"politiko" poems
Lasapin ang bunga ng paghihirap
Puso, isip at kaluluwa lang naman
Ang iyong nilaan para ikaw ay
bigyan ng kaunting sahuran.
Kung minsan, napapagod
Ay, madalas nga palang pagod
Ang katawan man ay bumabagsak
Gagaling ka rin at
Itutuloy ang paghihirap
Sabi ko noong bata pa ako
"Inay, gusto kong maging doktor
pagkalaki ko.
Pagka't gusto kong pagalingin
ang bawat maysakit na tao."
Hanggang sa nagpagtanto ****
Habang lumalaki
Ni hindi naman pagiging doktor
ang gusto mo paglaki
Ako ay sinanay upang maging alipin
Upang siyudad ng sikat na
Politiko ay yumaman sa aming kamay
Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad
Nalilipad-lipad at napunta sa
"tagapaglingkod ninyong totoo,
kami ay kasangga ninyo."
Sabi nga ng ilan ay
Buhay ay sadyang gulong ng palad
Hindi ako naniniwala dahil,
ikaw mismo na nabubuhay ang
siya lamang makapagsasabi at
makapagdidikta ng iyong kapalaran
Nasa iyong kamay ang kasagutan
Kaya pakilusin na ang mga paa
Buksan ang iyong mga mata
Pakinggan ng iyong mga tenga
ang bawat hinaing
Ito ay magbabago rin
kung bawat katawan ay kikilos
sabay-sabay muling galawin
Tayo ang sagot
sa hirap na dinaranas
Tayo rin mismo ang makapagbabago
Ng kung ano mang ang nakasanayan
Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil
Tayo lamang
Tayo lamang ang pagbabago.
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
Panginoon mo ang
Panganorin. Bertud
Ka ng hubad na diwata.
Likhang-isip, halukipkip
Ng wika, pedestal ng
Luha, ikaw itong kalahatan
Ng kasalatan ng unawa't
Awa ng hangal na madla.
Samut-saring anyo't samyo
Ng opyong bumabawi ng
Bait at hinanakit sa buhay
Ngunit masugid na patrong
Naghahasik ng biyaya
Sa anyo ng
bote
pakete
lata
spaghetti
langaw
lumot
bangaw
ipis
lotion
******
burak
darak
barya
kariton
prosti
sutana
artista
politiko
pulis
tsismis
atbp.
Nov 3, 2013
Nov 3, 2013 at 3:23 PM UTC
Una **** minahal, una **** pinahalagan,
Una **** nakarelasyon, pero una kang pinalitan.
Pinakaunang nangako na walang iwanan,
Pero parang politiko, pangako'y biglang napako.
Mahirap kalimutan sapagkat parte ng nakaraan,
Mahirap burahin, 'di katulad ng mga sulat sa blackboard,
Na pwedeng palitan at baguhin gamit ang chalk at eraser,
Kasi parang tinik, bumabaon kahit memorya nalang ang kahapon.
Kay sakit isipin na yung taong nangako, yung taong minamal mo ng totoo,
Yung taong akala **** hindi ka sasaktan, at yung taong handa kang ipaglaban,
Yung taong akala **** mananatili ng walang hanggan,
Ay estranghero at alaala na lamang,
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 6:09 AM UTC
Hin-o ba in makakabaton hine nga akon pakiana
Nga kon diin inen katilingban napupuno hin pagruha-duha
Marisaw bisan ka kumain padayon an pangarawat
Kulang nala ako in mamangno hini dinhi nga ngarat.
Adton mag-aramyaw dire na naggigi-asihay
Bisan man magkasugat ha dalan in waray na buslungay
Adton magkakapamilya natutuyaw hin pasukod-sukod
Ginhihinay-hinay pag-ruba han ira madig-on nga katukod.
Adton mga tawo in nawawara an kamag-sarangkay
Pipira pira la iton nga politiko pero yinukot-yukot it nag-aaway
Na aalupan na hin grabe nga kahugaw iton hangin
Waray na an pagka-urusa, adton anay mag-upay yana in nag-lain.
Dire na ada kita nakakabati hadton guliat han gugma
Kay nalulumay na kita hadton ka-ipa han kwarta
Waray na adton anay maupay nga pagkasaragbot
Nagpabilin nala yana an kaawa ngan an makalilisang nga kahalot.
Adton iba in nasasagipo la han pag-pinadungog
Nadugang la lugod inen panahon hin pag-alinsuog
Dire na man gud mahimo na ha kada tagsa magpa-abat hin gugma
Kay bisan ngani iton karagta-tawa ngan mga ngirit plinastikay nala.
Ambot uunanhon ko la ine hin pagbaton
Pakiana nga makuri gud usahay intindihon
Nahingain na an mga tawo nga nagkaka-abuyon?
Dire ba kita puydi pumili nga dire salapi iton rason?
Unta sangkay, abrihan mo iton imo huna-huna
Ha mga pabati ngan pagpakaraot dire ka unta magpadara
Kay inen piniliay sagrado gud ngan baraan
Ayaw pag pasipara pagdum-it hadton imo ngaran.
Unta imo madunggan kon ano man iton yakan han imo dughan
Ngan adton boses han kamatuuran imo unta pamati-an
Ayaw pahulop hinin nagliliyong liyong nga konsumisyon
Intindiha nala kay amo ine an darahig han eleksyon.
Jun 23, 2025
Jun 23, 2025 at 9:55 PM UTC