"pinaibig" poems
Akala ko, tadhana lamang ang mapaglaro.
Ngunit aking natanto, ika'y mas mapaglaro.
Binuhay mo ang pihikan kong puso at ito ay pinaibig ng husto.
Yun pala, ako'y iyong iiwanan sa dulo.
Ginawa mo lamang akong tanga.
Tao sa aking paligid ay natatawa.
Kasawian ko ay iyong kasiyahan.
Sana maaga akong nagising sa aking kahibangan.
Ako sana ay hindi nagdurusa ng lubusan.
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 11:51 AM UTC
Ngayong wala kana
Sisimulan ang bawat pahina ng mag isa
Mahirap sambitin
Kayat isusulat nalang ang laman ng damdamin.
Isa, dalawa, tatlo
Mag susulat ako hindi para sayo kundi para sa pusong iniwan at dinurog mo
Pilit binubuo
Pilit inaayos
Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ganito?
Sa pagsulat ng libro na lamang ba maisasabi ang nadarama
Magbubulag bulagan na ba
Mag bibingibingihan na ba sa ingay at kalabog ng aking puso
Sa bawat pahina, sa bawat letra
D na ikaw ang inspirasyon
Kundi ikaw na ang kosumisyon
Pano ko maisusulat ang storyang ating binuo kong ikaw ay lumayas na
D nag paalam, di nagparamdam
Presensiya mo lamang ay biglang na wala
Parang tanga, na naghihintay sayo
Pero bakit ikaw ay nawala?
San ka nag *****
San nagkulang?
San nag sobra?
San na ang pusong iyong pinaibig at sa huliy iyong iniwan?
Mahahanap pa ba?
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 6:07 PM UTC