Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinakatatago" poems
Sawa na ako sa ideya ng Pag-ibig Sawa ka na rin ba? Sa pagbulong, paghikbi at pag-asa? Dahil minsan mayroon akong nakilala Isang bulaklak ng sampaguita Bagamat di pa tuluyang bumubuka Dinudumog na ng labis na pagsinta At minsang umibig rin siya At hinayaang pitasin ng isang binata Ipinagkaloob ang taglay na kamurahan at bango Isiniwalat lahat ng pinakatatago Araw ni Valentino nang muli siyang nakita Nangungulubot na ang kanyang mumunting petalya Muli kong napansin na ang pagsinta Katulad rin pala niya May panahon ng pag usbong May panahon ng pagkamatay Hinubog na ideya sa ating isipan Na ang pagmamahal ay walang katapusan Iyan ang dahilan kung bakit sawa na ako Sa ideya ng pag-ibig
0
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 2:21 AM UTC
Sawa na ako sa Ideya ng Pag-ibig
Sa dinami-rami ng mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa'yo, kaya ko ng makasulat ng isang nobela na iyon lamang ang nilalaman. Paano pa kaya kung malaman ko ang mga pinakatatago **** sikreto? Paano pa kaya kung matuklasan ko ang iyong pinakamaiitim na lihim? Paano kung kinaya kong buksan ang iyong puso't isipan para lang malaman kung sino ang itong nilalaman? Kaya lang sa'king palagay hindi ko kakayaning makita na iniisip mo kung paano mo hahawakan ang kaniyang kamay. Na ang tumatakbo pala sa iyong isipan ay kung paano mo siya gustong hagkan. Doon pa lamang, bumigay na ang aking puso Ginusto ko ng dukutin ang aking mga mata para lang hindi masilayan kung gaano ka kasaya sa piling niya. Iyon na siguro ang malaki **** sikreto. Mahal mo pa rin siya Hindi ko na naman kailangang tanungin dahil pag tinitignan kita, siya ang nakikita mo. Ayoko ng makita muli ang laman ng iyong puso. Ayoko ng matandaan. Ayoko ng pakielaman. Pero sana *Sana yung maliliit na bagay na lang ang aking nalaman.*
0
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:43 PM UTC
Maliliit na bagay
Takot akong mag-isa Takot akong harapin ang apat na dingding na makakasama ko sa gabi Narinig na nila akong kumanta Ng mga sinasayawan ng kalungkutan na himig Takot akong kamustahin ng mga unan na nabulungan na ng mga kasalanan Ng mga kumpisal ng mga pinakatatago kong lihim Naulanan na sila ng mga luha Na resulta ng ilang beses na pagtalalo Na nagaganap sa utak ko Hindi ko rin maintindihan Walang nakakaalam Na sa tuwing gabi na tanging ang hininga ko lang ang naririnig tanging ang puso na lang ang may ganang magdagdag ng segundo, paulit-ulit walang nakakaalam kung gaano kalalim ang nilalakbay ng isip, kung gaano kadilim ang suhestiyon ng mga boses na nagtatakda madalas na akong nakikinig sa kanila pinipilit kong bugawin ngunit mas malakas sila sa ‘kin natatakot akong mag isa natatakot ako sa mga gabing ako lang ang nagpapatulog sa sarili natatakot ako sa mga susunod pa _hindi ka ba natatakot sa mga boses na nagpapatulog sa 'yo tuwing gabi?_
0
Jan 17, 2018
Jan 17, 2018 at 8:45 AM UTC
Untitled