"pumayag" poems
Naalala mo ba tayoy magkaibigan?
Masaya ang ating samahan
Nagaasaran ,kulitan hanggang sa magkakapikunan
Masaya akong ikay aking kaibigan
Dahil akoy iyong naiintindihan
Lalo na ang aking kaabnormalan
Di nagtagal loob natiy nagkagaanan
Hanggang sa dumating yung araw na ikay umamin
Di sinasadya na akoy iyong gustuhin
Noong una'y natatakot ka pang umamin .
Hindi ko inaasahang akoy iyong magugustuhan
Dahil sa taglay kong kamalditahan
Pero sabi moy ikay nahulog sa aking kabaitan
At hiling mo'y wag Sana kitang layuan
Hanggang sa sinabi **** ikay manliligaw at akoy pumayag naman
Hanggang sa di nagtagal ikay akin ding nagustuhan pero bakit parang gusto na kong
sukuan
sa aki'y ika'y ba'y wala ng nararamdaman
kung ganun sabihin mo naman
Hindi yung babaliwalain mo ko ng ganyan
Sa dami ng ating pinagsamahan
Ang masayang pagkakaibigan bay mauuwi na lang sa SALAMAT AT PAALAM
Aug 9, 2018
Aug 9, 2018 at 2:08 AM UTC
I.
Pangalawang pagkakataon?
Karapat-dapat ka pa ba para doon?
Matapos **** saktan ang damdamin.
Ganun-ganun nalang ba ‘yun?
II.
Hindi mo alam ang dinanas kong hirap,
Habang ikaw, hayun at nagpapasarap.
Ang hirap mabuhay ng wala ka,
Dahil sanay na akong nasa tabi kita.
III.
Pero pinilit kong tumayo para mabuhay!
Sinanay ko ang sarili na wala ka,
At lahat ng pagkalimot nagawa na.
Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa.
IV.
Matapos ang isang taon,
Landas natin ay muling nagkita.
Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na.
Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala.
V.
Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka,
Para tayong nagpapatintero sa kalsada.
Pagkat humihingi ka ng sandali,
Para makapag-usap tayong maigi.
VI.
Pumayag ako,
Kahit alam kong masasaktan lang ako.
Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko.
Pumayag ako!
VII.
Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa!
Dahil sa wakas masasabi mo na,
Kung bakit ka nalang nangiwan bigla.
Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa.
VIII.
Pero hindi ko yun ipinahalata,
Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita,
Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita.
Mali! Maling mali!
IX.
Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa.
Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata.
Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan,
Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran.
X.
Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon,
Pero hindi ko yun ganun-ganun.
Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang.
Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.”
XI.
Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang.
Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita.
Alas dose na at diwa ko’y gising pa,
Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita.
XII.
Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita.
Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita,
Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako.
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.
XIV.
Dumaan ang dalawang linggo,
At sinipat mo na ako sa bahay ko.
Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko.
Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!”
XV.
Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko,
At hanggang sa unti-unti kang nangiti.
Dahil naliwagan na ang loko.
Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko.
XVI.
At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa,
Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko,
Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo.
At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 1:01 PM UTC
*hindi ko alam
wala akong magawa
ang bigat sa pakiramdam
gusto ko na itong mawala
mahal kita
hindi ko ipagkakaila
ngunit wala akong magawa
kundi pumayag na itigil na
kahit ayaw kong itigil
damdamin hirap ipigil
hindi ko naman gusto ito
kasi ikaw ang gusto ko
sobrang sakit sa akin
pag-ibig ko'y hindi tanggapin
pinili ko pa rin na ika'y intindihin
ngunit mas lalo pa kitang gusto makapiling
bawat pag iwas sa iyo
ay katumbas ng lalong pagkamiss
kaunting sulyap sa pagdaan mo
ay bumabalik agad lahat ng ala-alang matamis
bawat pag-alala sa mga nakaraan
pinapalitan ang tamis ng pait
bumibigat ang aking pakiramdam
puso'y kumikirot sa sobrang sakit
hayaan **** mahalin lang kita
lilipas din ito at mawawala
at kung sakaling babalik ka
sana ikaw pa rin ang aking sinta*
May 13, 2016
May 13, 2016 at 2:02 AM UTC
Lunes
Siya ay tatlong-daang talampakan mula sa aking kinatatayuan
Sa kanyang pinaroroonan ako ay patungo
Sa dulo ng pasilyong ito siya'y taimtim na naghihintay
Sinuway ko ang tawag ng kahayokan ng damdamin
At hindi kumatok nang madatnan ang pintuan ng kanyang silid
"Hahayaan ko na lang siyang umidlip." sambit sa sarili
Martes
Siya, isang panibagong habol ng paningin, sumenyas
May ngiti siyang ipinakita bago dumiretso sa kasilyas
Sa silong ng eskuwelahan kung saan ako nag-aaral
Ako'y sumunod sa utos ng aking katigangan
Sumunod sa estrangherong may kislap sa kanyang ngiti
Ngunit dali-dali akong umalis nang mga mata ko'y nanlisik
Miyerkules
Ako ay nakaupo sa dulo ng bus, iniwan ng mga pasaherong inip
Napaisip at nag-iisip na bumaba na ngunit
May sumakay na lalaking marilag at ako'y nabihag
Hindi ko naiwasang hindi tumitig habang siya'y nakangisi
At sa kanyang pagtabi at mag-dikit ang mga biyas namin
Agarang tinawag ko ang kundoktor at pinahinto ang sasakyan
Huwebes
Mag-isa sa aking silid, nakahilata sa kama, Luna sa aking mukha
Ang diwa ay naglalakbay at may hinahabol na alaala
Bigla kong naalala may mensahe sa aking selepono
Isang hubad na larawan ng kausap ko nang wala pang limang araw
Nandilat ang aking mga mata at nagising ang aking diwa
Sa kalakhang kanyang ipinakita na aking di naman gaanong pinansin
Biyernes
Ikaw ay aking muling nasulyapan sa isang kainan
Malapit sa iyong tinitirhan, may kausap sa iyo'y nakikipagtitigan
O sa imahinasyon ko lang iyon?
Ngunit hindi ko maiaalis sa puso ko ang masindak,
Manlumo, malumbay na kaya **** mabuhay na wala
Ang init ng mga balat nating nagtatagpo.
Oh Diyos ko,
Ako'y pagbigyan mo makasama siya kahit isang gabi lang
Isang magdamagang nananaig ang kamunduan
Na maglapat ang aming mga dila
Na masubo ko ang kabuuan niya hanggang mabulunan
Na malasap ang alat ng pawis sa kanyang balat
Na mahila ko ang kanyang buhok sa gigil ng pagkasabik
Na muling takpan niya ang aking bibig, pinipigilan akong umimik
Sabado ng gabi may mensaheng bumungad sa'kin
Kami raw ay mag-hapunan at kumain ng pang-himagas hanggang Linggo ng umaga
At sa pagkakataong ito ay pumayag na ako.
Jul 21, 2016
Jul 21, 2016 at 5:12 AM UTC
Ang daming gagawin.
Di na alam ang uunahin.
May mga proyekto't takdang aralin,
At mga thesis na di alam kung kaya bang tapusin.
Nakakasawang mga papel
Pero di ko kayang bitawan.
Lugmok, at laglag ang balikat,
Nang bigla kang sumabay sakin sa paglakad,
Nagyayang samahan ka at mamaya na gawin ang lahat.
Pumayag pa rin ako kahit baka ang oras ay di sumapat.
Ginabi tayo at nagsisisi ako,
Di dahil sa takot na di matapos ang mga gagawin ko,
Kundi dahil sa mga dahilan mo
Kung bakit kinailangan kong sumama sa'yo.
Namiss kita, napansin mo ba?
Hindi, kasi ang nasa isip mo kanina puro siya,
Siya na mahal mo pero di ka nakikita.
Pano naman akong nakikita't mahal na mahal ka?
Hanggang balikat, panyo, at kaibigan na lang ba?
Nakakasawang mga papel
Pero di ko kayang bitawan.
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:35 PM UTC