Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinapaganda" poems
Dalaga na si kuya, Kaya hindi ko na siya ginagaya Sabi kasi ni papa Kasalanan daw ito at masama Dalaga na si kuya Gamit niya ang palda ni mama Kasama si ate rumarampa Sa mga mapanghusgang mata Dalaga na si kuya Sa pagupitan siya’y makikita Ibang tao kaniyang pinapaganda Upang may maiuwing pera Dalaga na si kuya Ngunit, nagkakamali si papa Pagka’t si kuya ang pumupuna Ng mga pagkukulang niya
0
May 24, 2019
May 24, 2019 at 9:21 AM UTC
Ang Pagdadalaga ni Kuya