Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinupuna" poems
Ang nakaupong tiwali— siya ang binoto ng masa. Sa manggas ng kanyang barong, panganib ng maralita May kinang ang kan’yang ngiti mapungay ang mga mata Sa bawat pangakong lahad ay pagsibol ng pag-asa. Pag-asa na tayo'y ligtas ay naging katakot-takot. Para raw sa Inang Bayan, peligro na nakabalot. Ang salitang bulaklakin ay daglian ding nalanta kapalit ang pagtungayaw, at banta ng direktiba. Hindi natin inasahan— bahid ng dugo sa daan. Mga kamay, nahugasan ngunit hindi ang lansangan. Sa lapida nakaukit ngalan ng mga biktima. Sunod kayang tatahimik ang silang may pinupuna? Hapis ng inang nawalan, “Crispin, Basilio, anak ko,” oyayi ng Inang Bayan. “Pasismo! Peligro rito!”
0
Aug 22, 2020
Aug 22, 2020 at 10:55 PM UTC
Danak ng Dugo
Isa kang manunula na karapat-dapat magmahal at maging masaya. Isa kang tula Na may angking ganda Na minsan ay hindi maintindihan Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan Minsan pinupuna ng iba Dahil hindi sila nito pinapasaya Hindi nila alam Paano mahalin ang tula Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago Wag kang makinig sa kanila Ikaw ang tula at manunula Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza Yakapin mo ang sarili **** ganda Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba Ako’y tanging nagbabasa lamang Nagmamahal at nagsusuporta Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:58 AM UTC
Kaibigan ko,
gulong-gulo sa sistema nagbabagong mga klima nauubusan ng salitang maitugma sa gabing malamig, ikalabing-lima namamaalam, dating eksena eksenang nabuo sa pantasya binabalot ng tuwa't halina tuluyan nang dumidistansya tila'y pilit pinupuna sandaling naglalaho na tuwing nasisilayan binabalot ng iyak ng paglisan kumukupas na ang mundo memoryang nakakandado nawa'y mapagtanto nawa'y mapagtanto
0
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:26 PM UTC
Untitled
Wala patutunguhan sa hiwas na landas Bawat gawain ay kanyang pinupuna Tinutuligsa ang mga munting kamalian Palaging umiinit ang ulo at sumisigaw kahit marami ang nakatingin Sa ikaapat at huling taon ay sa umpok ng kumikislap na dyamante Di naman irisponsable sa klase - maayos ang mga marka Sa pagtatapos walang anino doon ng itay kaya agad lumabas ng paaralan nang walang bahid ng pagkagalak Agrikultura ang kinuhang kurso Nang ikalawang taon na sa kolehiyo'y naparool ang anluwagi - ama'y nahulog at napilay sa gusaling itinatayo Hindi natanggap ang kanyang kapalaran kaya laging tumutungga ng alak Nagpasya na huminto sa pag-aaral para may kumandili sa kanya Pinapagalitan man ay di pa rin nagawang magsawa Sadyang maliit ang lupain ng San Arden Sapagkat nakasalubong si Dessa Halata sa mga mata na mayroong kinikimkim Pagbabalisa sa gabing madilim
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 5:42 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #48
kapayapaan paano mararanasan? kung kapwa mo pilipino tingin sayo kalaban kada talikod mo nagagawa kang pag-usapan mga taong hanggang dun nalang at di kayang masabi ng harapan maituturing bang kapayapaan ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila? mga literal na utak talangka lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna. kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na." Daig pa ang hukom kung manghusga ubos ang salapi, sa kakapusta sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba. pati pagiging mapangmata, ginawa ng katawa-tawa. paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan? kung ayaw **** iwanan dati **** nakasanayan niluluwa mo pati sarili **** bayan, nagmamataas kahit wala pang napatunayan. hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
0
Mar 8, 2025
Mar 8, 2025 at 12:35 PM UTC
Kapayapaan
Tila walang saysay ang pinupuna ng nasa harapan Mula dito sa likod halos wala nang mapakinggan Dahil sa dumadagundong na makinaryang sobrang ingay At ang musikang tumutugtog na napakatamlay Ngunit sa kabila ng lahat isang tunog ang narinig ko Ang biglaang pagtibok nitong munti kong puso Kahit wala na talaga akong tuluyang marinig Alam ng aking tenga na ang puso ko'y ikaw ang iniibig
0
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 8:33 PM UTC
"Sa kabila ng Ingay"