Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"rumagasa" poems
Gising na naman ng alas dos ng gabi Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra Mula sa isang bangungot ako’y nagising Nagising sa katotohanang parang bangungot din. Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok Mga emosyong rumagasa ng walang habas Mula sa nasirang prinsa ng aking puso Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino Mga bakas ng kahapong gustong balikan Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin Hinding-hindi ko na muling mararanasan Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo Sana’y marinig muli ang mga salitang “Mahal kita” mula sa’yong mga labi Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo Inaantay ang malabong pagbabalik mo Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana” Pag-ibig ko’y iyo pa rin Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig Ang mga bisig na ang tanging nais Ang yakapin at hagkan kang muli
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 6:04 AM UTC
Alas Dos
Meron kang siya, meron pang isa Paano pa magkakasiya? Sa kwento ng buhay mo May linya ba ako? Nung mabasa ko ang isinulat mo Akala ang tinutukoy ay ako, Nawala ako sa isang sandali Isang sandaling nagbakasakali Hinigop ako ng mga salita Damdaming buhay lang sa mga letra Nagsusumigaw at nais kumawala Ngunit sa takot kumakalma Mga imaheng sa isip ko'y rumagasa Habang binabasa ang iyong tula Mga pagkakataong tumutugma Lumitaw sa aking alaala May kwento ang isinulat para sa nagsulat Meron din ang nagbasa sa nagpabasa Mga kwento na maaring makasugat Kung ang mga bida ay magkaiba Meron kang siya, meron pang isa Maari pa kayang sumama Sa kwento ng buhay mo Sana may kabanata - ang ikaw at ako
0
Mar 20, 2019
Mar 20, 2019 at 9:19 PM UTC
Tula para sa tula