"pinapamukha" poems
Nangako ako sayo na poprotektahan kita kahit anong mangyari
Nagsinungaling ako
Dahil noong araw na pinulikat ka habang nasa gitna ng dagat
Na sobrang lalim na hindi mo na makita ang ilalim
Hindi kita nasagip
Nangako ako sayo na iingatan kita ng di nagdadalawang-isip
Nagsinungaling ako
Habang naghihingalo ka at humihingi ng saklolo
Wala akong nagawa kundi tignan ang paghampas ng mga alon
Pinapamukha na bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy
Nangako ako sayo na hindi kita papabayaan mag-isa
Nagsinungaling ako
Hinayaan kita malunod at hatakin pababa ng iba't ibang lamang dagat
Hinayaan maubos ang hangin hanggang sa huling hininga
Pinanood lumubog ang mga matang kasing ganda ng mga perlas
Pasensya ka na at nagsinungaling ako
Dahil akala ko matatakasan ko ang sariling anino
Pasensya ka na at hindi kita nailigtas
Hinayaan ko na may ibang sumagip sayo dahil kung ako 'yon
Baka pareho lang tayong lumubog at malagay ka lalo sa panganib
Pasensya ka na at lumutang ang mga pangako
Na sabay lalanguyin ang lawak ng buhay
Sisisirin ang lalim ng ating mga pangarap
Sasalubungin ang mga problemang dadaong
Iiwasan ang mga dikya na dulot ng nakaraan
Kaya patawad dahil ngayon lang napupuno ang pagkukulang
Wag ka mag-alala,matututunan ko din tumalon ng walang alinlangan
Susubukan maabot ang dagat na tinatahak mo kahit gaano pa ito kaalat
Pero sa ngayon, pasensya muna unang nagpakilala ang takot kaysa sa lakas ng loob
Pasensya dahil tinangay tayo ng alon palayo sa isa't isa
Oct 15, 2016
Oct 15, 2016 at 4:33 AM UTC
Mga ala alang mahirap ibaon
Mga pagkakataong Ayoko itapon
Ayokong matapos
Kasi alam ko mawawala ang kaibigang minahal ko ng lubos
Habang patagal ng patagal
Pilit ko ding sinusugal
Maging ok Lang tayo
Hindi yung ganitong unti unti ka ng lumalayo
Unti unti **** pinapamukha na hindi ako naging parte ng iyong mundo
Asan yung dating ikaw at ako na magkasundo
Bakit biglaang nag bago?
Bakit biglang nag laho?
Ang masakit pa’y Hindi ko alam kung bakit para bang gusto **** itago
Ano bang nangyari?
Ako ba’y May pag kakamali?
Kasi Hindi na ako mapakali
Gusto ko yung dati
Kaibigan lang kita pero bakit nasasaktan ako
Bakit pakiramdam ko ako’y iyong niloko
Bakit ganito Hindi ko na maintindihan
Bakit Paulit ulit nalang akong nasasaktan
Ayoko na nito gusto ko yung sigurado
Ayoko mang maging aminado
Pero siguro nararapat na malaman mo ang totoo
Gusto na kita, Oo
Pero bakit ganun?
Bakit ka nag bago...
At sa huling pag tingin ko saiyo
Ito na ang huling katagang babanggitin ko
Bakit ka nga ba nag bago?
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:12 AM UTC