Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinsala" poems
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan; Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n  ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Nov 27, 2011
Nov 27, 2011 at 8:42 PM UTC
Takipsilim
Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin Ang mainit na bugso ng damdamin Bawat paghampas at kumpas, Hindi ko alam kung saan dadalhin Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa Walang kamalayan sa ating pakakahantungan Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado, ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako. Nangungulila sa mga mata **** nangungusap Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan Kailan ko kaya ulit ito matatanaw Madaming hindi pagkakaintindihan Nauuwi sa sakitan Hindi mabilang ang kapintasan Na bumabalot sating samahan Tila bagyong walang dala kundi pinsala Pagmamahalan nating puno ng pangamba Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala Nakatatak sa puso't ispian Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan H'wag na sanang sumikat ang araw Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin Ang bawat minuto sa iyong piling Marami ang hindi kayang unawain Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon Ano bang alam nila? Bukod sa kutyain tayo Sabi nila baliw tayong dalawa Hindi inalintana ang sinasabi ng iba Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin, Sa ating dalawa Ngunit naging malupit ang mundo, marupok ka at mahina ako. Hindi na kita kilala Hindi mo na ko tinitignan sa mata Tinalikuran ang sarili kong giyera at pinaglaban ka Patuloy kong sinasabi sa'yong, "Mahal, andito lang ako. Kumapit ka." Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga Labas sa kabila Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili, hindi ako susuko. Tuwing ipipikit ko ang mga mata, hindi maiwasan ang pagtulo ng luha. Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa. Pero ang tanong ng utak, para san pa? Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan, gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman. Naging manhid ka saking sakripisyo, Patuloy akong pinagtabuyan. Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa, halos isuka na natin ang isa't-isa Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan kung bakit patuloy parin nating sinubukan Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan Ang haplos **** nung una'y malumanay naging mahigpit at puno na ng galit Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala ang mga salitang, "mahal kita" Anong ginawa natin sa isa't-isa? Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
0
May 13, 2016
May 13, 2016 at 8:24 AM UTC
Pagmamahalang sira

Continue reading...
68
Sino nga ba ang pipiliin? Ako'y nalilito sa babae'ng mamahalin, Parehas na inaangkin, Sino nga ba ang mamahalin? Sila'y parehas na mahal, Parehas na espesyal, Parehas na minamahal, Sino nga ba ang orihinal? Puso'y nalilito, Ang puso ko'y magulo, Sino nga ba ang paborito? Sino nga ba ang gusto? Parehas na ayaw mawala, Pinipiglan ng masasayang alaala, Pagmamahal sa ka nilang dalawa gusto nang mawala, Upang dina makagawa ng malaking pinsala,
0
Oct 17, 2018
Oct 17, 2018 at 11:34 PM UTC
Nalilito
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana Mula sa silangan ng iyong bintana Ang yungib at sulok ay aking pinapana Pagmasdan ako'y walang nakagagawa Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa Huwag nang subukan pakiusap ko nawa Sa payo ko ay makinig at matuwa Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa Sa paghihirap mo ako ang nananawa Sanggol na nagugutom na nagngangawa Hala gawa, nasa Diyos ang awa! Pakanluran ang aking binabagtas Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas Paumanhin sa kapangyarihan kong batas Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas Lulubog kung marating ang hangganan Magbabadya na ang kadiliman Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 4:06 AM UTC
Araw
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik. Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba? Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit. Nalulunod ako sa mga luha sa bawat oras ng pagkadapa, Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati; 'Sang pinsala dulot ng pag-ibig na nawaglit lang ng bigla Nasa'n ka na nga ba? Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali. Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal, At sa pagdating ng hating-gabi, ginagapos ng lubid ng karimlan: Walang mahagilap na dahilan sa paglayo mo mula sa 'king piling, Bukod-tanging kahapon na lamang ang aking sinusubukang gunitain. Subalit gulo ang s'yang aking batid, pait ang s'yang aking lasap; Ni walang kapayapaan, ni bigkis man lang ng galak. Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan? Nasa'n ka na nga ba? At kung hindi ka pa rin darating, sa panahong mundo na'y magdidilim, Maghihintay pa rin ako sa 'yo hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:22 PM UTC
NASAAN KANA NGA BA?