Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinaiyak" poems
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan, Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag. Alam kong dapat masaya ako pero Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko? Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo, Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano. Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo. Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko, Kasama ng mga sagot na hinahanap ko. Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba? Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita. Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala. Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan At kung paano kita hinayaan. Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
0
Jul 13, 2015
Jul 13, 2015 at 1:45 PM UTC
Araw at Ulan, Ikaw at Ako
Pinaiyak, hindi napaiyak Sinaktan, hindi nasaktan Pinaasa, hindi napaasa Naiwan? Baka iniwan Hindi maaring sabihing napaasa mo kung Ni minsan hindi mo ginustong saluhin Hindi tamang sabihin na naiwan mo siya Dahil hindi niya ginusto sumama sa landas na alam **** ayaw niya Hindi katanggap tanggap ang sabihin **** "pasensya at nasaktan kita" habang wala siya sa isip mo nung mga panahong nagsasaya ka sa mga bagay na ika-lulungkot niya Hindi tama Mali May pagkakaiba sa dalawa Hindi ito isang aksidente Sinadya mo, ginusto mo Ngayon Sinanay niya ang sarili na wala ka Pinili niyang maging masaya ng hindi ka kasama Ngunit wala kang magawa, hindi mo sinasadya, diba?
0
Dec 7, 2016
Dec 7, 2016 at 6:28 AM UTC
PINA
Ang sarap pakinggan ng mga kanta sa Radyo Mp3 Player Tv o kahit saan mo pa yan nariinig Masarap pakinggan lalo na pag damang dama mo Iba't ibang klase ang mararamdaman mo pag makikinig ka sa mga kanta Malungkot,masaya,naiiyak,natatawa,kinikilig,naiinis Masarap kumanta lalo na pag ikaw lang mag-isa kasi walang nakakarinig sayo Pero mas kumanta kung kasama mo yung taong inaalayan mo nito Yung taong minsan kang pinsaya Yung taong minsan kang pinalungkot Yung taong minsan kang pinaiyak Yung taong minsan kang pinakaba Yung taong minsan kang pinatawa Pero pano kung yung taong inalayan mo ng kanta minsan kang pinasaya minsan kang pinalungkot minsan kang pinakaba minsan kang pinatawa Eh nawala na Paano na Ano gagawin mo Ano pang kakantahin mo Ano iisipin **** paraan para bumalik siya Kapag naririnig mo yung kantang minsan niyong kinanta ng sabay nalulunkot ka,naiiyak,naiinis kasi pinakawalan mo siya Iniwan ka niya Iniwan ka Iniwan Yan yung mga salitang mariririnig mo kapag makikinig ng mga kanta
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:27 AM UTC
Kanta
Hi! Tuwang tuwa ako sa salitang ito. Lalo na't mula sa'yo. Bakit gano'n? Isang Hi mo lang di mapigilang bumilis ang tibok nito. Isang Hi mo lang nabubuhay ang dugo kong ito. Hayyysssss… Hello! Di'ba sinaktan at iniwan mo ako? Di'ba sabi mo ayaw mo na? Di'ba? Niloko Pinaiyak Dinurog. Niloko Pinaiyak Dinurog. Ang puso kong ito, noong masayang magkapiling pa tayo. Tama bang bumilis ang tibok nito kapag ikaw ang kaharap ko? Tama bang tumibok ulit ito para sa'yo? Tama nang sinaktan mo ako ng isang beses. Ayaw ko nang dumalawa pa. Ayaw ko nang saktan mo pa. Ayaw ko nang ganito'ng nadarama. Ayaw ko na. Sa'yo. Oo, tama ang narinig mo na Ayaw ko na sa'yo. Kaya kung maaari lang layuan mo na ako. Oo, gusto pa kita at alam ko rin na gusto mo pa ako. Oo gustong gusto mo pa ako. Oo gusto mo pa ako. Oo gusto mo ako. Ano? Gustong gustong saktan, paluhain, durugin. Ano pa ba? Ano pa ba ang gusto **** gawin sakin? Pero hindi mo na muling magagawa pa dahil ayaw ko na. Tama na, sobra ka na, itigil mo na. Mauubus din ang nararamdaman kong ito para sa'yo.
0
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:40 AM UTC
Hi
*Kahit saglit lang Patingin ng mga mata **** pinaiyak niya Kahit saglit lang Patingin ng mga sugat na iniwan niya Kahit saglit lang Patingin ng mga bubog na nakatusok pa Kahit saglit lang Parinig ng mga kuwento niyo na naaalala mo pa Kahit saglit lang Hayaan **** punasan ko ang iyong mga luha Kahit saglit lang Gagamutin ko ang sugat mo para maghilom na Kahit saglit lang Huhugutin ko ang mga bubog na humahadlang sa iyong pagiging masaya Kahit saglit lang Handa akong pakinggan ka Sana'y iyong makita Na maari mo akong maging sandalan Kahit saglit lang naman Maging bahagi ako ng iyong kalawakan*
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 6:20 PM UTC
Kahit Saglit Lang
'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit mo habang pinipilit **** tanggalin ang iyong kamay sa aking kamay 'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit noong panahon na ang mundo natin ay nagtatagpo sa isang segundo lamang 'wag mo kong kalimutan' mga katagang nagpaikot sa atin na ating pinaniwalaan at pinagtibay ngunit ang tadhana'y mapaglaro ngayon ang katagang ito ay winasak tayo pinaiyak at dinurog sa isang segundo lamng ngayon ang katagang ito ay isang uri na lamang sa katagang nilimot ng ating panahon at kinakalimutan  natin ngayon
0
Jan 5, 2018
Jan 5, 2018 at 4:53 AM UTC
wag mo kong kalimutan
gago ka pinaiyak mo ko but all I want to do is scurry down these hollow halls and scream **** you too*
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 8:26 AM UTC
this 4th of October