Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Daniella Torino Jun 2017
Natatandaan ko pa
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating  o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.


Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.



Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.


Tapos heto,
hahanapin pa rin
ang kahulugan ng kahulugan,
ang salita ng salita
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang pag-ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
miski tumakbo pa-timog o hilaga
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,  
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.  
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang inakalang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang inakalang paghahanap ay kasunod ang kawalan.
Ngunit,
ako’y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
tumalon man sa iba’t-ibang pagkakataon,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba,
kahit daan ma’y baluktutin o gawing makitid,
walang pag-aalinlangan akong magpapatuloy
sapagkat bawat daan ko’y pabalik lamang sa’yo.  
Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at bubulong ng,
“ikaw ang dulo, gitna at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang kahapong ilang milyong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.

Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil,
hindi na ako naiinip sa bagal o bilis
ng paggalaw ng kamay sa aking relo
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
Kay tagal kong hinintay
ang pagkakataong mabuo ang aking ‘pagiging’
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.


Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
*sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang pag-ibig mo.
Marge Redelicia Dec 2013
Lilingon-lingon upang makakuha
Ng isang sulyap, isang silip
Hanggang sa tinalikuran mo na ng
Tuluyan
Ang kalayaan
At hinayaan mo ang sarili mo
Na bumalik
Sa selda na iyong pinanggalingan, nakasanayan

Pero hintay, hinto!
Hindi kita papayagan na magkaganito
Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit
At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi
Wala akong mga karanasan at payo na pwedeng ibahagi
Pero susubukan ko na
Baliktarin ang iyong simangot sa isang ngiti
Makatulungan sana nang kahit kaunti
Sa mga sugat mo na humahapdi

Ilagay mo ang iyong mga kamay
Sa akin
Ikaw ay aking hahawakan,
Hinding-hindi ka bibitawan
Ikaw ay sasamahan lakarin
Ang nakatakdang landas
Na kailangan **** tahakin
Sa dami ng mga lubak at lindol
Siguradong tayo'y madadapa rin
Pero huwag mo na 'yun isipin
Kasi anumang mangyari
Kahit kailan, kahit saan
**Ikaw ay aking iibigin
nathansolmeo Apr 2018
Isang karangalan ang pagiging *** laude para sa isang mag aaral. Karangalan na siyang hinahangad ng karamihan ngunit iilan lamang ang nagkakamit. Isa sa mga nagkamit nito ay si Hannah Isabelle D. Mendez. Ngunit sino nga ba si Hannah?Isang mag-aaral mula sa URSC na kumukuha ng kursong BSIT. Gusto mo bang mas kilalanin pa natin siya? Halina’t samahan mo ko.
Kanyang pinanggalingan...
Si Hannah ay ipinanganak noong Agosto 21, 1997. Bunsong anak sa dalawang magkakapatid nina Cristeo at Girlie Mendez. Simple lang ang naging buhay ni Hannah. Lumaking mabait, masipag at may takot sa Diyos kahit na mula siya sa isang 'broken family'. Naghiwalay ang kanyang mga magulang nang siya ay nasa ikatlong baitang. Masasabing hindi madali ito para sa kanya dahil nais niya ay buo at masayang pamilya ang makakasama niya ngunit sa pagsisikap at pagtitiyaga ng kanyang ina, naging matatag at matapang si Hannah.
Kanyang hilig…
Si Hannah ay mahilig magsulat, manuod ng mga pelikula at magbasa lalo na ang mga libro na akda ni Colleen Hoover. Ang pagbabasa ang naging pampalipas oras niya at nakakapagpasaya sa kanya. Maraming bagay ang kanyang natutunan bunga ng kanyang pagbabasa at isa ito sa naging dahilan ng kanyang mga kaalaman na nagdala sa kanya ngayon bilang *** laude.
Simula ng hamon bilang mag-aaral…
Noong bata pa si hannah, wala siyang interes sa pag-aaral. Tulad ng ibang kabataan, kasiyahan lang ang kanyang hinangad pero dahil sa kanyang naging **** noong elementarya, naging bukas ang kanyang isipan sa pag-aaral.
Nakapagtapos siya ng elementarya ng may medalya bilang ikalawang karangalang banggit, sumali sa iba't ibang kompetisyon tulad ng Nutri Quiz Bee - 4th place, Hekasi Quiz Bee -2nd place (Elementary, District level) at sa Highschool 15th place sa Sports Page (RSPC) 1st place Drama fest (School level) journalist at naging presidente ng isang organisasyon noong hayskul.
Sa pagtuntong ng kolehiyo, naipagpatuloy niya ang kanyang pagiging aktibo. Nahalal siya bilang kalihim (S.Y.2015-2016), pangalawang pangulo (S.Y. 2016-2017) at 4th year representative (S.Y. 2017-2018) ng BITS Organization. Naging miyembro din siya ng KASALI Organization taong 2014-2018.
Nang tanungin siya kung paano niya nagagawang pagsabayin school activities at academics, simple lang ang naging sagot niya, “Basta masaya ka sa ginagawa mo, magagawa mo lahat at naniniwala kase ako sa ibinigay sayo yung bagay na yun dahil kaya mo".
*** laude…
Hindi naging madali kay Hannah ang maabot kung anong mayroon siya ngayon. Dumating siya sa puntong hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Nariyan ang school works, church duties, family problems at dagdag pa ang mga nagsasabing hindi niya kaya ang kursong IT pero kalaunan napamahal na siya dito. Goal na ni Hannah maging *** laude pero hindi niya ineexpect na makukuha niya ang karangalang ito.
“Sobrang saya dahil ipinagpanata ko ito sabi ko kung para po sa’ken ito, Kayo (Ama) na po ang bahala and then nung nalaman ko na isa ako sa *** laude, hindi ko alam gusto kong sumigaw sa galak, sobrang nakaka—overwhelm.”, wika niya.
Tanging inspirasyon niya ang kanyang pamilya para makapagtapos at maabot ang lahat ng kanyang pangarap.
"When the opportunity knocks on your door, always be willing to give it a chance, 'yan lagi nasa isip ko para wala akong pagsisisihan at always give your best shot sa lahat ng ginagawa mo", wika niya ng may halong ngiti sa kanyang labi.
Tunay ngang nakakagalak ang kanyang pagsusumikap upang makamit ang kanyang minimithi. Mula sa buong pamilya ng URSC, proud kami sa iyong pagdadala ng karangalan!
Eugene Oct 2018
"Anak, ilang oras na lang, aakyat ka na sa entablado. Proud na proud ako sa iyo, anak" wika ng kaniyang ina habang inaayos ang suot niyang toga. Isang matamis na ngiti naman pinakawalan ng binata at niyakap nang mahigpit ang ina.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya.

Ang araw na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ang araw na pinaka-pinanabikan niyang dumating sa buong buhay niya.

"Anak, mauna ka na muna roon sa unibersidad at ako ay susunod na lamang. May tatapusin lang ako rito sa ating tahanan. Hindi puwedeng hindi maganda ang iyong ina kapag akay-akay kitang nagma-martsa,"  Isang halik sa pisngi ang iginawad ng ina sa anak.

Lumipas pa ang dalawang oras, isa, at hanggang sa naging tatlumpung minuto na lamang ay hindi pa rin nakikita ng binata ang kaniyang ina. Kabadong-kabado na siya nang mga sandaling iyon.

"ROGEN! ROGEN!" sigaw ng isang tinig. Hinanap ni Rogen ang pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang hingal na hingal na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Bakit tila hapong-hapo ka, Arwan?" aniya.

"Ang--ina. Ang-- iyong ina! isinugod sa ospital ang iyong ina,"  agad namang kumaripas ng takbo si Rogen, suot-suot ang togang mayroon siya upang puntahan ang pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan nang marinig ang tungkol sa ina.

Habang tinatakbo ang daan patungo ay hindi napigilan ni Rogen ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Nang marating ang ospital ay agad niyang pinuntahan ang information desk. Sinabi ng nars na nasa emergency room ang kaniyang pakay at hindi pa nakakalabas ang doktor.

Pinuntahan niya ang emergency room at doon ay natagpuan niya ang sariling kausap ang kaniyang amang matagal niyang hindi nakita.

"Rogen, anak," agad siyang niyakap nito. Hindi naman nakapagsalita si Rogen dahil ang puso at isipan niya ay nasa kaniyang ina.

"Anak, patawarin mo ako kung ngayon lamang ako nakauwi at hindi ko inasahang sa muling pagkikita namin ng iyong ina ay aatakihin siya ng kaniyang sakit sa puso," mulagat ang mga mata ni Rogen nang marinig ang salitang iyon. May sakit ang kaniyang ina at hindi niya alam? Inalalayan siya ng kaniyang ama na umupo at doon sinabi sa kaniya ang lahat.

"Anak, graduation mo ngayon. Kabilin-bilinan ng iyong ina kanina bago siya atakihin ng kaniyang sakit na kailangan **** daluhan ang pagtatapos mo. Wala man siya o nasa tabi mo man daw siya ay dapat personal **** abutin ang diploma mo at ang medalya **** apat na taong mo ring pinaghirapang makamit," patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang siya ay humahagulgol na. Ang medalyang iyon sana ang sorpresa niya sa kaniyang ina pero mukhang nalaman na rin niya pala ito.

"Mayroon ka na lamang sampung minuto upang bumalik sa unibersidad at kunin ang iyong medalya at diploma, anak. Ako na ang bahala sa iyong ina. Alam kong bibigyan pa siya ng Panginoong makita ang medalya at diploma mo. Tuparin mo ang bilin niya, Rogen."

Kahit mabigat sa kalooban ay pinahiran ni Rogen ang kaniyang mga luha at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginantihan niya ang yakap ng kaniyang ama at mabilis na tumakbo palabas sa ospital .

Sampung minuto na nang makalabas siya sa ospital.

Siyam na minuto nang pumara siya ng masasakyan at dali-daling sumakay dito.

Walong minuto nang magsimulang umandar ang dyip.

Pitong minuto nang biglang bumagal ang usad ng mga sasakyan.

Anim na minuto nang iabot ni Rogen ang bayad sa drayber at naghintay pa ng isang minuto.

Limang minuto at hindi na nakatiis si Rogen. Bumaba na ito ng dyip.

Apat na minuto na at hindi na niya ramdam ang init nang mga oras na iyon maging ang mga nakabibinging busina ng mga sasakyan sa kalsada.

Tatlong minuto na at nasa tapat na siya ng unibersidad. Ang lahat ay nasa loob na ng convention hall.

Dalawang minuto na at kailangan niyang magmadali dahil dinig na dinig na niya ang pagtawag sa mga apelyido ng magsisipagtapos na nagsisimula sa letrang "B".

Isang minuto na at sa wakas narating din niya ang convention hall. Tamang-tama lang dahil buong pangalan na niya ang tinawag ng EMCEE.

"Batobalani, Ujuy Rogen, MAGNA *** LAUDE!"

Basang-basa na ng mga luha ang togang suot ni Rogen nang mga sandaling iyon pero taas-noo pa rin siyang naglakad upang umakyat sa entablado. Nanalangin sa isipang sana ay huwag munang kunin ang kaniyang ina.

Nang makaakyat ay binati siya ng mga naroon at isinabit sa kaniya ang kaniyang medalya.

"Everyone, let us hear the message of success to our first ever Magna *** Laude of West Visayas University - College of Education, Rogen Ujuy Batobalani!"

"Isang maikling talumpati lamang po ang aking ibibigay sa kadahilanang hindi ko po nakasama ang aking ina rito sa entablado upang magsabit sa akin ng aking medalya. Nasa emergency room po siya ngayon at nag-aagaw buhay." muli na namang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Sa aking ina, nais kong malaman mo na walang araw na hindi ko inihahandog ang mga gantimpalang nakamit ko sa unibersidad na ito. At itong medalyang ito at ang diplomang kukunin ko ay para sa iyo. Para sa walang sawang pag-suporta mo sa akin. Para sa araw-araw **** pagpapaalala sa akin na ang buhay ng isang tao ay parang isang mahabang tulay na may iba't ibang uri ng balakid sa daang kailangang suungin, at lagpasan ng may lakas ng loob, tiwala, at malakas na kapit sa ating Panginoon upang makita ang dulo nito. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa iyo, mahal kong ina. Mahal na Panginoon, maraming salamat din po at nagkaroon ako ng isang inang katulad niyang mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal. Alam Niyo po ang iniiyak ng aking puso at nawa ay Iyo po itong pakinggan."

Ang hindi alam ni Rogen, matapos ang maikling talumpating iyon ay siya namang pagtigil ng tibok ng puso ng kaniyang ina sa ospital.
Nalugmok sa labis na kalungkutan,
ako'y namulat sa katotohanan.
Tila nagbago ang mga pananaw,
ngayo'y pangarap ay di na matanaw.*

Mabibigat na balakid, lahat ay nalampasan
ngunit bakit ang isipa'y nabagabag ng karanasan?
Muling binalikan ang masalimuot na nakaraan,
ibinaling ang tingin sa masahol na pinanggalingan.

Nalason ang isipan sa pag-apaw ng damdamin
ang hapdi at kirot, bumalik lahat sa akin
Matagal na mula nang manghilom ang mga sugat
ngunit nariyan parin bilang tanda ang mga peklat.

Hindi ko labis maunawaan ang lungkot na nadarama
Gulong gulo ang aking isip at hindi makapagpasya..
Tiyak na ang kahahantungan ko'y hindi kaaya-aya
Hanggang sa dulo pa ba ako'y magpaparaya?
Ang mala-dramatikong interprasyon ng aking nakaraan

© Cyrille Octaviano, 2015
Lev Rosario Sep 2021
At kumawala ako sa panahon
Ako
Hawak ang camera
Pagkatapos kunan ng letrato
Ang pamilya
Sa lumang bahay
Na unti unting ginigiba
Nang mga elemento

Sino ba ako?
Sino itong mga kasama ko?

Nasa dulong kanan
Ang aking tinatawag na Ina
Naka puting T shirt
At itim na pantalon
Malaki Ang ngiti
Pero tila may tinatago
Sa likod ng mga mata

Nasa dulong kaliwa
Ang aking tinatawag na Tito
Bitbit ang kanyang Dachshund
Ang anak ay
Hindi imbitado sa handa
Yumaman sa pagtatrabaho
Sa Estados Unidos

Sa Gitna
Ang aking tinatawag na Lola
Hindi na ngumiti
Ubos na ang mga araw
Kung saan siya'y napapangiti
May sugat na hindi na gumagaling
Dahil sa Diabetes

Nakapaligid Ang iba
Mga pinsan, Tito at Tita
Makukulay ang suot
Maiingay at matatakaw
Bata at matanda

Lahat ng ito
Kasama ako
Nanggaling sa iisang matris
Mula bata hanggang pagtanda
Nakipagsalamuha, naglaruan, naglakihan, nagmahalan, nag awayan...
Ito kami
Ito ako

Ano ang ibig sabihin nitong lahat?

Nakatitig ako sa letrato
Habang natunaw ang madla
Maya't maya ay uuwi na
Sa kani-kanilang tahanan
Iisa ang pinanggalingan
Saan ang patutunguhan?

Sino ba ako?
Sino itong mga nasa letrato?

Ako ay may ina
Ang aking ina ay may ina rin
At ang ina ay may ina rin
At ang ina ng ina ay may ina rin
At ang ina ng ina...

Katabi ng aking Tito
Ang panganay na pinsan
Muntik nang mamatay sa dengue
Noong kabataan
Naghahanap na ng trabaho
Naghahanap na rin ng girlfriend

Bawat isa ay may pangarap
May iba't ibang Diyos
May iba't ibang lengguwahe

Ako
Ang tagakuha ng letrato
Sino ba ako?
Miyembro ng isang pamilya
Estudyante, kapatid, anak, pinsan, pamangkin, kaklase, kalahi
Tagasulat ng tula na ito
Tagakuwento ng mga nakalimutan at  makakalimutan
Tagapagmahal ng mga taong pwedeng mahalin
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
zoe May 2017
unang latag ng lupa,
nangabubuhay dahil sa
tapak ng walang kamalay malay
sa pinagdaanan nito.
dala ang delusyon ng buhay
kapalit para sa bayan,
kapalit para sa kalayaan.
lumamin,
ay mahahayag ang
luad
tumutulad sa kulay ng
dugo.

alam ng bulaklak ito,
kung sundan ang pinanggalingan
magugulat sa makikita;
ang kababayang
kinalimutan ang kanilang madugong,
matimbang,
maalamat
na mga pangalan;
inalala ng halaman.

                 sementeryo,
bawat hakbang, walang respeto
bawat hakbang, nadudumihan
ang mga mukha ng (bayani)                   taksil
(pinaglaban)                                       trinaydor ang
kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga
sambayanang pilipino)
tinubuang lupa

                  sementeryo,
kaya't malalim ang pananampalataya
sino bang hindi
maadwa,
maawa?
bawat segundo may dadasalan
bumagsak;
at lumalalim ang kulay ng
                                       pula.

                 sementeryo,
kaya't pagbagsak ng
alas quatro ng umaga;
nananahimik ang bayan.
katahimikan para sa patay;
         walang sisigaw.
ginagambala ang kapayapaan.
sa ilalim ng lupa,
ang katahimikan hindi makamtan.
lahat sila'y gising,
lahat sila'y

                                                         sumisigaw.

                 sementeryo,
ang   tahanan       ko'y         sementeryo,
kaya't manahimik
at irespeto ang patay;
ang mga mamayang madamdamin
at malakas ngunit
                                                        pi­natahimik.
tayong buhay
               nananatiling patay.
silang patay
               nananatiling buhay.

isang siklo.
lalalumin lahat ng lupa
ng hindi sa tamang oras;
isisigaw ang K A R A P A T A N !
isisigaw ang M A L I !
isisigaw ang H U S T I S Y A !

H U S T I S Y A
H U S T I S Y A
H U S T ngunit walang makakarinig.

ang nakabukang bibig
mapupuno ng tinubuang lupa
na tinaksil ang lahat
ng katulad natin.

walang makakarinig
kahit buong daigdig
                                                         ­                 manahimik.
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
060522

Marahil salungat ang lahat sa ating pagsagwan
At baka sinasabi nilang
Naging iba na rin ang ating pamamaraan
Sa pagtuklas ng sining na buhat pa sa nakaraan.

Tila ba nais nila tayong patahimikin
Gamit ang mga balang kinimkim ng ating damdamin.
Hanggang sa tayo’y mabihag sa mga himig na iiba ang ritmo
Sa ninanais nating komposisyon.

Bagamat ito ang landas na payak para sa nakararami —
Ang landas na ang lahat ay handa nang tumaya't sumugal
Ngunit hindi, hindi pala ito para sa ating lahat —
At masasabi nating iba ang sinisigaw ng pulso nati't kaluluwa.

Sa mga pahinang ginuguhitan ng iba't ibang tinta'y
Tanging tayo lamang ang higit na may kakayahang kilatisin
Ang bawat guhit sa ating mga palad
At ang mga mantiyang hindi natin mawari sa simula
Kung saan ba ang pinanggalingan ng mga ito.

At sa muling pagdungaw natin
Sa sisidlan ng ating mga kaluluwa’y
Mahahanap din natin ang mga kasagutan
Sa pakikipag tagu-taguan natin sa mga lunas
Habang makakapal pa ang mga ulap na ating pilit na hinahawi.

Marahil nasisilayan nila tayo sa lente
Kung saan sila'y nakamulat na
Habang tayo'y kumakapa pa sa dilim —
At ang sinasabi nilang gintong mga salita'y
Nagmistulang mga malalaking batong balakid
Patungo sa liwanag at kalayaan
Na nais nating tuklasin nang mag-isa.

Marahil hindi nila tayo maintindihan
Sa mga oras na ang lahat ay abala
Sa pagsuong ng kanya-kanyang mga bangkang papel
Patungo sa tubig na dulot ng di kanais-nais na panahon.

At walang sinuman ang may kagustuhang maguho
Ang binubuo nating larawan sa ating mga isipan
Habang tayo'y pinagmamasdan ng  mapanghusgang lipunan
Kaya tayo'y tumitiklop sa halip na bumabangon nang kusa.

Gayunpaman, kalakip ng ating pagtalikod
Sa samu’t saring mga palamuting
Makinang pa sa ating mga kasuota’y
Doon pala natin maihihimlay ang sarili
Sa rurok na dati’y atin lamang na sinisilip at tinitingala.

Hubad ang ating mga pagkatao
Kung saan ang ating tinig ay hayagang mamaniubrahin
Ang mga kalansay ng kahapong humila sa atin pailalim
Habang tayo'y pansamantalang naging libingan
Ng mga baon nating kadilimang araw-araw nating hinihimay.

Ang ating pagsambit ng mga katagang
Tayo lamang ang nakaiintindi
Ay isa na palang patandaan
Na tayo'y dahan-dahan nang nakakaahon.

Bagamat walang hiyaw na sumasabay sa nais nating tagumpay,
Walang aninong nagbibigay-tulong
Sa bawat kahong ating binubuksan
Ngunit patuloy pa rin tayong papadyak at magpepedal.

Patuloy tayong lilipad higit pa sa ating mga imahinasyon
Kahit tayo mismo’y walang kamalay-malay
Kung saan tayo kayang tangayin
Ng mga saranggola ng kahapon at ngayon
Na ating kusang-loob na inialay na sa himpapawid at kalangitan.

At kung ang pagsagwan man nati’y salungat sa nakararami,
Ay patuloy pa rin tayong magtataya para sa ating mga sarili.
Patuloy na hahakbang at magpapasala sa umaalab na apoy,
At baka sakaling sa paulit-ulit na pagsubok nati’y
Ito na ang maging simula ng muli nating paglipad.

Maubusan man ng balahibo ang ating mga pakpak
Ay walang sawa tayong magbabalik sa simula —
Sa simula kung saan ang pag-asa
Ay tila ba kurtina sa ating mga mata
At waring nag-iisang diyamanteng kumikinang
Na handa nang igawad sa atin ng panahon.

Kung ito ang hamon sa larong alay ng tadhana'y
Tayo mismo ang kusang mag-aalis sa puwing sa ating mga paningin.
Magbibihis tayo hindi gamit ang lumang mga kasuotan
At gagayak na tila ba hindi tayo nasugatan
Buhat sa giyerang ating pinanggalingan.

Bagamat ang mga sugat sa ating katauha'y hindi natin maikukubli,
Ngunit ang mga ito'y magsisilbing baluti't tanda
Ng ating hayagang pagsambit
Na tayo'y nanatiling matatag
Pagkat pinili natin ang pag-ahon kaysa sa pagkalunod.

At hindi tayo mahihiyang tumapak sa papag
Kung saan tayo nagsimulang mag-ipon ng pangarap,
Kung saan ang ating lakas at inspirasyon
Ay buhat sa mga Letrang mahiwaga't makapangyarihan.

Sa mga oras na tila ba mabigat na ng lahat
Ay wala tayong natirang ibang armas kundi ang pagluhod.
At marahil sa ganitong paraan di’y
Mananatili tayong mapagkumbaba.

Muli man tayong nabasag at walang ni isang pumulot
Sa mga pira-pirasong kaytagal nating pinagsikapang mabuo’t pahalagahan.
At ang dugo’t pawis na hindi natin masukat
Sa babasaging garapon ng ating mga palad
Ay nagmistulang gantimpala sa atin ng Kataas-taasan.

Ito na marahil ang Kanyang hayagang paghikayat
Na kaya pa rin pala tayong akayin ng Kanyang mga Pangako
Patungo sa milagrong kaya pang lumipad ng eroplanong papel
Na minsang ginula-gulanit na ng kahapon.

Ang bawat Pangakong iginuguhit Nya sa ating mga puso
Ay higit pa na umaalab sa tuwing dumaraan tayo sa pagsubok.
Dito natin nakikilatis kung sino ba talaga tayo
At kung ano ba ang dahilan ng ating paghinga
Pagkat hindi pa rin tayo humahantong
Sa hindi natin muling pagmulat.

At kailanma’y hindi mauubos
At hindi mapapa-walang bisa ang mga ito
Ng mga ideolohiyang isinaboy ng sansinukob
At sapilitang isiunusubo sa atin
Hanggang sa hindi na tayo mauhaw at magutom pa sa Katotohanan.

Ang ating mga luha’y hindi lang basta-bastang dumaloy
Ngunit tayo’y inanod ng ating kalungkutan,
Ng ating hinagpis at walang katapusang mga katanungan
Patungo sa karagatang muli sa ating nagbigay-buhay.

Tila ba tayo’y muling binasbasan
Na higit pa sa mga tilamsik ng magagaan na butil ng ulan.
Na wala na pala tayong ibang dapat na patunayan.
At bagamat, napagod man tayo ngunit hindi ito ang naging mitsa
Ng ating pagtalikod sa Una nating sinumpaan.

At patuloy pa rin nating nanaising bigkasin
Nang walang bahid ng pagdududa’t pagkukunwari
Gamit ang ating mga palad at ang pintig ng ating mga puso’t damdamin
Ang pinakamagandang leksyon at mensaheng
Nagmistulang medalya ng bawat pahina ng panahon.

At mawawalan na tayo ng dahilan para magduda pa
Kung ano nga ba ang magiging katapusan
Pagkat ang tanging paksa ng ating paghimbing sa mga letra’y
Ang pag-asang darating din ang ating Tagapagligtas.

Ang ating pagyukod
At pagbaling ng tingin sa blangkong pahina’y
Isa palang pagsulyap sa kinabukasang
Makinang pa sa kung ano ang natatamasa natin sa ngayon.

At sa ating pag-angat hindi lamang para sa sarili
Ay 'di natin nararapat na malimutan ang dahilan
Kung bakit nais nating lumipad
At marating ang dulo ng pahina ng sarili nating mga kwento.
VJ BRIONES Aug 2018
Kapag Namulat ka sa katotohanan
Kasalanan na ang Pumikit
Babalik sa pinanggalingan
Kalmado at hindi iimik
Ititikom ang bibig
at lulunukin ang mga salita
Papalipasin ang kanina
Ipipikit ang mga mata
Dahil sa bagong umaga
Magpapanggap na walang nag-iba
Kaya Magbubulag-bulagan
Sa pangyayari nakita

Ngunit kinakalabit ng konsensya
Kinakabahan sa nakita
Binubulong na magsalita na
At Kailangan may gawin na,
Kailangan may aksyon na

Hindi dahil sa natatakot
Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala
Hindi pagpansin sa biglang nakita
Huhulaan magiging epekto
Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao
Kaya mananatili nalang sarado
Nakabaon
Hindi iimik at itatago ang mga salita
Kahit nagpupumilit iluwa
kahel Oct 2016
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo
Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo
Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi
Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis
Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan

Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to
Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo
Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo
Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo
Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo
Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho
Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo
Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo
Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto
Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo
Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto

Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to
Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan
Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa
Ang magbabalanse sa daloy ng kwento
Kahit yun na lang tayo; sayo.
Paano kaya?

Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!

Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.

Paano kaya?

Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.

Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.

Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.

Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.

Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.

Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.

Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.

Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay.

MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
solEmn oaSis Apr 2022
ang hangin ay merong hatid na amoy
at pawang init naman ang nasa apoy
sa tubig, mayroong ahon pag nalulunod
sa lupa, may bangon yaong mga na-talisod

Bilangin Nawa Tagong Bituin ,,,,
upang hiling wagas makapiling !!!
buhangin din tila pumag-ibig ,,,
lutang ngunit saganang alamin !!!

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
kung ayaw daw maraming dahilan
Puspos o kapos, bawas o Tigib
kapag gusto raw, merong Paraan

para umigi kapupuntahan,,,
lingonin lagi pinanggalingan
sampuan man 'tong pagpapantigan,
Takaw-dinggin sa naninindigan !!!
magnilay - nilay
VJ BRIONES Jul 2018
Tapos na ang araw
Dumilim na ang kalangitan
Dumating na ang buwan
Nagliparan na ang mga bituin
Kasabay ng pagdating ng pagod
Sa napakahabang araw


Nagmamadali sa paglakad
Pagaspas ang takbo ng mga paa
Di matigil sa paghabol ng hininga
Para lang makauna sa pila at makauwi na


Mapupungay na mga mata
Walang pakialam kahit kanino
Binabangga kung sinu-sino
Nilalampasan ang mga tao
Na parang nag-aalay lakad
Hindi man lang humingi ng tawad

Kahit nabangga sa bilis ng hindi pag-iwas
Walang Pake kahit makasakit
Basta ang sarili ay makasiksik
Sa Tren,
Sa Bus,
Sa jeep,
Sa trike,

Unahang makauwi
Okay lang kahit nakatayo
Pero mas maswerte kung minsan nakaupo
At kapag may babaeng nakatayo
Pasensya na pagod ako
Pasensya na ganito ako

Nakakainis
Nakakabwisit
Kanina pako nagsasalita
Hindi parin ako nakakauwi
Nandito parin ako
Ambagal ng takbo
Ang bilis ng oras
Naipit sa daloy ng trapiko
Parang hindi nausad
at walang progreso
Parang walang katapusang byahe
na kalyeng naging preso
Tulog na ang iba, nagpapahinga
Pero ako nandito pa
Sa gitna ng kalsada
parang pagong ang pasada
Nang mga sasakyang parang gamu-gamo
Sisiksik pag nakakita ng puwang at espasyo


Tiis nalang at makakauwi din tayo
Matatapos din ang takbo nito
Hihinto sa destinasyon ng ating tahanan
Makakarating din sa ating pupuntahan
Hindi kailangang magmadali

Dahil ito ay walang katapusang
Byahe ng ating buhay
At bukas sabay nating itong sakyan

Wag po tayong magtulakan
Lahat po tayo makakauwi sa ating pinanggalingan
Hindi natin kailangan madaliin
Ang byahe na walang katapusan
Hindi sa ayokong maging masaya
Hindi sa ayokong makaahon sa lusak
na iba ang nagdala
Guni guni, pilit pinaniniwala ang sarili
yan ang akala nila.

May mabuti kang pamilya,
ilang daang tropa
magandang suporta

Sabi ng lipunan,
madali lang sumaya,
gumalaw ka, sumayaw ka,
sumulat ka ng kanta.

Hindi nila wari lahat yan ay akin ng ginawa

Depresyon ay hindi kathang isip.
Minsan parang langgam kukurot sa iyong isipan,
madalas sya ay halimaw, lalamunin ka sa madilim **** mga araw.

paano paano yan ang tanong nila.
mukha ka namang masaya, halakhak ang dala sa tuwing kasama ka nila.

ngunit di nila alam,
sa likod ng mga biro,
ay lungkot ang pinagmulan
sa likod ng mga tawa,
ay mga sigaw "ang sakit sakit na!"
sa likod ng mga talon at palakpak  
ay mga iyak na di maikubli ng aking kasaralinlan
kung pwede lang
kung maari lang
araw araw hiling ko lang ay
makaahon sa kalungkutan

kung tatanungin ako ulit,
wala kong kasagutan.
Hindi sa ayoko ng kasagutan,
hindi sa ayoko lunasan.

Hindi ko lang talaga maahon ang sarili sa bangungot na patuloy sumisira ng aking laban.
Wag nio ko husgahan,
sinubukan ko,
binigay ko ang kaya ko
pero kapag nakikita ko na ang panalo
bigla na lang ulit  itong lalayo

ngaunit hanggang andito ako,
hanggat nakikipaglaban ako alam ko
sa sarili ko may pag asa pa ako.
at ikaw rin!
alam kong malalim ang pinanggalingan
alam kong ilang beses mo ding sinubukan
alam kong palagay mo kamatayan na lang ang huling alas mo
MALI
Hindi ito ang magpapatumba sayo.
Hindi ang halimaw na ito ang tatapos ng laban mo.
Sa bawat pagdapa, sa bawat gasgas
sa bawat pagsubok ng isa pa
lahat yun napagtagumpayan mo na.
kung hanggang kelan hindi ko alam
ang mahalaga sa bawat araw na binibgyan ka ng pag asa
andun ka buhay ka lumalaban ka.
Walang tiyak ang bukas
pero wag lang mag alala
HINDI KA NAG IISA
Manunula T Apr 2018
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
#pagmamahal at Panganib
Katabi ko na sana
Ang tiyak na pag-asa
Subalit ako’y napariwara

Nang matukso ng mga kalaban
Na lumihis ng daan
At talikuran ang pinanggalingan

Kapalaran bumaluktot
Pangarap naudlot
Itinuring pang salot

Sa landas nagkandaligaw-ligaw
Nagkapundi-pundi ang tanglaw
Kinabukasan waring napupugnaw

Pati mga minamahal nadamay
Sa palubog na barko isinakay
Natibag ang mga suhay

Sa pagtakbo ng matulin, natinik ng malalim
Sa paglipad ng mataas, bituin ay nanimdim
Huwag sana tuluyang igupo sa lagim

Kung ako’y naging mahina, sana’y patawarin
Ang mabuhay nang wala kayo, hindi ko kakayanin
Nawa’y pakinggan po ang aking panalangin

Na ako’y ibalik sa tunay na pinagmulan
Ang kalyeng dilaw – matuwid na daan
At aking isinusumpang mamahalin kayo nang lubusan.

-07/31/2012
(Dumarao)
*My Twilight Poems Collection
My Poem No. 187
Clara Mar 2022
Hayan nanaman sila,
Naglalayag muli ang mga mamamahayag,
Lagalag nanaman ang bandera ng pula, berde't asul
Sa gitna ng karagatan ng mga nauupos na katotohanan,
Ang hangin ng pagbabago ay muli nanamang umiihip,
Tulak-tulak ang bangkang ginawa mula sa diyaryo't mga pangarap,

At doon,
Sa islang pinanggalingan ng mga mamamahayag,
Kung saan ang mga tao'y kasali sa isang paligsahan ng mga bangkay,
Nakatayo sa sentro ang isang pulang bahay na nagmamatyag,
Sa kanyang pader nakaukit ang mga alituntunin ng larong maingay,

Mangyari lang daw na patayin ang nagsasayawang mga apoy na nagbibigay ilaw sa pagbabago,
Mangyari lang daw na patigilin ang pagkembot ng mga bewang sa kumpas ng isang ipinagbabawal na musika,
Mangyari lang daw na mangarap ngunit tumingala sa usok ng kanyang establisiyemento,
Mangyari lang daw na maglabas ng buntong hininga ngunit huwag sanang pagkamalang pamumulitika,

Sa nayong malapit sa dalampasigan ng isla,
Kung saan ang buhangin ay nananatili pang morena't hindi pula,
Matatanaw ang isang maliit na eskenita,
Kung saan naglalakad ang mga pudpod na paang naghahanap ng pag-asa,
Ang daang malubak ngunit binuo ng pinagtagpi-tagping mga proweba,
Ay mag tuturo sa daungan ng bangka ng mga sinabing peryodista,

Ngunit pagdating sa nasabing tagong lugar,
May mahabang pilang nag-aantay sa naturang bangka,
Wari'y lahat ng talampakan ng mga tao'y dumudugo ngunit hindi namumula,
Lahat ay may dalang maleta ngunit hindi naglalayas o nawawala,

Sila'y nakapila upang antayin ang bangka,
Hindi para sumama,
Kundi para maging kalasag ng isang malayang pagpapahayag,
Para maging tagapagtanggol ng isang katotohanang nararapat makita ng lahat ng mga nabigador,
Para mapatahimik, hindi lang ang lagim ng laro,
Kundi lahat ng mga bangkay na naiwan niyang nag iingay
The poem was written as an org entry during the ABS CBN shutdown in 2020.
Shaina Placencia Mar 2021
Isang madaling araw, sa hulog ng himbing ng aking pagtulog ay dagli akong ginising,
mulat ang mga mata na tila ba hindi pa nagpapahinga, sabay ang pagkarinig sa sunod sunod na bulong, tanong...

Nag-uunahan sila na kahit na walang kasagutan, ay gigil na nagsusumiksik sa aking isipan, ako'y naguguluhan nanaman pagkat wala akong alam, hindi ko maintindihan ang rason ng kanilang pagkatok sa aking pintuan, kalungkutan... ninanakaw nanaman ako sa aking katinuan.

Walang ganang bumangon, sinundan ang mga tahimik na paghikbi, at doon sa may malaking salamin ay aking nasaksihan ang tahimik na pagtangis ang isang batang luhaan,

Walang tigil sa pag-iyak, bakas ang pagod sa kanyang mga mata, pagkagutom, pagkauhaw, pawisan na para bang malayo pa ang kanyang pinanggalingan, tahimik akong umupo sa kaniyang tabi... at doon muli ay unti-unti ko s'yang sinabayan.

Naghalo ang pareho naming kalungkutan, kaguluhan ang dala ng pagsasama naming dalawa, ngunit walang magagawa, sapagkat sa isang madaling araw ay s'ya lamang ang natatangi kong bisita.
Izha Aug 2019
Nagdurugo parin sila.
Wari bang pabalik balik ang paglalangib nila dahil kahit anong gawin **** pag-gamot ay pilit paring bumabalik ang impeksyon sa kanila

Sinubukan kong buuin sila sa paniniwalang baka katulad lang sila ng mga animo'y nagbibitak na litratong inuuwi ni mama nung ako'y bata pa sa pagasang katulad nito, makakaya ko ding buuin sila pagkatapos ay handa na ulit upang pakinabangan ng iba.

Pero ang hirap pala. Hindi nga pala madaling hanapin kung saan ang tamang pinanggalingan nila, kung saan dapat ang lugar nila.

Pinilit ko ding langgasin sila dahil ang sabi ni lola, dahon lang ng bayabas ang katapat ng bawat sugat na kumakatas sa pagasang hihilumin ng panlalanggas ang bawat butas nang hindi magtagal ito'y maging isa nalang pekas.

Ngunit, hindi padin pala kaya. Mahirap palang hilumin ang sugat na hindi nakikita ng mga mata.

Nagdurugo parin sila. At magdurugo parin sila kung patuloy silang babalikan ng impeksyon na pilit pumipigil sa paggaling nila.

At ikaw oo ikaw. Ikaw pala ung impeksyon na noon palang dapat ay inalis na.
Selena Dela Cruz Jan 2020
Mahal,  pwede ba na tayong dalawa lang?
Pumunta tayo sa isang lugar na kung saan mayroon lang na ikaw at ako
Gusto kong lumayo sa kung saan ako nanggaling
Kung ako ay mamamalagi, mas gusto ko pang magpalibing

Mahal, pwede bang hawakan mo ang aking kamay?
Habang tayo ay naglalakbay
Tayo ay tatakbo, tatakbo ng malayo
Yung tipong hindi na alam kung saan tayo patungo

Gusto ko nang lumayo
Pwede ba na pumunta ako sa iyo?
Yayakapin kang mahigpit habang nakapikit
Ibabaon ang aking mukha, at lalong lalapit

Gusto kong tumakbo papalayo sa pinanggalingan ko
Kung pwede lang na samahan mo ako
Ngunit napagtanto ko na hanggang pangarap lang kita
Gusto kong sumaya na kasama ka
Kung pwede lang talaga

— The End —