag binawi na sayo. Those are the things that you've been enjoyed so much but you never got to appreciate...
0
Sep 17, 2016
Sep 17, 2016 at 12:11 PM UTC
A love taking for Granted...
Kung sakali man dumating yung araw na Di ko na nagagawa lahat ng nakasanayan nating gawin Na minsan ay mawalan tayo ng oras sa isa't-isa, Na magkatampuhan at mag-away tayong dalawa Na maging abala tayo sa ibang mga bagay At pakiramdam mo ay nawawalan na tayo ng kulay. Kung sakali man na hindi na tayo magkaunawaan Na minsan hindi na tayo nagkakaintindihan Na wala na saatin ang kayang magparaya Na pakiramdam natin ay pareho na tayong nagsasawa Kung sakali man pakiramdam mo na di na kita mahal Kung sakali man na dumating lahat ng 'yon, Talunin natin lahat ng problema, magpaubaya sa isa't-isa Sana maisip natin yun rason kung ba't tayo tumagal. At 'wag tayong susuko mahal.
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:29 AM UTC
Kung Sakali...
Relasyon natin na akala ng lahat ay perpekto Unti unti ng gumuguho Sinasabi **** mahal mo pa ako Ngunit parang hindi kana sigurado “Bahala na” Katagang ayokong sabihin ngunit sang ayon ang tadhana “Itigil na” Wala ng patutunguhan pa Mga matang dati’y ako lamang ang nakikita Ngunit atensyon ngayo’y nasa iba Siguro oras na para sumuko Wag ng hintayin na may kasama ng bago Masakit man para saakin Kailangan ko ng bumitaw sa pag iibigan natin Masyado ng komplekado Hindi sang ayon saatin ang mundo Sana’y sa susunod na magkita ang ating mga mata Makita ko na ulit ang sayang dati’y sakin mo lamang nadarama Patawad aking sinta Ngunit hindi kona dama ang saya
0
Mar 1, 2021
Mar 1, 2021 at 10:17 AM UTC
Patawad Sinta
Alam ko iisang buwan ang tinitignan natin Isang bathala pinaniniwalaan natin Isang hiling ang ninanais natin Isang hangin ang sinisinghap natin Ngutin kahit anong aking gawin Kahit ako man ay humiling sa bituin Kahit iisang buwan lang ang meron saatin Di parin magiging isa ang puso natin
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 6:42 AM UTC
Iisa