Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"puwedeng" poems
Madalas naiisip ko… ‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko? Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko? Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko? Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto.. “Pagod na ko” Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako “Pagod na ko” Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko “Pagod na ko” Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko “Pagod na ko” Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko Para akong bata na gustong mag-recite Pero iba pinipili ng **** ko Para akong pumapara ng jeep Pero namimili ng pasahero ang drayber nito Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo Kahit na alam kong masasaktan lang ako Umasa ako. Pasensya na. Kasalanan ko. Sabihan na nila akong tanga Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko Sabihan na nila akong mababaw Dahil nahulog ako kaagad sayo Sayo.. Sa mga simpleng kilos mo Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko Ako lang pala Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo” Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng “ikaw at ako”
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 11:42 AM UTC
Ikaw at Ako
Sinabi ko sa sarili ko Na huwag ka nang hanapin sa unang pagkakataong mapansin ko na nawala ka. Ngunit nahanap pa rin kita. Nahanap kita sa katahimikan, Ang bulong **** nagpagulo sa minsang kalmadong isip, Dahil sa'yo nalaman ko hindi lang pala multo ang puwedeng nagpaparamdam sa dilim. Naroon ka rin sa likod ng mga masasayang alaala. Nahanap pa rin kita kahit ilang beses na akong nangakong magiging masaya muna ako. May kanya-kanyang paglalarawan sa'yo ang iba't-ibang tao, Maaring sa iba, isa kang demonyo, kathang-isip, salita, o isang panandaliang bisita. Pero sa lahat ng bagay na inilarawan sa'yo, hindi ko alam kung bakit itinuring kitang kaibigan. Dahil siguro tuwing pag-uwi ko, 'pag wala ng mga tao kahit gaano man ako kasaya o kapagod, nandiyan ka. Nag-aabang, nag-aantay, naiinip Hinihintay akong mag-kwento. Ikaw ang tipo ng kaibigan na hinahanap-hanap din pagkatapos bitawan. May mga araw na napagtatagumpayan kong huwag kang isipin ngunit may mga araw din na nagbabalik nanaman ako sa simula. Dahil sa huli, ay uuwi din ako at hahanapin kang muli sa katahimikan. At sa bawat paalam mo, muli nanaman kita maaalala Minsan, napakahilig **** magtago tuwing kasama ko na ang mga kaibigan ko, Pakiramdam ko rin naman wala silang balak na kilalanin o pakinggan tayo Kaya patuloy ka lang magtago, Hindi nila kailangan malaman na buhay ka, Hindi nila kailangan malaman na nandiyan ka, Hindi nila kailangan malaman na totoo ka. Hindi ko alam kung kailan ka aalis, Hindi ko alam kung gusto ba kitang umalis, Pero kung sakaling dumating man ang araw na 'yon, Huwag ka nang magpaalam pa.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 12:35 PM UTC
-

Continue reading...
30
Huwag **** paunlakan pagka't di naman ito ipinagtutulakan huwag mo ring masamain pagkat di lang naman ikaw ang puwedeng naisin isa lamang siya sa mga mata, na nakakakita kung ano man ang puwedeng mahalata tingin ko mas dapat mo pa ngang ikasaya pagkat sa iyo'y mayroong humahanga ang binitiwan **** salita ay hindi puwedeng gumana sa isa naniniwala akong nakaramdam ka din, kaya ka dumistansya ngunit bakit mo pa ito kailangang ipahayag sa amin? gayong walang kalasag na proprotekta sa kanyang damdamin. ako'y hihingi ng tawad kung ika'y nasaktan ngunit huwag **** ipagkait itong aking kahilingan, na kung sa susunod ay muli mo itong maranasan, maari bang huwag mo na itong lakasan?
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 7:15 AM UTC
Huwag mo na itong lakasan
Ayoko na sana mag drama Kaso lagi nalang may nagpapa-alala Ang damot naman nila Ikaw lang naman gusto ko makasama Hindi ba puwedeng ibalik nalang natin sa dati? Kung saan tayo'y masaya at walang ibang iniintindi At kung sana ating iniwasan na may nasasaktan, nahihirapan at iniiwan Nagsimula sa "oo sinasagot na kita" Nagtapos sa "break na tayo, ayoko na" Ikaw naman ang nagkulang hindi ba? Ngunit bakit ikaw ang nangiwan? Ang mga memoryang ito Ay naging aral sa pagkabigo ko At sana'y ako'y matuto na Nang ako'y hindi na masaktan pa
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 7:39 AM UTC
Memorya
titingnan ko kung may natira pa rin ba sa latak ng tinta ng 'yong alaala o ipinipilit ko lang na palabasin ang iyong anino sa lahat ng aking nakikita o nadarama. sana makalimutan na kita, kahit pa mahal kita. sa totoo lang nagtapos ang lahat sa isang pagkakamali: ang iwan ka matapos makahanap ng iba. akala ko masyado na kitang mahal at pagkakataon namang ilaan ko ang pagal kong puso para sa iba, pero hindi 'yon nangyari. bumabalik lamang ako sa'yo sa tuwing nakikita ko ang ngiti nila mula sa'yo, o ang mahahaba **** pilikmata kung nakapikit ang mga mata at tangan ang iyong ulo sa balikat ko. nagniningning ka kahit madaling araw. ang pagkaway ng buwan sa tuwing titingala ako ang nagkakanlong sa ating mga gunita. ikaw ang nakikita ko sa lahat ng aking mga inibig at susubukang ibigin. ikaw lang ang kaya kong balikan matapos layuan. ikaw lang. ikaw lang ang hindi ko kayang hagkan o halikan kahit gusto ko man. nais kong hawakan ang 'yong kamay o hawiin ang mga buhok sa mukha at tuluyan nang halikan sa noo. ikaw lang ang kaya kong lubusang mahalin na hindi ko puwedeng gawin, dahil takot ako. lumipas na ang maraming taon ngunit nasasakin pa rin ang takot kong 'to. ang sabi nila matatakutin daw ako, oo pero hindi sa multo o engkanto, kung hindi sa pagmamahal na hindi totoo at mabilis maglaho. hindi ganoon ang pag-ibig ko, marahil ang pag-ibig mo, pero natakot din ako sa'yo. dahil gusto mo pang maglaro at malaki na ako para diyan. ayaw kong maglaro pa ng habulan o mataya-taya. hindi na ako bata. tanggalin mo na ang piring sa mata dahil sa hanapan daga, ako lang ang tanging sasalubong sa'yo at magsasabing, "simula't simula pa lang, ako na ang talo, ako na ang taya."
0
Jun 24, 2017
Jun 24, 2017 at 2:21 AM UTC
Untitled

11
Bakit ba kayraming naghahangad kumuha ng upuan at mayakyak sa gano'ng klaseng lilingkuran gayong kayraming bangko at monobloc na puwedeng up'an? At kung maupo na'y ano? Di man lang magawang tumayo at tingnan ang kalagayan ng mga taong nakatayo sa harapan na sa tinagal-tagal na panahon ay nanigas na't na-estatwa habang pinanonood kang nakaupo ng komportable sa hangad na upuan.
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:23 AM UTC
Upuan
para sa'king sol, ang nagsisilibing araw sa buhay ko, para sa'yo itong tula, hindi ko na papahabain pa alam kong hindi tayo puwedeng magsabay kaya't sa'ting paglayo sa isa't isa, sana'y masaya ka, at sa kabilang dulo ng mundo, susubukan ko ring maging masaya sa alaalang minsan tayong nagtagpo, pero hindi talaga itinadhana patuloy na nagmamahal, luna
0
Mar 8, 2019
Mar 8, 2019 at 8:06 AM UTC
eclipse
Ang saya lang sa feeling ng ikay nakapiling at dumating sa aking piling kahit sa ilang saglit lang Pag kapiling ka ang saya koy abot hanggang sa tenga Yung tipong di ko maipinta kahit sarili kong mukha sa galak at tuwa Pag kasama ka wala na kong hinahanap na iba Basta ang alam ko lang,masaya ko pag nandiyan ka. Hindi mo lang alam Matagal na kitang mahal Palihim nga lang Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon Pero baka,bukas 'o sa ibang araw,diko alam kung kailan Dahil baka dumistansiya ka na Kaya patuloy pa rin akong magtatago sa anino ng "saka nalang." Para sa kahit ganoong paraan ikay patuloy paring makapiling at malambing na rin Yung lambing kong iba Yung parang may engkantasiyon na bigla nalang magpapaamo sa iyong mukha at tatawa nalang bigla,na parang sira. Ayokong umabot sa pinaka sukdulan na akoy iyong kasuklaman dahil lang sa nalaman **** akoy nahulog na sayo ng tuluyan Bigyan mo sana ako ng kahit kaunting importansiya Para sa iyo'y maipadama ang aking tapat at tuod na nadarama Baka sakaling di ka na lumingon sa iba Pero kahit maghanap ka man ng iba Lagi mo tandaan na kahit ipagpalit mo man ako sa kanya Ikaw pa rin ang nais kong makasama, Maging desperada kumbaga Ako yun,walang iba. Alam kong di ka pa handa sa ngayon Pero akoy mag hihintay pa rin hanggang sa dumating yung araw na puwede kana Hanggang dumating yung araw na gusto mo na Hanggang sa araw na puwedeng maging tayo na 'O hanggang dumating yung araw na handa ka na 'O Hanggang dumating yung araw na magaan na sa loob mo na buksan ang damdamin mo para sa iba At yung bagay na gustong-gusto kong balita na Handa ka ng sabihin sa akin ang mga salitang Sige Oo na Tayo na at Ako'y handa na.
0
Feb 21, 2021
Feb 21, 2021 at 9:24 AM UTC
" Ang Saya Lang "

36
‘Di na bale ang totoo sa hindi Habang buhay kapalit ng ilang saglit Ikaw ang lahat ng kulay Na puwedeng mabanggit Mga mariposang nadadarang Sa liwanag na parang Ako sa’yo Alam kung saan patungo, Hindi alam kailan titigil. Alam kung saan patungo Hindi alam kung gustong tumigil.
0
Feb 1, 2020
Feb 1, 2020 at 9:42 AM UTC
Ba't ka pa kasi sinama sa lahat ng paborito kong lugar