Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"runong" poems
Minsan hiniling ko nalang talaga na sana, ang puso ko ay di gaya ng k  a  l a n g i t a n Na araw-araw nabubuhay, At gabi-gabi namamatay. Ang pangarap ko Ay parang dagat na pilit kong hinahawi gamit lamang ang kamay. Ang mga tao kasama ko Ay tila mga paso, na pag hinangin Ay bigla nalang mababasag. Ang isip ko ay punong puno ng Mga batong buong buhay ko dinudurog. . . Kasalanan ko ata na maging M  a  r  u  n  o  n  g , Kasalanan atang malaman Na sa buhay, may bato sa daan At may bato ding kumikislap. Kasalanan atang hindi maging K u n t e n t o  sa kung ano ang meron ka. . . Kasalanan ata na kahit anong runong mo, di mo pa din alam ang tama **** kalalagyan.
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 2:39 PM UTC
Untitled
Ikaw ang mga pyesa, Na syang kakabisaduhin ko sa bawat pag tipa Para kang ang mga nota Na kailangang tamaan sa bawat pagkanta O kaya naman ako'y si tiempo At ikaw nama'y si daynamiko Pero minsan gusto ko na lang maging gitara Pagkat kitang kita ang saya sa iyong mukha sa tuwing ito'y iyong Dala-dala Yung tipong ang bilis kong nahulog sayo Ngunit ika'y hindi pa pala handang sumalo kay TIEMPO Dahil gusto **** ika'y nasa tono at ritmo Naalala kong ikaw nga pala si DAYNAMIKO Talaga nga namang napaka husay mo sa kahit na ano Nakakaya **** tumugtog ng gitara, Sumayaw sa harap ng madla, May runong ka rin naman sa pagkanta, At heto pa, isa ka ring modelo sa eskuwela Ako'y lubos **** napapahanga Wala na akong masasabi pa Siguro naman alam mo na kung sino ka
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 9:46 AM UTC
WALA KA SA TIEMPO!