Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pupunasan" poems
AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Kumakatok sa iyong puso Pinto nito’y iyong buksan At ako’y hayaang makapasok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Tapat at Mapagkakatiwalaan Masasandalan sa ano mang oras Karamay sa bawat pagsubok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Lumalapit sa isang katulad mo Nagsasabing “wag kang matakot” Ako’y laging nakabantay sayo AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Di nanghuhusga, Di Namimili, Di nang-iiwan, Di nakakalimut, Pagkat ika’y mahalaga sa akin AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN handang ibigay ang lahat Pati buhay ko’y ibibigay Makasama ka lamang sa walang hanggan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Higit pa kanino man Halika’t ako’y kilalanin Tiyak di mo pagsisisihan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagmamahal ng tapat, Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Luhang pumapatak aking pupunasan lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin, yayakapin ng kay higpit. AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagsasabing, Taha na…   Ako’y narito lamang Hinding Hindi ka iiwanan
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 1:14 AM UTC
Genuine Companion
baka ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong ibabangon ka sa aspaltong magaspang na iyong kababagsakan. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pupunasan mga luhang manggagaling sa'yong mga mata. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong pagagalingin mga gasgas sa tuhod **** ngayo'y nanginginig. Magingat ka baka kako ika'y madapa pero wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito mga kamay kong siguradong handang buhatin ka kung sakaling di na kayang maglakad pa. Hindi ako magsasawang paalalahanang magingat ka na baka ika'y madapa pero wag na wag magalala kung sakaling matuluyan nga andito ako hindi lang mga kamay ko handang saluhin ka sa tuwing ikaw ay madadapa.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:54 PM UTC
Magingat ka
Aking binibini Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili Pukawin mo ang himbing lupang sabik sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik Ngunit kung ikaw man ay hirap na Nandito lang ako Ang iyong magiging kwarto Pupunasan ang stress at anxiety mo Matulog kana ng mahimbing Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin Unahin mo muna ang iyong nasasakupan Bukas makalawa ay ako naman.
0
Jul 12, 2020
Jul 12, 2020 at 11:37 AM UTC
to the governor
Sige, mag paulan ka lang. Hanggang sa may lumapit sayo at pasilungin ka sa kulay dilaw niyang payong. Aalagaan ka niya na parang kuting na inabando na sa lansangan. Ipaparamdam niya ang pag mamahal, at makakalimutan mo ang pait ng nakaraan. Bubusugin ka niya ng pag mamahal, ilalayo ka sa kapahamakan at kung umulan nanaman at narinig mo ang bawat patak mula sa bubong na inyong sinisilungan, yayakapin ka niya ng mahigpit, pupunasan ang bawat luha na pababa mula sa marikit **** mga mata. Hahalikan ka ng bahagya at ibubulong na “Huwag kang matakot, hindi kana mag isa at hindi kana muling mag iisa.” Kasama mo siya sa lahat ng ulan, kulog at kidlat. Kasama mo ako, at wala akong balak maging panandaliang silungan mo, kung maaari lang ay manirahan ka sa tabi ko.
0
Apr 13, 2020
Apr 13, 2020 at 10:38 AM UTC
Dilaw na payong